Journey #3: Mahal Ko o Mahal Ako?

302 21 3
                                    


Ang hirap pumili. Mabuti sana kung love life ito, kaso hindi. I'm torn between my dream of becoming a writer and my upcoming professional career again. Nung nagsasabi na ang mga prof namin tungkol sa mga possible work na pwede namin pasukin after college, nadiskaril ang buhay ko. Wala akong gustong pasukin sa mga chururut na pinagsasabi nila. I know I have to choose any of those professional careers but I can't. I don't even see myself working in a corporate world few months from that day. Ni ang future ko noon, mas malabo pa sa salamin kong may grado. Paano na iyan?

Noong mga panahong iyon, na-realized kong hindi ko pala gusto ang mundong ginagalawan ko. Too late dahil patapos na ako ng kolehiyo. Gusto kong maging published writer pero alam ko rin na hindi nakakabuhay ng pamilya ang pagsusulat. Kailangan kong magkaroon ng isa pang trabaho na pwede kong isabay sa pagsusulat ko. At ang tanging makakapagbigay sa akin ng trabaho ay ang degree na tatapusin ko. Iyon naman ang tama. We have to work work work work work, sabi nga ni Rihanna. Kasi we need money to live. Kaya nga natatawa na lang ako pag naririnig ko iyong kantang, Love Will Keep Us Alive. When we're hungry, love will keep us alive daw. Wooo! Kalokohan! Pag wala kang pera, wala kang pambili ng sardinas at bigas, walang kain! Ulcer ang aabutin mo pag naniwala ka sa kantang iyan!

I know my love for writing will not keep me alive kaya kailangan kong piliting mahalin ang kurso ko, ang napipinto kong profession, at ang di ko pa siguradong magiging first job ko. Lahat ng mga kaklase ko, excited sa graduation pero ako hindi. Kasi hindi ko alam kung saang kangkungan ba ako pupulutin. Nakaka-pressure maging graduating.

Nasa huling taon na ako sa college nang mag-circulate sa buong block section namin ang unang computerized novel ko. Inilagay ko pa iyon sa isang sliding folder. Hala, kahit nagkaklase na, iyong may hawak ng novel ko, nagbabasa pa rin. Hanggang sa may prof na nakahuli. Please remain after class ang ending ko. Akala ko madi-disciplinary office na naman ako. After class, kinausap ako ni Miss Filipino Prof. Akala ko talaga papagalitan ako. Hindi ko in-expect na hihiramin lang pala niya ang sinulat ko. Kinabukasan, same class, pina-stay niya uli ako after niyang magklase. Ibinalik niya sa akin ang folder at sinabing, "Ituloy mo iyan. May potential ka." Ikinuwento niyang nalaman niya mula sa adviser ng publication na contributor writer ako ng literary magazine ng school. Nabasa nga din daw niya ang mga story at tula ko na na-publish ng school publication.

Wow, ibang level na iyon. Prof ko na ang nagsabi. Dumagdag iyon sa imbakan ko ng confidence. After noon sinabi ko kay writer self na, "Oo na, sige na. Hindi na kita bibitawan. Kahit itaga mo pa sa bato, magiging published author ako someday."

Pero bumalik na naman sa isipan ko ang nalalapit na graduation ko. Hindi ko naman pwedeng iisang tabi ang apat na taong pinagpaguran ng magulang ko para mapag-aral lang ako. Dagdag pa ang pressure na kahit di pa ako graduate ay pinapupunta na kami sa kung saan-saang job fair. Pinaghahanap na kami ng trabaho. Umaasa ang magulang kong makakahanap agad ako ng trabaho. May mga kaklase akong may work ng naghihintay kahit hindi pa namin nairarampa ang toga namin. Buti pa sila, alam na nila ang gagawin nila after college. Malinaw na nakikita nila ang future nila.

Ako? Di ko pa alam kung ano ba ang gagawin ko. I have to plan. Pero hindi ko kayang mamili sa bagay na mahal ako (ang professional career ko) o sa bagay na mahal ko (ang pagsusulat). I can't give up any of them. Pag iniwan ko ang professional career ko, wala akong pagkukuhanan ng pera. Paano ako kikita ng pera kung di ako magtatrabaho? Mataas din ang expectation ng magulang ko sa akin. Hindi kami mayaman. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan ko rin ang bagay na mahal ako. Pero hindi ko rin pwedeng i-give up ang pagsusulat ko dahil iyon lang ang bagay na confident akong kaya kong panindigan. Mahal ko ang pagsusulat. And I have that feeling na ang pagsusulat ang kukumpleto sa buhay ko.

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum