Gabb's POV
Makalipas ang limang minuto ay dumating na si Ellie , kaibigan kong doctor .
"Anong nangyari sa kanya bro?" Tanong ni Ellie bago nilabas ang stethoscope niya .
"Nakita ko nalang kasi siyang walang malay doon sa sala eh." Sabi ko na tila di mapakali .
"Better kung tanggalin natin yung maskara niya kasi mahihirapan siya lalo huminga niyan eh" Sabi niya at agad akong pumunta sa kitchen para kumuha ng gunting at agad din bumalik .
Pagkaabot ko ng gunting sa kanya ay saglit akong pumunta sa kusina para kumuha at uminom ng tubig . Pabalik na ako sa sala ng nakangiting sumalubong sakin si Ellie .
"Congrats Bro . She's 3 months pregnant . Nawalan siya ng malay dahil sa fatigue at stress , halata din na nalilipasan siya ng gutom kaya ayun ." Pregnant?
"Pregnant?" Naglakad ako palapit sa sofa at napatakip nalang ako ng bibig ko ng makita ko ang mukha niya .
"Chri-Chrismel?" Agad akong umupo at mahigpit siyang niyakap dahilan para magising siya . Hindi ko inaasahan na mayayakap ko ulit siya .
Naramdaman ko ang paghikbi niya at ang mainit na likido sa dibdib ko . Ngunit kasabay non , naalala ko rin yung mga nangyari tatlong buwan na ang nakalilipas . Agad ko siyang itinulak dahilan para bumagsak siya sa sahig at napuno ng pagkagulat ang kanyang mga mata .
"Bro , wag ka naman ganyan sa kanya . Buntis siya!" Sigaw ni Ellie .
"Hindi ko anak yan!!! Alam naman natin na pokpok yang babaeng yan! Kaya sigurado akong hindi ko anak yan!"
'PAKK' Nagulat ako ng isang malutong na sampal ang isinagot niya . Akmang susuntukin ko na sana siya nang biglang may humawak sa kamay ko .
"Babe wag mo siyang saktan ."
"Shaira?"
Agad inalalayan ng girlfriend kong si Shaira si Chrismel ngunit isang malutong na sampal ang binigay ni Chrismel sa kanya .
"Akala mo ba hindi ko malalaman ha ? Ikaw ! Ikaw ang dahilan kung bakit naging magulo ang buhay ko! Diba ? Ikaw ang nagsumbong kila tita Amanda diba?!"
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Shaira . Anong nangyayari ?
"Ariella , I'm sorry ." Umiiyak na sabi ni Shaira atsaka lumuhod sa harap ni Chrismel .
"Babe , Tumayo ka please ." Pilit kong itinatayo si Shaira pero ayaw niya . "Pwede ba Chrismel!? Umalis ka na dito!"
Agad nag-ayos si Chrismel at naglakad palayo . Sasakay na sana siya sa elevator ng bigla siyang matumba . Sakto naman na niluwal ng elevator ang bunsong kapatid kong si Andrei kaya mabilis niyang nasalo ito .
"Miss ? Miss? Gumising ka ." Andrei .
Gusto kong kunin si Chrismel sa kanya pero hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sakin.
"Nako , Drei pakibuhat siya dito sa sofa ." Utos ni Ellie na agad namang sinunod ni Drei .
"Sensitive ang pagbubuntis niya kung lagi siyang nawawalan ng malay . Kaya Gabb , pwede bang maghinay hinay ka sa pakikipagusap sa kanya ." Nagaalalang sabi ni Ellie .
"Bakit ba ? Eh hindi naman ako ang ama niyan . Remember , she's a stripper kaya wala akong pananagutan sa kanya ."
"Then , ako nalang ang mag aalaga sa kanya ." Seryosong sabi ni Drei .
"What?!"
"Drei???" Shaira .
"Mabuti pa nga Drei ." Nakayukong sabi ni Ellie .
Nagpunta ako sa kwarto at sumunod naman si Shaira .
"I'm sorry." Nakayukong sabi ni Shaira .
"F*ck all this time ?! Ikaw pa pala ang naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ng asawa ko!" Sigaw ko at saka ko siya mahigpit na hinawakan sa kanyang mga braso .
"Nagmamahal lang din *sobs* naman ako ah?" Umiiyak na sabi niya .
"Napakamakasarili mo ." Galit na sigaw ko sa kanya .
Nahinto kami ng biglang bumukas ang pinto .
"Kuya aalis na kami ." Paalam ni Drei at nakita kong inaalalayan niya si Chrismel na nakayuko at halatang umiiwas sakin .
"Sige ."
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...