Chapter 1: Puzzle

1.5K 41 70
                                    

Aeryn POV

Aeryn Almonte.

Ang pangalan na yan ay kilala sa kahit saang sulok ng bansa. Paano namang hindi? Si Mama ay naging Miss Universe dati. Si Papa naman ay isang matinee idol dati. Ipinanganak ako sa kasikatan, sa kayamanan at biniyayaan with good genes.

I am the oldest one with 2 younger brothers that are still in high school. Si Mama ay may guestings parin from time to time pero madalas ay stay-at-home lang siya. Si Papa ang mas maraming acting stints pero mas nakatoon siya sa kanyang business for the past few years.

When I turned 15, doon ko tinry ang mundo ng showbiz. I wanted to try it since I was younger pero my parents won't let me. Kahit nga nung nag-start ako, they were attentive to every move that I made because they've been here as well. They know this industry is cruel despite all the magnificent things that it manifested. It was only nung nabigyan sila ng assurance na kaya ko na. Na kaya kong maging matatag kahit anong bash ng iba sa akin. Na alam ko na kung paano ang showbiz. Na hindi lang puro maganda at good experiences ang lahat. My parents taught me to be strong and resilient. They taught me everything except one thing, I guess...

I immediately got my break with the last name I didn't work for and good looks. Di pa naman ako ganoon kagaling sa acting so they adjusted my character to fit mine in real life. Therefore, I was hailed as a natural actress. That it's in my genes and all that. However, I took acting lessons immediately after that project because I know they can't adjust my roles for me forever.

From my first project up until the latest one... lahat 'yun ay nag-hit. Palaging patok sa masa. Maybe I am just lucky with all of these... maybe it is on my blood. I admit though, through all these years, I am proud to say na nag-improve ang acting ko from the countless practices and workshops I did.

Nang maranasan ko ang hirap and tiis sa acting at showbiz, mas lalo pa ako napamahal dito. Mas lalo ko pa na-appreciate ang industry na ito with all the ups and downs it has.

Pero, sumikat lamang ako ng husto ng i-pair up ako ng management sa isang newbie star na 3 years older sa akin.

Nang nakapareha ko ang tao na yun, kung hit na dati ang mga teleserye at movies ko, nag-doble pa 'yun. Hinigatan pa ng ipareha siya sa akin.

And for that, I am thankful.

He catapulted me into fame that I have never imagined. Into a life where I'm treated as if I am a queen.

Mas magiging thankful pa sana ako sakanya... kung sana ay...

Ugh! Nevermind!

Tinaas ko ang aking aviators para nas maliwanag na makita ang daan. Ako ay nasa backseat ng aking van habang ang aking P.A at driver ay nasa harap. Nadaanan namin ang aking billboard na nakita kong pinucturan ng P.A ko.

"Ryn, did you see that? That shot is amazing! Hanggang ngayon ay topic ka parin sa social media dahil sa billboard mo na 'yun. Be attentive, makikita natin ang ibang parts ng billboard series mo." sabi ni Marjorie, ang P.A ko.

Tumango nalang ako sakanya.

Nag-model kasi ako para sa isang local na clothing brand. Although I've already broke the "patweetums" image ko when I was 18 at nagbibikini ako sa ibang projects ko, people are still amazed at bikini shots of me at the billboards.

Series kasi yun. 3 malaking billboards, to be exact. On the first one, I was wearing a cropped shirt and skirt. Nakaponytail ang brown kong buhok at malaki ang aking ngiti. Sa pangalawa naman, naka-fitted dress ako na tumigil 1 inch above my knees at medyo nakangisi lang ako. At sa last naman, ang billboard na nagtretrending sa social media, ay naka bikini ako.

Foolish SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon