Journey #7 : Binasted Nila Ako! Huhu!

187 13 1
                                    


Okay, punta tayo sa usapang masakit sa heart. Iyong tipong lakas makatulala sa kawalan after. Iyong tipong ang hirap kalimutan. Iyong di ka makaka-move on agad. Iyong mapapa-walling ka na lang sa glasswall sa sobrang sakit kasunod ng mala-MMK na iyak. Pag-usapan natin ang pambabasted ng publisher sa mga manuscripts mong pinaglaanan mo ng puso, kaluluwa, at litro-litrong kape.

Limang beses akong na-reject ng iba't ibang publishers noon. Sabi ko pa nga dati, mali ata ang decision kong magbalik-loob sa romance story. Dapat siguro nag-stick na lang ako sa mystery-comedy-adventure theme. Kaso nakakalugaw talagang magsulat ng ganong genre. At dahil ang brainwaves ko ay dualcore lang noon, bumalik ako sa genre na inakala kong mas madaling isulat—ang romance. Well... akala ko lang talaga na madali... hindi rin pala. Therefore conclude, kapag nagsulat ka, mapaanong genre pa iyan, hindi iyon magiging madali in general. Hindi pala porke't boy meets girl kind of story ay love story na. Marami pang sanga-sangang idea ang dapat mong isipin at ilagay sa kwento mo. At dahil hilaw pa ako sa knowledge about writing noon, sumemplang ako... ng limang beses.

Masakit ma-reject... hindi lang sa pagsusulat kundi sa lahat ng aspeto. Biro mo inayawan ka, bes! Aray lang, di ba? Mapapatanong ka na lang ng, "Bakit? Hindi ba ako worth it?" Akala ko rin noon na pag na-reject ang manuscript noon ibig sabihin hindi ka na magaling na writer. End of your career. But later on, habang inaayawan ako ng iba't ibang publisher, na-realized ko na hindi ang writing skills ko ang problema at hindi rin ang kwentong sinulat ko. Hindi lang talaga meant to be.

Parang love lang iyan. Minsan magkakaroon ka ng special feelings sa isang taong maaaring taken na o kaya naman ay walang maramdamang special para sa'yo. Pwede rin right love, wrong time. Walang may kasalanan. Hindi lang talaga uubra dahil hindi kayo ang itinadhana.

Ganon din sa pagsa-submit ng manuscript. Maaaring hindi kayo meant to be. Pwede ring right manuscript, wrong choice of publisher. O kaya right publisher, wrong manuscript. Kaya kung sakaling ma-reject ka ng publisher, pakatatag ka lang. Isipin mo na lang na baka... hindi ang publisher na iyon ang nakatakdang maging publisher mo o hindi iyon ang manuscript mo na para sa kanila... maybe hindi pa ito ang right time mo. Darating din ang moment to shine mo. Pansamantala, hubugin mo ang iyong sarili para pag dumating na ang right timing, handa ka na.

Mga Dahilan Kung Bakit Na-reject ang Manuscript Ko

1. Hindi angkop ang story sa hinahanap nilang material for publication. May chance noon na 'yung dualcore kong utak ay hindi naisip na i-Google muna ang publisher. Basta ko na lang inilista ung email address nila na nakita ko sa random searches. Hindi pala sila tumatanggap ng romance novels. Haha. Ang epic ko talaga. Kaya nung sumunod natuto na ako. Google muna 'teh, bago email!

2. Masyadong common na ang kwento. Wala akong laban dahil guilty ako dito. Minsan kasi ang common na ng naiisip natin na isulat. Hindi ko pa alam noon na may technique pala para ang common scene ay maging hindi common. Kaya nag-end up akong i-revise ang manuscript ko.

3. Kulang daw sa kilig. Dahil natuto na ako sa number one and two, naghanap ako ng sure publishers ng romance stories. Pagbalik sa akin ng rejected manuscript, ito ang naging problem. Kulang daw sa kilig. Okay, so hindi manyapa't naihi sa kilig ang kaklase mo sa kwentong sinulat mo, ibig sabihin nakakakilig na. Ito ang greatest challenge of all, paano magpakilig? Lalo nang mahirap atang magpakilig kung wala ka namang source of kilig at all. Bigti na, beshie! Ay wag pala muna, Nood ka muna ng mga Korean Oppa mo. Baka doon, makahugot ka ng kilig.

4. Kulang sa romance. Dahil natuto na naman ako sa previous rejections, nag-research ako ng techniques kung paano ba gumawa ng authentic romance story. Pero siguro dahil bata pa ako noon, innocent, walang love life, na-basted ni crush, wala akong mapagkuhanan ng romantic bones sa katawan ko. Kaya iyon, reflect naman ng bongga sa sinusulat ko. Kulang sa romance. Wala na nga sa tunay, pati ba naman sa fiction? Sad life.

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora