Chrismel's POV
"Nasaan si Crimson?!" Galit na sigaw ko sa lalaking nasa harap ko .
"Hahahahaha mukhang nasarapan ka nga sa nangyare sa inyo at hanggang ngayon pangalan ng p*tangin*ng Noah na yon ang isinisigaw mo!" Noah?? Ariella?? Nasa ibang dimensiyon nanaman kami?! Napapikit nalang ako ng maalala yung nangyare . Hindi ko alam kung buhay pa si Crimson .
Padabog na umalis yung lalaki kanina . Tatakbo sana ako para lumabas ngunit hindi ko mabuksan ang pinto . Kailangan ko gumawa ng paraan . Hintayin mo ako mahal ko .
Agad akong nangalkal sa mga gamit sa loob ng kwarto na iyon at isang phone ang nakita ko . Nagulat ako ng makita ko ang mukha ko sa wallpaper non kahit hindi naman iyon yung phone ko .
"BFF Icelle." Agad kong pinindot ang contact na yon .
"Hello?"
(Best! Kamusta ka ?! Nabalitaan ko yung nangyare kagabi! Si Shaira ! Siya yung nagsumbong sa inyo ni Noah!)
"Sunduin mo ako dito please? Kailangan kong makaalis dito . Kinukulong nila ako ."
(Papunta na ako hintayin mo ako.)
-End Call-
Wala pang sampung minuto , bumukas yung pinto . Panibagong mukha nanaman ang nakita ko .
"Oh my gosh! I miss you !" Sigaw niya sabay kindat. "Magbihis ka na , naipaalam na kita."
Mabilis akong nagbihis .
"Ok good . Tara na"
Lumabas kami sa kwarto na yon at nagulat ako sa mala-palasiyong mansiyon na iyon . Nakita ko ang sarili ko sa isang malaking painting na nakasabit sa pader .
Dama ko ang pagiwas sa akin ng mga maid na nakakasalubong ko ngunit di ko iyon pinansin ang mahalaga lang sakin ngayon ay makita si Crimson .
Bumaba kami sa malawak na paikot na hagdan at nakangising nakatingin sa akin yung lalaki kanina kasama yung 'mommy' ni Ariella sa sala .
"Yung sinabi ko sayo Icelle ha ." Nakataas ang kilay na sabi nung mommy ni Ariella kay Icelle .
Lumabas na kami sa mansiyon na iyon . Naghihintay sa amin ang isang limo sa tabi ng fountain na centro ng mala-hardin na bakuran .
Sumakay na kami at inutusan ni Icelle yung driver na paandarin na yung sasakyan .
"Dadalhin kita kay Noah." Seryosong bigkas ni Icelle na ikinatuwa ko .
"Bu-buhay pa si Crim — si Noah??" Gulat na tanong ko .
"Kasalukuyan siyang nakakulong sa city jail sa bayan . Yan yung narinig ko sa usapan nila tita Amanda at nung ex mo kanina . Mahigpit nilang ibinilin na wag sasabihin sayo na buhay pa si Noah but we're besties right! So mas susuportahan kita kaysa sundin sila." Nakangiting sabi niya at saka ako niyakap .
"Thank you Icelle."
Habang nasa biyahe kami , pinagmamasdan ko ang mga pamilyang naghihirap sa tabing daan . Tila pinandidirihan ng mga mayayamang dumadaan sa harap nila . Makalipas ang 30 minutes nasa harap kami ng police station .
Binuksan nung driver ni Icelle yung pinto at inalalayan kaming lumabas . Pagpasok namin ay agad inabutan ng pera ang mga police na nakakakilala sa amin .
Matapos ang sandaling paglalakad , nakita ko agad ang lalaking mahal na mahal ko . My husband .
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya .
"Babe!" Sigaw ko dahilan para magising siya . Napatakip nalang ako ng bibig ko ng makita ko ang namamagang mukha niya dahil sa pasa .
"C-Chrismel..." Inilabas niya ang kamay niya sa rehas na humaharang sa amin para abutin ang mukha ko .
"Mahal *sobs* , maghintay ka lang huh? *sobs* Gagawa ako ng paraan para mapalaya ka dito *sobs* para magkasama na ulit tayo." Agad akong tumayo at hinila si Icelle palabas sa lugar na iyon . Hindi ko na kayang magtagal sa lugar na iyon habang nakikita ang paghihirap ng lalaking mahal ko .
Hintayin mo ako , gagawa ako nang paraan para magkasama ulit tayo , Crimson.
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...