Chapter 27: Behind the chaos

34.8K 910 151
                                    


Winter's.



Nagising akong masakit ang ulo at medyo nahihilo. I had to blink multiple times just to adjust my vision as I see nothing, but completely blurry surroundings. Ramdam ko rin ang pananakit ng pwetan ko at ng buong katawan ko. Ano bang nangyari sa'kin? Sa dahan-dahang pagbabalik ng mga mata ko sa normal na paningin nito...ay siya ring pagpapaalala sa'kin ng nangyari habang pauwi ako kagabi.



Hinarang ako ng itim na van hindi pa man ako umaabot sa subdivision namin. Tatlong armadong lalaki ang sakay nun, and all of them were covered up. That's the least I can remember bago nila sapilitang binuksan ang pinto ng sasakyan ko. Hindi ko na nagawang tumawag pa ng tulong, or even call anyone using my phone because I was frozen in hell and so terrified. I really thought that was the end of me especially when one of them hit me at the back of my head that made me lose my consciousness. I had no idea what happened next. But, here I am now...waking up in an abandoned warehouse in the middle of nowhere.



Sinubukan kong galawin ang sarili ko, at doon napagtantong nakatali ang kamay at katawan ko habang nakaupo sa upuang kahoy. "What the hell..." I mumbled.



I struggled violently, trying to free myself or at least loosen the cords around me. But, it's no use. Mahigpit ang pagkakatali sa akin. Mas lalo ko lang sinasaktan ang katawan ko sa bawat pagpupumiglas na aking ginagawa dahil humihigpit ang gapos.



I need to get out of this place...



"Winter...Thales?"



Natigilan ako nang may tumawag sa'kin. Dahan-dahan akong napatingin sa kanang gawi ko. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ako rito. She was also tied on a chair. "Scarlet Zign..." usal ko sa pangalan niya, nagtataka kung bakit nandito rin siya. Pero, bakit nga ba kami nandito?



She lively nodded. "Yeah, yeah. Kilala mo pala ako? Hihi."



"Y-yeah." I awkwardly answered.



Who wouldn't know her? Everyone knows about her. Ilang beses na rin kaming nagkita kaya siguro naaalala niya ako. Maingay ang pangalan niya sa buong syudad at sa bawat kalapit na paaralan kaya sino namang hindi makakakilala sa kanya? Scarlet Zign Anderson is one of the famous images nowadays. She's the popular council President of New Generation University, a young and promising leader. Marami kang maririnig na maganda tungkol sa kanya, at sa mga ginagawa niya bilang isang tao at isang estudyante.



"What are you doing here?" She asked me. "You were kidnapped by those awful looking guys too? Nauna ka sa'kin dito eh. You were taken first."



I shrugged. "They blocked me last night while on my way home. They ambushed me."



Naglibot ako ng tingin sa hindi kalakihang espasyo kung saan kami ngayon. Wala akong ibang makita kundi puro kalawanging bakal. Mula sa poste, bubong, at lahat ng materyales na ginamit para itayo 'tong bodega. May lumang sasakyan pa sa harapan namin kung saan kami nakaupo at nakatali. Napansin ko rin ang lamesang nasa sulok sa dulong bahagi na may kung anu-anong nakalagay na kalat sa ibabaw. At mula naman dun, umakyat ang tingin ko sa maliit na bintana kung saan may sinag ng araw na lumulusot galing sa labas. Anong oras na kaya ngayon? Ang alam ko matagal akong tulog at walang malay. Napunta ang tingin ko sa bombilya ng ilaw na siyang nagsisilbing liwanag ng lugar na kinaroroonan namin ngayon. Hindi ito maliwanag pero sapat na para makita ko ang nasa paligid. Kung hindi sana kami nasa ganitong sitwasyon, iisipin kong napakacinematic ng vibe dahil sa dilaw na ilaw para sa isang bakante pero magulo sa paningin na warehouse.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon