Journey #5: Writer's World Online

225 18 3
                                    



Sa buhay mo, malamang ilang beses mo nang narinig na sinabihan kang wag magtitiwala sa kahit sinong nakausap mo lang sa internet. Tulad mo, ilang beses ko ding narinig iyan. Hindi ko lalahatin, pero marami ngang mga taong hindi mapagkakatiwalaan online. Ang ilang sa mga ito ay sadyang harabas na manloloko at iba naman ay intentional na lolokohin ka once na wala ka nang pakinabang sa kanila. Ngunit dahil ang internet ay napakalawak na medium para maabot ng writer ang mas nakararaming readers, nakipagsapalaran ako at ang mga manuscripts ko online.

Me the OL Explorer

Year 2008 sa kalagitnaan ng paghihintay namin ng pinsan ko na ma-publish iyong first book namin, sinubukan kong hanapin ang lugar para sa mga sinulat ko sa internet. Wala pang Wattpad noon. Iyon ang kasagsagan ng era ng Blogger, Wordpress at iyong mga online pocketbook sites. Pagkauwi ko sa bahay after work, naglaan ako ng oras para magsulat at para maghanap ng website kung saan ako pwedeng mag-post ng stories. Mahirap noong maghanap dahil puro international sites pa ang uso. May sinalihan akong international site noon na puro poetry ang pino-post pero di rin ako naging masaya kasi iyong Tagalog stories ko sana ang gusto kong i-showcase. Sa kahahanap ko ng tahanan, napadpad ang searches ko sa isang site with the name Filipino Writer.

Finally, isang website na mga Pilipino ang makausap ko. Ang hirap kayang mag-English! Ang website ay may iilang members na iba't iba ang pino-post. May mga short stories, poem at essay-type o iyong tinatawag din na "blog-type." Nag-register ako at nag-explore muna sa site. Inobserbahan ko muna kung paano nagpo-post ang mga members, ano iyong pino-post nila at ano iyong mga comments ng readers. Napansin ko na healthy ang environment sa site roon. Constructive criticisms ang mga comments. Sa pagbabasa ko pa nga lang, marami na akong natutunan. Kaya isang gabing madilim, habang namimilog ang buwan sa langit, pinasya kong maghasik ng lagim este mag-post ng isang akda. Most of the writers there became my friends up to now. Pero year 2009, nag-lie low ako sa website nang makahanap ako ng another Filipino sites na novels ang contents site. At sa isang online pocketbook site ako nakaranas ng best at worst experiences ng online community.

Things I Learned in Cyberworld

Internet is a different world. Ang mga taong makikilala mo online ay hindi mo agad matutukoy kung totoo ba sa'yo, kung niloloko ka lang, kung manggagamit o scammer. Mahilig akong sumali sa mga online writing and reading communities noon. At marami akong natutunan... some are good, some are terribly bad. Unahin natin ang good.

1. Writing online is a good mind exercise. Kung dati ay pag trip ko lang saka ako nagsusulat, natuto akong maging everyday habit ang pagsusulat. Healthy daw kasi iyon sabi ng mga writers na nakilala ko rin sa online. At isa pa, nakaka-boost ng motivation sa pagsusulat kapag pinu-push ka ng mga kapwa mo writers at ng iyong mga online readers na ituloy ang isinulat mo or ang magsulat uli ng bago.

2. Meeting a lot of different people is good. Sa pagdami ng kakilala mo na may iba't ibang personalidad, lumalawak ang pananaw mo sa buhay. Nagkakaroon ka ng mga ideas na pwede mo ring magamit sa mga sinusulat mo.

3. Though it's risky, gaining true friends online is still possible. Sa pagsusulat ko, nagkaroon ako ng mga readers and followers. Nagsimula sa reader-writer communication noon na nauwi na sa isang closed group. Every year, meron kaming sine-set na date para magkasama-sama. From being my readers and co-writers, we became true friends. And until now, buo pa rin ang barkada namin.

4. Being one of the lead authors ng online site na iyon, I gained my first set of readers. Iba iyong confidence na naibibigay ng mga taong binabasa ang story mo kahit hindi ka naman nila kakilala at all. Hanggang ngayon, binabalik-balikan ko pa rin ang mga heartwarming comments ng mga readers sa stories ko. Doon ako humuhugot ng lakas ng loob tuwing may mga Negastars of All Seasons na nanggugulo sa confidence ko bilang writer.

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterWhere stories live. Discover now