Journey #6: YES! Published Author Na Me!

213 17 20
                                    


Balik tayo sa usapang publishing. Wala ng mas nakaka-high pa sa pakiramdam iyong halos abot-kamay mo na iyong pangarap mo. Mapapasabi ka na lang ng, "Pangarap lang kita dati, eh!" Iyong tipong halos di ka na makapaniwala at ilang beses mo na rin kinurot ang sarili mo para mapatunayang di ka nananaginip lang. Heaven, bes!

Pero hindi nagtatapos ang paglalakbay ng isang writer once na ma-published ang kanyang works. In fact, dito pa lang magsisimula ang lahat.

Hello Publisher

Nakuwento ko na sa previous chapter na traditional way of manuscript submission ang naranasan amin ng pinsan ko. Sa halip na ipa-ship ang manuscript, dinala namin ito ng personal sa publisher sa Quezon City. Iyon iyong first time na makikilala namin iyong mismong publisher. At dahil bata pa kami pareho ng pinsan ko at both walang alam sa Manila, sinamahan pa kami ng Papa niya.

Mukhang bahay lang iyong office nung publishing house. Nang salubungin kami ng guard, sinabi ko na may appointment kami kay Miss B, the publisher. Tiningnan kami nung guard na parang ayaw maniwala. Iniwan niya kami saglit at pumasok sa loob. Nang lumabas si Manong Guard ay kasunod na niya iyong isang babae na nagpakilalang si Miss D, the editor. Nagpakilala kami uli at saka kami pumasok sa loob at pinakilala kay Miss B. Nagulat sila sa amin. Akala daw kasi nila nasa late twenties or early thirties na kami. Hindi daw nila in-expect na mga bata pa kami. Hindi ko malilimutan ang sinabi ni Miss B noon, "Nakakatuwa naman na nagsusulat na kayo at that young age. Mukha lang kayong mga nene na pinabili ng suka at toyo ng mga nanay n'yo." Well, thank you sa height naming naiwan sa high school years at hindi na naka-moved on. Hahaha.

First time ko namang nakilala ang big boss namin sa PSICOM noong Manila International Book Fair 2010. Natuwa ako kay Boss kasi nakikipagkwentuhan siya sa amin at sinasabi niya sa amin ang ilan sa plans niya for Kilig Republic that time. Hindi ko makakalimutan na sinabi niya noon na, "Gusto ko kayong mga batang writers. Magsulat pa kayo." Simple lang iyon kung tutuusin pero iba ang impact noon sa isang tulad kong baguhan sa industry noong mga panahong iyon. Ikinuwento pa ni Boss ang tungkol sa iba't ibang books na pina-publish that time. Pinakilala niya rin kami sa iba pang PSICOM authors.

Memorable ang araw na iyon. Bukod sa marami akong inputs na nakuha sa mga kwento ni Boss, iyon din ang release ng dalawa kong unang libro sa PSICOM, ang Love Story By Headlines at The Closet I Got For You. At dahil nasa bagong publisher na ako, naging bago uli sa akin ang lahat. Pero, same feels pa rin nang makita ko ang bago kong published books. Parang first time pa rin. Gusto ko pa ring magtatalon sa tuwa habang hawak ko na iyong dalawang libro. Pero sa imagination ko na lang ginawa. Baka magbago ang isip ni Boss sa pagkuha sa akin bilang writer kung makita niya akong nagtatalon na parang baliw. Baka last release ko na kung malaman ni Boss na isa pala akong baliw na nagpapanggap na matino.

Akala Ko Kasi versus Ito ang Reality 'Teh

Pag may bagong encounter ka sa buhay, madalas na nagkakaroon ka ng invisible listahan ng expectations. Tulad nang first time na ngitian ni crush. Akala mo naman may forever ka na agad. Nag-expect ka na kakausapin ka niya, or worst, umasa ka pang type ka din niya. Iyon pala, manghihingi lang siya ng one whole sheet of paper sa'yo. Tulad ng biglang pag-add sa'yo ni crush sa Facebook na may kasama pang messenger request. Sabi pa ni FB Messenger, "Your Crush wants to connect with you." Akala mo, sa wakas napansin ka na rin niya. I-expect mo na magiging close na kayo at magiging magka-chat palagi. Iyon pala, hahamunin ka lang niya ng Everwing Tournament.

Puro ka kasi akala. Ako rin eh. Akala ko, madali na ang lahat once nakapagpa-publish ka ng isang libro... hindi pala. Akala ko noon porke't sinabing author ay ire-recognize ka na ng tao. Nakalimutan ko noon na pag di ka nga pala kilala, walang pake ang ibang tao sa'yo. Akala ko... nasa industry na talaga ako for real. Tapos one day, bubulaga na lang pala ang katotohanang hindi porke't may isa o dalawa ka ng libro ay bahagi ka na ng industry. Wala pa rin palang sense ang lahat kung hindi bumebenta ang libro mo at wala kang readers. Sa dinami-dami ng librong nalilimbag araw-araw sa ating bansa, anong laban ng libro mo? Anong laban ng libro ko? Bigti na, 'teh!

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterWhere stories live. Discover now