Kabanata 6

408 41 9
                                    

"Papatunayan ko pong ako ang karapat-dapat para sa anak niyo. Siguro nga, hindi ako 'yong lalaki na sobrang yaman. Hindi ko ma-ipapangako na bibigyan siya ng sobrang maginhawang buhay, pero sisikapin ko na gagawin ko ang lahat para ibigay ang gusto ni Lydia, na magkaroon ng komportableng buhay ang prinsesa ko." - Emmanuel Portacio.

🔹🔹🔹

Taong 1972, Tahanan ni Lydia

ILANG araw na nga bang hindi lumalabas si Lydia sa kanilang bahay? Hindi na yata mabibilang sa kamay niya kung gaano katagal siyang namalagi sa kanilang tahanan. Para kasi sa kanya, mabuti na din 'yon ang mangyari para maiwasan niya na si Emmanuel.

Nasa kwarto lang si Lydia at kasalukuyang gumuguhit ng mga bagay na nakikita niya sa paligid. Napangiti siya ng malungkot. Kahit anong gawin ni Lydia na ituon sa ibang bagay ang kanyang atensyon, isa lamang ang bukod tanging nasa isip niya- si Emmanuel.

Kamusta na nga ba si Emmanuel? Nami-miss din kaya siya nito? Bakit kaya hindi na ito nagpapadala ng sulat sa kanya?

Napabuntong hininga naman si Lydia. Bakit nga ba siya umaasa sa lalaking 'yon? Ano ba siya ni Emmanuel? Isa lang naman siyang matalik na kaibigan para dito. Kahit kailan, hindi masusuklian ni Emmanuel ang pagmamahal niya.

"Lydia anak, kakain na."

Agad namang niyang niligpit ang papel at lapis na ginamit niya kanina. Pagkatapos no'n, bumaba na siya at sumunod sa hapagkainan para kumain. Tahimik lamang silang pamilya habang kumakain. Siyempre, hindi maiiwasan na magkwentuhan na rin.

"Alam mo bang muntik na akong mahuli ng mga sundalo kanina? Hindi ko alam na tuluyan na palang ipinatupad ni Marcos ang Martial Law."

Agad naningkit ang mata ni Lydia. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ng kanyang tatay? Nakaramdam tuloy siya bigla ng takot.

"Gano'n? Buti nakatakas ka," nag-aalalang sabi ng nanay niya.

"Sa awa nga ng Diyos, buti na nga lang at nakatakas pa ako. Akala ko nga, katapusan ko na." Napayuko bigla si Lydia. Nangangamba siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Kinakabahan siya sa mga susunod na mangyayari.

Alam niyang simula palang ito ng delubyo. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Paniguradong kailangan na talaga nilang maghanda.

"Ang Marcos talagang 'yan ay sakim sa kapangyarihan! Alam mo ba 'yong kapitbahay natin ay nagluluksa ngayon?" pagkukwento ng kanyang nanay.

"Bakit naman?" tanong ni tatay.

"Hanggang ngayon ay hindi pa din kasi nakakabalik ang anak niya. Siguro, nahuli na 'yon ng mga sundalo at pinahirapan."

Hindi na lamang siya nagsalita. Labis kasi ang pagtataka niya kung bakit kailangan pa ipatupad ng presidente ang gano'ng bagay. Aminado naman siya na laganap ang krimen sa bansa, pero sa ginagawa kasi nito ay mas lalo lamang pinapalala ang problema.

Para kasi sa kanya, ang bawat Pilipino ay may angking karapatan. May kalayaan ang lahat sa kung ano man ang gusto nitong gawin. Napailing na lamang siya ng wala sa oras. Siguro, hindi alam ng pamahalaan na nakakasakal na ang gano'ng sitwasyon.

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now