Introduction

1K 75 8
                                    


SILA: Anong trabaho mo?

AKO: Isa po akong editor at published author

SILA: _________

Tuwing tinatanong ako ng iba't ibang tao kung ano ang pinagkakaabalahan ko sa buhay, proud kong sinasabi na editor/author ako. Ang nakakatawa, pagkatapos kong sumagot, iba iba ang reaksyon ng nagtanong. May napapa-wow, kakaiba daw kasi. May natitigilan na parang ang sinagot ko e, "Drug dealer po ako" o kaya "Kidnapper po ako." At may napapangiti lang. Hindi ko alam kung bakit para sa kanila, hindi usual ang career ko.

Graduate ako ng B.S. in Financial Management. Ang layo sa pagsusulat di ba? Kung tutuusin, dapat nasa bangko ako o credit companies...proving myself in the corporate world. 'Yung pumapasok sa opisina na naka-corporate attire with high heels at ultra-mega nagmamagandang make-up. Pero heto ako ngayon, nakapambahay na damit, di pa naliligo kahit alas-onse na ng umaga, nasa harap na naman ng blangkong MS Word, at isinusulat ang librong ito. Wala e. First love ko talaga ang writing. Mas madali para sa akin ang mahalin ang pagsusulat kesa ang makipag-date kay Income Statement at Balance Sheet. Though, nakapagtrabaho din naman ako sa corporate world ng ilang taon. I actually tried to love my course-related job but faith always brings me back to writing. I actually did my best... But I guess my best wasn't good enough... Choz!

Nakita ko ang purpose in life ko sa mundo ng libro. At ngayon, heto ako at handang ibahagi sa inyo ang aking naging journey bilang isang simpleng manunulat.

Walong taon na akong published. Sa panahong iyon ko natutunan ang maraming bagay sa mundo ng libro at ng mga tao sa likod ng bawat librong binabasa mo. May iba't ibang journey ang bawat manunulat. At ang librong ito... ang journey ko.


It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon