Chapter 22: Alexis George

46.4K 1.1K 605
                                    

Mckendall's.



Ito na ang ikatlong araw na naghihintay kami sa pag-uwi ni mommy kasama ang sinasabi niyang malamig nang katawan ni daddy. Nasa mansyon pa rin kami ng kapatid ko. Hindi pumayag si lolo na umuwi kami sa bahay hanggat wala pa ang magulang namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap ng harapan, matapos ang nangyari kay daddy. Sa tingin ko'y naging busy siya masyado. Ngunit ngayong araw, siya na mismo ang nagpatawag sa'kin. Pumunta ako sa hardin kung saan siya naroroon ngayong umaga.



Naabutan ko siyang nakapamulsa habang malayo ang tingin. Malakas makiramdam si lolo kaya agad din itong nagsalita nang makalapit ako.



"Bukas na darating ang magulang niyo." Panimula niya.



Hindi ako sumagot. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang ngayon hindi pa rin kalmado ang isipan ko. Marami pa rin ang bumabagabag sa'kin dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyari.


Lumingon ng bahagya si lolo sa gawi ko saka tuluyang humarap. "Nakikiramay ako sa nangyari sa daddy mo, apo." Ngumiti ako ng mapait at tumango lang. "Alam kong mahirap tanggapin sayo ang mga nangyari. Ngunit wala na tayong magagawa."



"Alam ko po. Pero gusto kong makita mismo ng dalawang mata ko ang katawan niya bago ako maniniwalang siya nga yon," mahinang sabi ko. "Misteryosong tao si daddy. Sabi mo nga masyado siyang matalino para makipaglaro lang ng basta-basta."



"Sinasabi mo bang hindi ka naniniwalang patay na siya?"



Kahit naman ang kapatid ko'y ayaw maniwala. Hirap kaming tanggapin ang nangyari. Siguro matatahimik lang ako kapag naiuwi ni mommy ang bangkay niya para makumpirma, at kapag nalaman ko kung sino ang pumatay sa kanya.



"Sa ngayon." Sagot ko.



He took a deep breath. "Alam na rin naman ng daddy mong mangyayari sa kanya 'to dahil bukod sa'kin, alam kong marami pang may ayaw sa kanya.



"Ayaw mo pa rin sa kanya kahit ngayong wala na siya?" Tanong ko.



"Hindi porke't nawala siya'y magbabago na lamang yon, Mckendall. He was still the man I don't like for your mom. Wala siyang naidulot na maganda, kung mayroon man...yun ay ang naging daan siya para dumating kayo ng mga kapatid mo sa buhay ko."



I sighed softly. At least, he still appreciates him that way.



"Alam kong maraming gumugulo sayo, apo." Napatingin ako sa kanya. "Hayaan mong ipaubaya sa'kin ang nangyari sa ama mo. Ayaw ko man gawin 'to, pero para man lang sainyo'y mabigyan natin siya ng hustisya. Sa ngayon pahupain mo muna ang lahat, magpahinga ka dahil pagod na pagod kana. Intindihin mo ang kapatid mo dahil kailangan ka niya."



Huminga ako ng malalim saka tumingin sa harapan, sa mga magagandang bulaklak sa hardin na 'to. Tama siya, kailangan ako ni Ashlieh. Sa halip na nag-iisip ako ng kung anu-ano, dapat kapatid ko muna ang inaasikaso ko. She's been so down because of what happened. Hindi pa rin matigil ang bawat pag-iyak niya tuwing gabi. Nasasaktan akong makita siyang malungkot at nahihirapan.



Sa ngayon hahayaan ko muna si lolo dahil alam kong may magagawa siya. Uunahin ko muna ang kapatid ko saka ako babalik sa pag-aalam ng totoong nangyayari




______
__________

Alexianne's.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon