Chapter 23: Love is not a word

43.3K 1.1K 496
                                    


•Flashback•



"I'm sorry, Justine. I love her."



He frowned. "Y-you love your...fake fiance?"



I looked down. "Hindi ko naman...inaasahan na mamahalin ko siya," naiiyak na sabi ko. "I just woke up and got confused with my own feelings. Hindi ko na alam kung para kanino na ba tumitibok ang puso ko. Pinilit ko naman ang sa'tin eh...kaso ang kapalit nun nasasaktan ko na pala kayong pareho, and I became unfair with myself too."



"Kung ganon...tama nga ang hinala ko una pa lang?" Napaangat ako ng tingin. Tumawa siya ng pilit at tumingala para pigilan ang luha. "Akala ko ba Winter tayo lang? Hinintay mo akong bumalik, hindi ba? Pareho nating hinintay ang pagkakataon kung saan pwede nang maging tayo pero...bakit ngayon...nag-iba na lamang bigla? Bakit hindi na ako?"



"H-hindi ko rin alam. I'm so sorry!" I cried harder, covering my face with my bare hands. I shook my head. "I don't wanna—do this, but at least once...I want to choose what I think will make me happy, and that's her." I meet his gaze.



"W-what about me?" His voice cracked.



"I want to s-set you free, Justine." Hindi ko na kayang tignan siya sa kanyang mga mata dahil umiiyak na rin siya at baka bigla kong bawiin lahat ng mga sinasabi ko ngayon dahil lang nag'guilty ako. "I know you'll hate me for doing—!" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang maramdaman ang yakap niya.



"Stop. I will never hate you." He said. I can hear him sobbing on my back. Pumikit ako ng mariin at niyakap siya pabalik. "Alam ko namang mahal mo na siya. You were too obvious, you know? Pilit mo lang nilalabanan ang nararamdaman mo sa kanya dahil ayaw mo akong saktan, tama? You were so unfair with yourself, Win. I feel bad about it."



"It was my fault, Justine. Sana pala—!"



"Shhh, no." He hushed. Kumala siya sa yakap at masuyo akong tinignan. "Naalala mo noong magdate tayo during tournament before their first game started?" He uttered while trying to control himself. "Kahit ako ang kasama mo noong mga oras na yon, alam kong siya ang iniisip mo." Sinubukan kong alalahanin ang araw na yon dahil doon pa lamang ang unfair ko na sa kanya. "Tinanong kita kung anong gusto mo at sa hindi ko inaasahan...pangalan niya ang naisagot mo nang hindi mo rin namalayan. And, I won't also forget the day when I saw the both of you hugging. I wished I didn't get to see that 'cause that hurt so bad. The way you looked at her, the way you get jealous unconsciously, the way you get confused and startled by her presence...lahat nang yon nasaksihan at napansin ko. Ini-expect ko na rin namang darating ang oras na kailangan mong pumili sa aming dalawa. I was so confident that...it would be me. Umasa ako kasi akala ko kahit pa mas mahal mo na siya, ako pa rin ang pipiliin mo kasi babae siya and you're not into girls." He paused and sighed. "I was wrong," and whispered.



Tinitigan ko siya saka tuluyang pinunasan ang huling luha na pumatak sa mata ko. "I never liked girls romantically, Justine. Lacson is an exception."



"But, you hate lesbians."



"I never said that," I frowned. "Does hating Marquez makes me an anti-lgbt?" Seryosong tanong ko. "And, are you saying that Lacson is lesbian?"



Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagkadisgusto ko kay Sophia at sa advocacy niya. Hindi ko alam na ganito rin pala ang naging pagtanggap niya sa mga ikinuwento ko.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon