Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig . Tinakbuhan na rin kasi ako ng antok . Napapatitig ako sa orasan . 3am .
Tumakbo ako sa kwarto at kinuha yung kahon sa ilalim ng kama ko . Isinuot ko agad yung dimension splitter at agad dinala no'n ang diwa ko sa loob ng laro .
Nakita ko na kasama ko parin sa party si Finlix at Zinum na ikinatuwa ko . Mabilis ko silang minessage para magkita kita ulit kami .
Me: Psst
Zinum: Shin! Omg! How's life!
Me: Where are you guys ? Nandito ako sa city.
Finlix: We're on our way . Wait for us.
Wala pang isang minuto'y nandito na silang dalawa . Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nila sa akin .
"Hey ! How are you? What happened at ngayon ka lang nag online ?" Tanong ni Fin na puno ng pagaalala.
"Naging busy lang sa school." Nakangiting sagot ko sa kanya .
"Saang school ka nga pala galing?" Tanong ni Zinum.
"Harfeld Academy , how about both of you?"
"Pendellum Academy and she's from Toram Academy." Sagot ni Finlix na may lungkot .
"Bakit ka malungkot Fin ?"
"Magkakalaban ang apat na Academy , my academy , Zinum's Academy , your Academy and the Fatal Academy." Finlix explained .
"Magkakalaban? At what matter ?"
"50 years ago , nagkaroon ng Wingston's Cup . Survival game ng apat na sector nitong Earth . May apat na magkakaibigan ang naging magkakalaban dahil sa nasabing cup . Silang apat nalang ang natira at isa lang ang kailangang mabuhay sa Wipe out pero na trick ni Draven ang mga tagapag bantay upang iligtas si Chandria sa Wipe out . Nakaalis sa Island si Chandria at Draven at kasamang lumubog ng Isla yung natira nilang kaibigan kasama ng iba pang nasawi sa Cup . Nagalit naman ang sector ni Draven dahil sa pagligtas nito kay Chandria. Iyan ung sabi sa boogle ha." Kwento ni Zinum .
"Hindi naman mauulit yung Wingston Cup wag kayo magalala mananatili padin tayong magkakaibigan ." Nakangiting sabi ko sa kanila .
"Every 50 years nangyayari yung event na iyon ." Malungkot na sabi ni Finlix .
"Crys ? Crys? Gising ka na muna."
"I have to go . Alagaan niyo ang sarili niyo ." Nakangiting bilin ko sa kanila bago ako nag Log-out .
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko .Blurred pa ang lahat kaya muli kong ipinikit at dumilat ulit .
"Gio ?"
"Magpahinga ka na . Ala-sais na ng umaga . Ako na bahalang mag paalam sa profs natin ngayong araw ." Nakangiting sabi ni Gio sakin. Isa ngiti lang din ang isinagot ko sa kanya bago siya tuluyang umalis sa kwarto namin .
Kalahating oras din akong nagisip-isip bago ako tuluyang dalawin ng antok ko .
"Hahaha ano ba Gio nakikiliti ako."
"Ano ? Aasarin mo pa ako ."
"Hahaha hindi na BABE"
Babe ?
Babe ?
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong nag haharutan si Gio at Maddison sa kabilang kama .
"Hoy Maddison ! Kung wala kang respeto sa sarili sana sa natutulog may respeto ka!" Galit na sigaw ko
"Bakit? Karespe-respeto ka ba?" Sarkastikong sabi ni Maddison .
"Tama na . Tara na Mad ." Aya ni Gio sa kanya .
"No ! Ako na aalis . Nahiya naman ako sa dalawang naglalandiang nilalang sa kwarto ko !" Agad akong nag walk out .
Napagpasyahan kong mag pahangin na muna sa football field tutal may klase ang lahat ngayon kaya solong solo ko ito .
"Mind if I join you , again?" Nakangiting tanong niya.
Naupo ako sa malamig na damuhan sa field bago ako tuluyang nahiga . Nagulat ako ng pagdilat ko'y nakatayo na sa ulunan ko si James .
Umupo din sya bago nahiga sa tabi ko .
My best stress reliever.
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...