Kabanata 2

738 45 18
                                    

"Oo, Lydia. Ikaw ang tinutukoy ko. Mahal kita, matagal na." - Emmanuel Portacio.

🔹🔹🔹

Taong 1972, Choi Zhou Resto

MAHIGPIT ang hawak ni Lydia sa kanyang panyo. Kasama niya si Emmanuel, kaya malamang ay lumulukso na naman sa tuwa ang puso niya. Matagal na siyang may gusto dito, pero hindi niya lamang sinasabi dahil ayaw niyang masira ang relasyon na mayroon sila ngayon- ang pagiging matalik na magkaibigan.

Nakapagsalita lamang si Emmanuel nang biglang dumating sa tapat nila ang isang waiter. Sosyal dito dahil siyempre, isa itong Chinese Restaurant. Maayos ang crew dito at masasabing ito ay prestihiyoso. Pero kahit gano'n, abot-kaya naman ang presyo na kanilang itinitinda.

"Pasuyo naman ng dalawang siopao, sago't gulaman at saging na lakatan," magalang na tugon ni Emmanuel. Tumango lamang ang waiter at umalis na.

"Ano ba ang dapat nating pag-usapan?" mabining tanong ni Lydia. Nginitian naman siya ni Emmanuel. Noong mga oras na 'yon, pinipigilan lamang nito na mapangiti. Hangga't maari kasi, ayaw niyang mahalata nito na may lihim siyang pagtangi sa binata.

"Wala lang. Gusto ko lang ng may kausap," simpleng sambit ni Emmanuel.

"Sabagay, kakailanganin mo lang naman ako kapag gusto mo lang akong kausapin," mahinang bulong ni Lydia sa sarili.

"May sinasabi ka?" tanong ng binata.

"Wala. O, kamusta na pala kayo ni Marie?" pag-iiba ni Lydia sa usapan.

"Wala na kami no'n. May napagtanto kasi akong isang bagay," makabuluhang sagot ni Emmanuel habang nakatitig kay Lydia. Hindi na napigilan ng dalaga na mapalunok.

"Ano naman 'yon?" kinakabahang tanong ni Lydia. Matamis na ngumiti si Emmanuel.

"Hindi ko na mapigilan ang pag-ibig ko sa babaeng 'to, Lydia. Sa totoo nga niyan, gusto ko siyang ligawan," sabi ni Emmanuel habang 'di pa din inaalis ang paningin kay Lydia. Bilang isang binibini, hindi maiwasan ng dalaga na ma-concious sa pagtingin ng binata sa kanya. Marami siyang pangamba, kung may muta ba sa mata niya o may bagong siyang tubo na pimples sa mukha.

Para maitago ang kaba na nararamdaman, kahit alanganin ay ngumiti na lamang siya dito.

"Sino ba ang babaeng 'yon?" tanong ni Lydia. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Emmanuel.

"Ikaw," tipid na sagot ni Emmanuel. Nanlaki ang mata ng dalaga na ani mo'y hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Ako? Paanong.. ako?" wika nito at itinuro pa ang sarili.

"Oo Lydia. Ikaw ang tinutukoy ko. Mahal kita, matagal na."

Hinawakan ni Emmanuel ang kamay ni Lydia. Nakatingin lamang ito sa magagandang pares ng mata ng dalaga. Noong mga oras na 'yon, hindi makapagsalita si Lydia. Hindi niya alam kung anong ikikilos niya sa sitwasyon na 'yon.

Paano kung pinagtitripan na naman siya ni Emmanuel? Paano kung nagbibiro lamang ito at gusto lamang siyang bukingin?

Binitawan ni Lydia ang kamay nito. Naguguluhan siya, gusto niya muna ng oras para makapag-isip. Kinuha ng dalaga ang kanyang bag. Sakto namang dumating na ang order nila, pero hindi na siya nag-atubiling pansinin pa 'yon. Ang gusto niya lamang ay makalayo muna sa binata, para makapagmuni-muni, makapag-isip isip.

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now