Kabanata 8

394 39 7
                                    

"Pangako mahal ko, babalik ako. At sa pagbabalik ko, do'n tayo magsasama habambuhay." - Emmanuel Portacio.

🔹🔹🔹

Taong 1972, Plaza De Minor

MAGKASAMA sila ngayon ni Emmanuel. Sa awa naman ng Diyos, pina-unlakan na din ito na ligawan siya. Oo, pumayag na din sa wakas ang tatay ni Lydia na pormal na ligawan ang dalaga. Matapos ang pagpapahirap dito ng limang buwan, sa wakas ay napapayag na din ang tatay niya.

Sobrang espesyal ng araw na 'to para kay Lydia. Ilang buwan na ba ang tinagal ng panliligaw ni Emmanuel sa kanya? Ang balak kasi ni Lydia ay sagutin na ito ngayon. At 'di na siya makapaghintay sa kung ano mang magiging reaksyon ng binata.

Sa ngayon ay tahimik nilang binabaybay ang paligid habang magkahawak ang mga kamay nila. Namumula na naman tuloy ang mukha ni Lydia dahil sa kilig.

"'Di ka pa ba nagugutom mahal ko? Gusto mo bang kumain muna tayo?" nag-aalalang tanong ni Emmanuel sa kanya.

"Gutom na ako," sabi ni Lydia.

"Sa'n mo ba gusto kumain? Libre kita." Napangiti ng husto si Lydia. Saan nga ba niya gustong kumain? Alam niya na! Do'n nalang sa lugar kung saan saksi ang restaurant na 'yon sa kanilang pagmamahalan.

"Sa Choi Zhou Resto nalang."

Walang imik naman si Emmanuel at naglakad na nga patungo sa nasabing restaurant. Kumuha muna si Emmanuel ng order at hinayaan na lamang ni Lydia ito kung anong kakainin nilang dalawa.

"Pasuyo naman ng dalawang gulaman, dalawang siopao at dalawang saging na lakatan."

Agad naman itong sinunod ng waiter kaya naman mabilis na nakarating ang order nila. Tahimik lang silang kumain, minsan nagkakasalubong sila ng tingin at bigla nalang ngingiti sa isa't isa.

"May dumi ka pa sa labi mo," pahayag ni Emmanuel at lumapit dito para punasan ang gilid ng labi ni Lydia ng tissue.

"Ahm, salamat," nahihiyang tugon ni Lydia.

"Kahit kailan ang dugyot mo kumain," pang-aasar ni Emmanuel sa kanya na ikinasimangot ni Lydia.

"Dugyot talaga? Hmp, 'di kita sagutin dyan e," pananakot ni Lydia dito na siya namang ikinasimangot ngayon ni Emmanuel.

"Nagbibiro lang naman ako, mahal. Wala namang ganyanan, magpapakasal pa tayo 'di ba?" seryosong pahayag ng binata sa kanya dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Sabi ko nga," natatawang sambit ni Lydia kaya naman inakbayan siya ni Emmanuel. Mga ilang oras din ang tinagal nila bago makaalis sa restaurant na 'yon. Sa ngayon, ang balak nilang dalawa ay pumunta sa sinasabing lugar ni Emmanuel kung sa'n may nakahandang sorpresa ang binata para kay Lydia.

"'Wag mo akong bibitawan ha? Baka mahulog ako," wika ni Lydia na hawak ng mahigpit ang kamay ni Emmanuel. Nakatakip kasi ng panyo ang mga mata niya para daw mas sorpresa ang dating. Medyo pilyo talaga 'tong si Emmanuel e.

"Kung mahulog ka man, handa naman akong saluhin ka e." Lihim na napangiti si Lydia. Iba talaga ang epekto ni Emmanuel sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ang lalaking 'to e.

The Martial Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now