Kabanata 5

464 44 10
                                    

"Zerene, I'm inlove with you." - Benedict Reyforth.

🔹🔹🔹

ILANG linggo na din ang nagdaan simula nang tumira si Zerene sa bahay ng boss niyang si Benedict. Naging maayos naman ang pagtira niya dito. Gano'n pa din naman ang set-up nila, maliban sa naging mas malapit sila ni Benedict sa isa't isa.

Marami ng taong nakakapansin sa pagiging malapit nilang dalawa, lalo na ang kanyang kaibigan na si Racy na todo kantsaw sa kanya. Hindi naman mapigilan ni Zerene na kiligin. Kahit papaano kasi ay nagkaka-crush na siya kay Benedict.

"Ikaw ha! Umamin ka nga sa'kin, kayo na ba ni sir?" kinikilig na tanong ni Racy sa kanya. Todo tanggi naman si Zerene.

"Baliw! Hindi 'no." Napakagat ng ibabang labi si Zerene. Nahihiya kasi siya.

"E bakit kayo magkasabay ni sir umuuwi? Tapos naka-limousine pa!" ani Racy. Mas lalo tuloy pumula ang pisngi ni Zerene.

"Kasi nga, do'n na ako nakatira kay sir pansamantala," mahinang bulong ni Zerene sa kanya. As usual, tumili si Racy dahil sa kilig.

"Oh my gosh! For real talaga? Grabe ka na ha! Tell me, may jugjug na nagaganap 'no?" mapanglokong pahayag ni Racy. Agad namang hinampas ni Zerene ang braso nito.

"Baliw ka talaga! O siya, alis na ako. Nag-text na si sir e," natatawang sambit ni Zerene. Nginitian naman siya ni Racy ng nakakaloko. Umiling na lamang si Zerene dito at pagkatapos ay nagtungo na sa parking lot.

"Benedict!" tawag ni Zerene dito sabay lumapit sa kanya.

"Ang tagal mo," malokong sabi ni Benedict dito at nilagyan siya ng helmet.

"'Di mo dala ang kotse mo?" tanong ni Zerene.

"Pina-carwash ko muna."

Sumakay na si Benedict sa kanyang motor. Wala namang nagawa si Zerene kung hindi umangkas sa likod nito.

"Kumapit ka ng mabuti ha," payo ni Benedict sa kanya.

"Bagalan mo lang please?" pakiusap ni Zerene.

"As you wish."

Nagulat siya nang biglang paandarin ni Benedict ito. Napakapit na lamang ng mahigpit si Zerene sa jacket nito. Daig pa siguro nila ang paghabol ni kamatayan kumpara sa bilis ng pagpapatakbo ni Benedict sa motor nito.

"Dahan-dahan naman Benedict!" sigaw ni Zerene at mas lalong hinigpitan ang kapit kay Benedict. Mukhang niyayakap niya na nga ito.

Tanging tawa lang ang nasabi ni Benedict sa kanya. Literal na nanlaki pa nga ang mata ni Zerene nang marinig niya ito. Sa sungit ba naman kasi ng boss niya, bihira lang ito ngumiti. Ang tumawa pa kaya?

Pagkatapos ng nakakasindak nilang biyahe, nagtungo sila sa isang lugar kung saan makikita ang lahat ng view ng city lights. Kaya naman, sobrang na-amaze si Zerene sa nakikita niya ngayon. Idagdag pa na ang daming bituin na nagkalat sa langit.

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now