Chapter 43

203 17 1
                                    



Chrismel's POV




"Masaya ka ba ?" Nakangiting tanong sakin ni Crimson .



"Oo kahit medyo pagod kanina sa reception." Kasalukuyan kaming nasa honeymoon namin ngayon and syempre hindi ko na idedetalye kung anong nangyare samin . Kunwari pa kayo! Gusto niyo yung mga honeymoon part na ganyan eh hahaha!




"Sa reception ba o sa ano?" Sabi niya saka ngumiti ng nakakaloko .



"Ikaw kamo ! Puro ka talaga kalokohan!" Enebe kinikilig eke seye. Hinila ko yung kumot na tanging bumabalot samin at saka ko siya tinalikuran.



Naramdaman ko yung paggapang ng kamay niya papunta sa ....




.... Sa tiyan ko! Hahahahaha . He's hugging me from my back .




Naramdaman ko ang mainit na pakiramdam sa batok ko dulot ng paghinga niya .




Damn . Naiiyak ako .




Agad akong humarap sa kanya at niyakap siya ng mahigpit .



"Mahal na mahal kita ..." Bulong ko sa kanya at saka sumiksik sa dibdib niya .



"Mahal na mahal din kita." Sagot niya at saka ako mahigpit na niyakap bago ako hinalikan sa noo .




Marahan kong ipinikit ang aking mga mata ng makaramdam ako ng kakaibang awra na bumalot sa amin . Hindi , baka guni-guni ko lang iyon . Tinitigan ko si Crimson at saka ko muling pinilit matulog .




'BLAAAAAGGGGHHHHH!'



Napabangon ako dahil sa malakas na ingay na narinig ko . Napansin ko na nagbago ang kwarto namin , parang nasa isang kubo kami ngayon . Agad kong ginising si Crimson at maging siya ay naguguluhan .



"Magbihis ka!" Utos niya habang madali siyang nagbihis .




"Nandito po yung nagkidnap sa anak ko!" Sigaw ng isang babae habang tinuturo kami .




"Anong ginagawa niyo dito!" Sigaw ni Crimson at isa-isang pumasok ang apat na police.




"Ikulong niyo yan! Dapat makulong yang lalaking yan!" Utos nung babae sa mga police at saka naglakad papunta sakin at isang malutong na sampal ang kanyang ibinigay . "Akala mo ba hindi ko malalaman yang kalandian mo Ariella?! Sa hardinero ka pa nga lumandi ! Samantalang nandiyan si Maico na naghahabol sayo!"




"Ariella?"



"Tara dito! Uuwi na tayo!" Sigaw nung babae atsaka ako kinaladkad palabas sa kwarto kahit tanging ang kumot lang ang bumabalot sa akin . Ano bang nangyayare ????





Paglabas namin ay nakita ko si Crimson na duguan ngunit patuloy parin na binubugbog ng mga police.




"Crimson!!!" Tuluyan na akong umiyak ng makita ko ang kalagayan niya . Pilit kong inaabot ang kamay niya ngunit hinila ako ng mga lalaking nakakulay itim na kasama nung babae palayo sa kanya at isinakay sa kotse .




"Ano bang ka-kailangan niyo sa amin ha?!" Iyak ko ngunit isang malutong na sampal lang ang isinagot sa akin nung babaeng ito .




Muli akong sumilip sa bintana ng kotse at nakita ko ang pagsunog ng mga police sa maliit na kubo na iyon. Kinalampag ko ng kinalampag yung bintana habang patuloy na isinisigaw ang pangalan niya .




Wala na siya , Wala na siya!!!




Nagising ako dahil sa mahigpit na pagyakap sa akin . Panaginip lang pala ang lahat .



"Uy Crimson ano ba?" Masaya akong humarap sa kanya ngunit laking gulat ko na ibang lalaki ang nasa harap ko .



Napabalikwas ako ng bangon sa gulat dahilan para mahulog ako sa kama . Saka ko lang napansin na nasa loob ako ng isang di pamilyar na kwarto.




"Nasarapan ka ba sa nangyari sa inyo ni Noah kagabi, ha Ariella?" Tanong niya saka ngumisi .




"Noah???"

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon