Journey #10: The End Where it All Shall Begin Again

245 13 13
                                    




Hobby talaga ng writer ang mag-isip e. Minsan, sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ng pinggan, napatitig ako sa bintana kung saan tanaw ang kalangitan. Napatanong ako sa sarili ko noon. Kung hindi naging writer, ano kayang ginagawa ko sa buhay ngayon? Let me think of it.

Siguro, kasama ako sa liga ng mga typical employee na ang goal ay mag-gain ng experience from one company to another. Hindi ko sure kung posibleng nagtagal ako sa credit company o do'n sa supermarket kung saan ako naging manager. Pwede ring na-bore ako sa buhay at nag-apply ng trabaho sa Manila para magkaroon ng konting thrill. Or maybe, just maybe, nag-work na ako abroad.

Pero dahil ayoko ng walang thrill na trabaho, baka hindi ring anon ang kinahantungan ko. Baka mas nag-focus na lang ako sa pagiging wedding planner na trabaho ko pa ring hanggang ngayon. O maaaring nagbebenta na ako ng kung anu-anong anek-anek online. Tama. Mas pipiliin ko pa rin siguro ang trabahong hawak ko ang oras at freedom ko.

Isa pang naiisip ko, siguro kung hindi ako naging writer, mananatili akong reader at fan. Maaaring laman pa rin ako ng book signing pero isa ako doon sa mga nakapila para makapagpapirma at magpa-picture.

O baka nag-apply na rin ako sa publishing company or bookstore bilang sales agent o kaya accounting staff. Kahit anong trabaho pwede. Sure akong hindi ko ilalayo ang sarili sa libro. Reading is life kaya. Haha.

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon, natatawa ako. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko. Buti na lang talaga, hindi ko tuluyang hinindian ang pagsusulat kahit ilang beses akong nag-attempt sumuko.

Mangarap Ka... Nang Gising

The only way to make your dreams come true is to wake up when September ends. Ano daw? Hahaha. Sabi ng isa kong kaibigan, mangarap ka nang gising hindi tulog. Kasi iyong pangarap mo pag tulog ka, hindi naman iyong nagkakatotoo. Pero ang pangarap mo pag gising ka, pwedeng magkatotoo.

Kaya sa lahat ng aspiring writers na makakabasa ng librong ito, isa lang ang payo ko. Mangarap ka nang gising, okay? At gawin mo ang lahat para matupad ang pangarap mo. Wag papatalo sa negastars. Kung kinaya ng iba, kaya mo rin. Laban!

Pero kasama sa pangangarap nang gising ang pag-iilusyon ng gising. Haha. Ibabahagi ko sa inyo ang pangarap este ilusyon kong alam kong malabong mangyari kaya isinulat ko na lang sa libro.

1. Alam n'yo na sa previous chapter na frustration kong maging singer. Haha. At dahil wala ngang future, most ng mga characters ko ay may talent sa music. At dahil fanatic din ako ng mga show bands, nabuo ang maraming banda sa mga kwento ko:

Ø Thuderkizz Band- Ito talaga ay banda ng kapatid ko nung high school pa siya. Oo, 'yung frustrations ko sa music, na-achieve ni bunso. Drummer ang kapatid ko sa isang banda. Inspired by them, nabuo ang bandang ito sa kwentong, "The Closet I Got For You" at nabanggit din sa "When God Made You."

Ø Infinity Band- Ito naman ang band ni Ross sa "When God made You." Wala itong personal reference pero ang peg ng Infinity band ay parang tunog bandang Train at Nickelback sa imagination ko. Ang members? Some are college friends ko, some are names ng anak ng katrabaho ko.

Ø Karisma Band- Naging band name din ito ng banda ng kapatid ko noong college na siya. Naging fascinated ako sa tunog ng violin along with bands noon. Kaya ang peg ng banda ay parang Train din, na may pagka-Gracenote, na may touch ng Silent Sanctuary. Magulo ba? Haha. Basta ganon.

2. Sa kwento lang ako pwedeng maging mayaman to the highest level. Sa totoong buhay kasi... papunta pa lang ako doon. Update ko kayo pag natupad na ang pangarap kong maging mayaman. Hindi pa kasi ako nagigising eh. Haha. So 'yon nga, maliban sa common na characters ang mayayaman, sa story ko lang kayang tuparin na maging owner ng resort, hotel, coffee shop, music lounge, school at syempre ang maging haciendera. O di ba? Yaman!

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling Writerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن