Chapter 56

227 10 2
                                    

Crimson's POV


Days passed . Still , hindi ko parin alam kung nasaan yung mag-ina ko . Hindi ko na alam gagawin ko . Bumangon ako dahil sa malalakas na katok sa pinto .


Binuksan ko yung pinto at tanging isang brown na envelope lang ang bumungad sa akin . Marunong kumatok tong envelope?


Agad ko binuksan yon at nagulat ako sa laman .



"Positive ." Basa ko sa resulta ng DNA Test namin ni Crysel . Kumaripas ako ng takbo sa kwarto ko at dali-daling nagbihis . Kailangan ko kayong mahanap .



Pinaharurot ko agad yung kotse ko at nagpunta sa bahay nila Kira . Sakto naman nakita kong papasok palang sa gate si Akira .



"Akira ! Sandali !" Sigaw ko saka ako bumaba sa kotse . Nakita ko ang gulat sa mukha niya .


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na bakas parin ang gulat sa mukha .



"Kailangan kong makausap si Chrismel!" Sagot ko sa kanya . Saka ako nagpumilit pumasok , ngunit pilit niya akong pinipigilan .



"Umalis ka na pre . Ayaw ka niyang makausap . Wag ka nang mag eskandalo dito." Seryosong sabi niya na pilit parin akong pinipigilang makapasok .




"Da-Dyi" Napatingin kaming parehas sa batang nagsalita at ngayo'y naglalakad papunta sakin .



"Ba-baby." Hinawi ko si Akira sa daan ko at saka tumakbo papunta kay Crysel . Agad ko siyang binuhat at niyakap ng mahigpit .



"Lagot ako kay Kira at Chrismel." Sabi ni Akira at napakamot nalang sa ulo habang nila-lock yung gate .



"Crimson?" Napalingon ako kay Chrismel na pinaghalong galit at gulat ang mayron sa reaksiyon na binigay niya .



"Hon?! Bakit pinapasok mo yan!" Naiinis na tanong ni Kira .




Ibinaba ko muna si Crysel at sinenyasan ko si Akira na siya na muna ang bahala kay Crysel . Tumango naman agad siya at binuhat at nilibang si Crysel sa mini playground .




"My, mag-usap tayo please?" Sabi ko saka naglakad palapit kay Chrismel .





"Wala naman na tayong dapat pag-usapan Crimson ah?" She said without even looking at me .




Agad akong lumuhod at hinawakan yung kamay niya.




"Sorry , nadala ako ng galit ko . Hindi ko sinasadya lahat ng nasabi ko . Mahal na mahal kita , mahal na mahal ko kayo ni baby Crysel . Kahit para nalang sakin please?" Pagmamakaawa ko saka tuluyan ng tumulo ang mga luha ko . "Pa-patawarin mo na ko my , sorry. Mahal na mahal kita Chrismel . Hindi ko na kayang mawala ka pa sa'kin ."





"Baby Crysel dito ka lang!" Sigaw ni Kira . Napalingon kami sa kanila at nakita ko si Crysel na sinusubukang maglakad papunta sa amin.




"Mwami , I want to be with dwadi ." Napalingon ako kay Crysel na nasa likod ko ngayon . Agad ko siyang pinalapit sa akin at mahigpit siyang niyakap .





"Baby Crys , thank you ." Iyak ko habang yakap yakap si Crysel .




Umupo si Chrismel kapantay namin at niyakap kami ng mahigpit saka humagugol ng iyak .





"I'm sorry din dy." Umiiyak na bulong niya sakin .




"Mwami , don't cwy ." Nakangiting sabi ni Crysel at saka pinahid yung luha ni Chrismel .




"Nagta-talk na si baby Crys namin ah." I said with my childish voice . Napangiti kaming nagkatingin ni Chrismel dahil sa pagtawa ni Crys .





"I love you." I whispered then I pulled Chrimel closer and I sealed everything with a kiss .





Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon