Chrismel's POV
Taon na rin ang lumipas , hanggang ngayon ay di parin namin natatagpuan si Spade . Nilamon na ng kalungkutan si Andrea .
Humingi na rin kami ng tulong sa Magic world ngunit maging sila'y hindi alam kung bakit nawawalansi Spade . Ginawa na nila ang lahat ngunit wala parin .
Kasalukuyang nasa Grade 10 ngayon ang anak naming si Crysel . Gaya ng iba , nabuhay din siyang normal . Matagal na ding pinatanggal ang lahat ng bagay na relate sa LLDO . Hindi narin namin alam kung nasaan ang iba naming kaibigan dahil lahat sila'y nasa ibang bansa na ata ? Hahahaha basta wala na kaming komyunikasyon sa isa't isa .
Nandito kami ngayon sa Damsell Maiden Corp . Ako , si Crimson at Crysel . Balak na kasi namin ibenta itong kumpanya at ipamana lahat sa nagiisa naming anak .
"Maganda ang lokasyon nitong kumpanya niyo at dahil sa maganda , well I think hindi masyadong magandang nakaraan nito , pumapayag na ako . Bibilhin ko na itong kumpanya niyo ." Masayang sabi ni Mr. CEE .
"Maraming salamat sir ." Masayang sabi ni Crimson at saka nakipagkamay sa mayamang negosyanteng iyon .
"Mom . Ang ganda pala dito , ang lawak." Crysel shouted with full of happiness .
"Baby ? Where's your towel?" Tanong ko ng mapansin kong hindi niya hawak yung towel na ibinigay ko sa kanya .
"Mommy , nahulog ko po ata ." Malungkot na sabi niya ng hindi niya matagpuan yung towel sa bag niya .
"Sir , maiwan ko muna kayo." Narinig kong paalam ni Crimson. "Anong nangyayari dito ?" Tanong niya .
"Nahulog niya kasi yung towel niya e"
"O siya, tara hanapin natin nang malibot natin ito sa huling pag kakataon ." Masayang aya ni Crimson .
Habang naglalakad kami , nakaramdam ako bigla ng kaba . Bakit parang may mali???
Tinignan ko yung kisame at nakita ko ang marahang pag galaw ng mga ilaw .
"Hon ? Anong nangyayari?" Takot kong tanong kay Crimson .
"Doon yan sa mga truck sa construction site sa kabila hon . Wala kang dapat ipagalala." Marahang sabi niya saka hinawi ang buhok ko papunta sa tenga ko .
"Baby? Nakita mo na ba yung towel mo?" Tanong ko kay Crysel na kasalukuyang nasa office ni Crimson habang kami naman ay nasa labas .
"Mam, Sir , kakausapin daw po ulit kayo ni—"
"Mommy , Daddy ! Nakita ko—"
*Booooommm!!!*
*Booooggsssshhh!!!*
Pinagmasdan ko kung paano nilamon ng apoy dahil sa isang pagsabog ang isa sa mga empleyado nitong kumpanya . No , hindi lang ito isa ...
"Baby!!! Diyan ka lang sa loob! Isara mo na agad yung pinto!" Sigaw ni Crimson .
"Mommy ! Daddy!" Iyak ni Crysel dahilan para tuluyan na ding tumulo ang luha ko .
"Baby , isara mo na yan." Utos ko saka niya dahan-dahang isinara yung pinto .
Mahigpit akong niyakap ni Crimson at umupo kaming nakasandal sa pader .
"Hon, ang dami na nating pinagdaanan . Masaya akong malagpasan ang lahat ng pagsubok na yun kasama ka." Bulong niya saka niya ako hinalikan.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang isang malakas na pagsabog sa mismong kinauupuan namin ...
Ito pala ang pakiramdam ng mamatay ..
————
Flash Report :
Malalakas na pagsabog sa Damsell Maiden Corp. na ikinasawi ng madaming empleyado kasama na rin ang president ng Cyto Corp na si Mr. Cee at ang kasalukuyang presidente at may-ari ng kumpanyang si Mr. Crimson Damsell at ang kanyang maybahay na si Mrs. Crysmel Damsell . Himala naman nakaligtas sa naturang aksidente ang nag iisang anak nilang si Crysel Damsell na kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang tiyahing si Andrea Gonzales . Patuloy paring iniimbistigahan kung sino ang may pananagutan sa nangyari . Eto nga pala si Liezl Sonto , muli , naguulat .
———
Harfeld Academy (Book 2)
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...