Kabanata 9

370 41 10
                                    

"Siguro gano'n talaga kapag umiibig ka hija. Kahit alam mong wala ng pag-asa, tuloy ka pa rin sa paghihintay kahit alam mong masasaktan ka lang naman." - Lydia Casabuena.

🔹🔹🔹

"AT 'yon na nga. Matagal ng panahon ang lumipas, pero hanggang ngayon ay umaasa pa din ako hija. Umaasa ako na tutuparin niya ang kanyang pangako na babalik siya," naiiyak na sambit ni Lola Lydia habang nagpupunas ng puting panyo sa kanyang mga mata.

"Pero paano po kung 'di na siya bumalik? Paano kung wala na siyang balak na tuparin ang mga pangako niya?" tanong ni Zerene dito. Bahagyang yumuko si Lola Lydia at mapait na ngumiti.

"Siguro gano'n talaga kapag umiibig ka hija. Kahit alam mong wala ng pag-asa, tuloy ka pa rin sa paghihintay kahit alam mong masasaktan ka lang naman."

Hindi alam ni Zerene pero lubos talaga siyang nasasaktan sa mga sinabi ng matanda. Halata dito na umaasa talaga siya na babalik si Emmanuel, kahit impossible naman talagang mangyari ang bagay na 'yon.

"Pag-ibig, bakit ang kumplikado mo?" mahinang tugon ni Zerene sa kanyang isipan.

"Kaya po ba ang hilig niyong pumunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko? Hinihintay niyo po ba do'n si Emmanuel?" Tumingin sa kanya si Lola Lydia at ngumiti.

"Oo, 'yon ang Choi Zhou Resto dati. Do'n kami madalas na kumain at kalimitan na ino-order ni Emmanuel ay ang paborito niya na siopao, sago't gulaman at saging na lakatan."

Nasaktan ng sobra si Zerene sa mga narinig. Kumpara sa dinadanas niya ngayon, may mas lalala pa pala sa sitwasyon niya. Kanina kasi, nakita ni Zerene na magkahalikan si Yvette at Benedict. Sobrang nagulat siya kasi bakit naman gagawin ni Benedict na halikan si Yvette? Umasa siya sa sinabi nitong hihintayin siya, na mahal siya ng lalaki. Pero sa ginawa ni Benedict, wala pa nga silang relasyon, nagagawa na nitong lokohin siya.

Isa pa 'tong si Yvette. Labis siyang nagtataka kung paano nakilala ni Benedict ang bestfriend niyang umagaw kay Austin- ang nobyo niya dati. Hindi niya lang kasi mapigilan na mainis sa babaeng 'yon. Hanggang kailan ba nito pepestehin ang lovelife niya? Nakakapikon na din kasi.

Ngayon, katabi niya si Lola Lydia sa may park. Pagkatapos kasi niyang matuklasan ang nangyari kay Benedict at Yvette, minabuti niya munang makalayo at makapag-isip. Sakto namang nakasalubong niya ang matanda, hanggang sa nauwi na lamang sa kwentuhan ang lahat.

"Halata sa mga mata mo ang lungkot, hija. Sabihin mo sa'kin, ano bang bumabagabag sa'yo?" masuyong pahayag ng matanda sa kanya. 'Yan tuloy, hindi niya napigilang umiyak.

"Si Benedict po kasi.. nakita kong may kahalikan siyang iba. Tapos 'yong humahalik pa sa kanya ay 'yong bestfriend ko na umahas din sa ex ko po dati.."

Pinakaayaw sa lahat ni Zerene ay 'yong pakiramdam na maging mahina. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao na hindi siya malakas, na sobrang dali niyang umiyak dahil lang sa problema. Pero noong mga oras na 'yon, ang gaan ng pakiramdam niya kay Lola Lydia. Nakaramdam siya ng kalinga ng isang lola. Sa totoo kasi niyan, close si Zerene sa lola niya. Kaso, mabilis itong kinuha ng Diyos at ngayon.. nararamdaman niya ang presenya ni Lola Lydia sa lola niyang patay na.

Agad naman siyang niyakap ng matanda. Hinagad nito ang likod niya para kumalma siya. "Hindi pa katapusan ng mundo, Zerene. Marami ka pang makikilala na lalaki. 'Di bale nalang kung siya lang ang lalaki sa mundo mo."

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now