Kabanata 10

410 45 8
                                    

"Oo Lydia, bumalik ako at susunduin na kita patungo sa ating habambuhay." - Emmanuel Portacio.

🔹🔹🔹

NAKANGITI lang si Lydia habang pinagmamasdan ang mag-kasintahan sa harapan niya, sina Benedict at Zerene. Nakikita niya kasi ang sarili niya kay Zerene noong kabataan niya pa. Kung makikita niya lang siguro si Emmanuel, gano'n silang ka-sweet kagaya ng kay Zerene at Benedict.

Bumuntong hininga siya at tumalikod na. Kailangan niya pa kasing pumunta sa Choi Zhou Resto, hihintayin niya do'n si Emmanuel. Malay mo, bigla itong bumalik at 'di pala nakalimot na tumupad sa pangako nito.

Buong buhay ni Lydia, kahit sino man ang magtangkang manligaw sa kanya ay bina-busted niya agad. Tapat siya kay Emmanuel at kahit tumanda man siya hanggang sa mamamatay, iisang lalaki lang ang gusto niyang mahalin.

"Emmanuel, tutupad ka pa kaya sa pangako mo?" tugon ni Lydia sa sarili habang tumatawid na sa kalsada. Hindi niya alam kung bakit siya napalingon. Sa paglingon niya, do'n niya nakita ang isang rumaragasang trak na papalapit sa kanya.

Ngunit imbes na matakot dahil nanganganib ang kanyang buhay, natuon ang atensyon niya sa mga letrang naka-ukit sa unahan ng trak.

EMMANUEL.

Napangiti si Lydia dahil do'n. Ito na ba ang sign na magkikita na ulit silang dalawa? Na tutuparin nito ang kanyang pangako na babalik pa pagkatapos ng mahabang panahon?

Nakaramdam ng matinding pananakit ng likod si Lydia nang tumama sa semento ang katawan niya. Ramdam niya ang tindi ng kirot sa kanyang ulo, parang binibiyak na kung ano. Tuluy-tuloy din ang pag-agos ng dugo mula sa katawan niya.

Nanghihina na siya.

"Lola Lydia!" Rinig niyang hangos ng isang dalaga. Boses palang nito ay kilala niya na.

"Z-Zerene.." Kahit hirap sa pagbikas ng pangalan nito, pinilit niyang magsalita. Hinawakan siya ni Zerene at nilagay sa kanyang mga braso. Kahit nanlalabo na ang paningin ni Lydia dahil sa lakas ng epekto nito sa kanya, ramdam niyang umiiyak si Zerene.

"Lola, kapit ka lang po okay? 'Di pa po kayo pwede mamamatay, papaano po si Emmanuel?" hangos ni Zerene habang umiiyak. Tanging lunok na lamang ang nagawa ni Lydia. "Benedict! Dalhin natin siya sa ospital!"

🔹🔹🔹

INAKAY ni Benedict si Lydia papasok sa sasakyan. Pagkatapos ay mabilis na pinaandar ang kotse patungo sa pinakamalapit na ospital. Agad naman itong inasikaso ng mga nurses at doctors sa operating room. Tanging iyak naman ang nagawa ni Zerene habang pinapatahan naman siya ni Benedict.

"Benedict, kailangan niyang mabuhay.. Naawa ako sa kanya. Kahit papaano, napamahal na siya ng sobra sa'kin.." iyak ni Zerene kaya naman pinatahan ito ni Benedict. Niyakap niya ito upang pakalmahin. "Everything will be alright. We just need to trust Him that she will survive."

Ilang minuto din ang lumipas, kapwa silang dalawa ay tahimik lang. Nagdadasal silang pareho na sana maligtas si Lola Lydia. Sakto namang dumating ang doktor, bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

Nabahala naman si Benedict sa magiging reaksyon ni Zerene. Halatang malapit ng tumulo ang luha mula sa mga mata nito. Napamahal na nga siguro talaga ang matanda kay Zerene.

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now