Kabanata 3

564 47 16
                                    

"Ligtas ka na, 'wag ka ng matakot." Benedict Reyforth.

🔹🔹🔹

HANGGANG ngayon ay hindi mawaglit sa isipan ni Zerene ang kinuwento ng matandang babae sa kanya— si Lola Lydia.

Gusto niya pa nga sanang makinig sa mga kwento nito, ngunit ayaw niya namang mapagod ang matanda. Kaya minabuti niya na lamang na ihatid ito sa kanilang bahay bago siya umuwi sa tinitirahan niyang apartment.

Habang nagsusuklay si Zerene, nagulat na lamang siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya naman itong kinuha at binasa. Pero na-dissapoint lamang siya nang malaman kung kanino ito galing. Si Austin lang pala, 'yong dati niya lang palang boyfriend na niloko lamang siya.

Bumalik tuloy sa isipan niya ang masasakit na ginawa ng binata sa kanya. Hindi nito makakalimutan ang bagay na 'yon. Anniversary na sana nila ni Austin noon, pero sa kasamaang palad ay nahuli lamang ni Zerene ang kanyang nobyo na nakikipagtalik sa ibang babae. At ang babaeng 'yon ay ang taong kinikilala niya pang bestfriend— si Yvette.

Pinunasan ni Zerene ang luha mula sa kanyang mga mata. Dala na din ng curiousity kung bakit siya cinontact ng ex niya, kahit masakit sa damdamin ay binasa niya pa din ito.

Zerene, gusto sana kitang makausap. Bukas, sa dating tagpuan. Same time.

Nabalot na lamang ng pagtataka ang isip ni Zerene. Ayaw niyang umasa sa sinabi nito, pero hindi niya kasi mapigilan. Sa loob ng dalawang taon, si Austin pa din ang mahal niya. Ginusto niya mang mag-move on, pero para kasi sa kanya ay hindi ito madali. Lalo na kung 'yong first love niya ang naging first boyfriend pa niya.

Gulung-gulo ang isip ni Zerene, hindi niya din magawang matulog. Ang daming pumapasok sa isip niya. Simula pa kasi noong break-up sila huling nagkita. Hindi niya alam kung anong ikikilos niya, kung anong susuotin niyang damit o kung ano ang magiging ayos ng mukha niya bukas.

"Bahala na nga," mahinang bulong ni Zerene sa sarili at pinikit na lamang ang kanyang mga mata.

Umaga na nang magising si Zerene. Inayos niya ang kanyang hinigaan at ginawa na ang dapat na gawin. Sa ngayon, tinitignan niya ang kanyang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng floral dress na tinernuhan niya ng black stilletos. Nilugay niya lang din ang tuwid niyang buhok na tiyak ay bagay sa maputi niyang kutis.

Ngayon, masasabi niyang handa na talaga siya.

Lumabas na siya sa kanyang apartment at agad na ni-lock ito. Ang balak niya ngayon ay maglakad na patungo sa coffee shop para do'n hintayin si Austin. Night shift naman siya ngayon kaya hindi magiging sagabal ang pagkikita nilang dalawa sa kanyang trabaho.

Pagkapasok pa lang ni Zerene sa coffee shop, kitang-kita na agad ng mga mata niya ang kanyang first love. Hindi niya alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napansin din niyang mas lalong naging masculine ang katawan nito, na siyang dumagdag sa kagwapuhan ng binata. Kinakabahan man si Zerene, pinilit niyang tawagin ang pangalan ng minamahal para makuha niya ang atensyon nito.

"Austin."

🔸🔸🔸

NAPALINGON ang binata nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanyang pangalan. Sa paglingon niya, nakita niya ang isang binibini na talaga namang nakakaakit ang ganda.

The Martial Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon