Journey #8: The Published Author Feels

169 13 5
                                    


Sabi nila, pag published author ka na level up ka na. Syempre, makakaabot na nationwide sa bookstores ang sinulat mo. Pero sinasabi ko sa'yo, hindi ito ganon kasimple. Hindi matatapos ang lahat pagkatapos ang editing at printing ng libro mo. Dahil bilang may-akda kasama ka sa gyera, dude. Anong gyera? May kinalaman ito sa sales ng libro mo.

Ang relationship ng published author at ng publisher ay hindi magtatapos once na-release na ang libro sa market. In fact, dito pa lang mag-grow ang relationship ninyo. Kaya dapat, walang iwanan... sa pag-promote ng libro at ng sarili mo bilang manunulat. Yes, may marketing strategies ang publisher para sa'yo. Pero mas maganda na ikaw mismo ay may initiative. I-promote mo ang libro mo sa readers mo. Encourage people to read your work. Ngayon mas madali na kasi may social media. Post ka lang nang post okay na. Kailangan mo ba talagang maging famous? Actually, hindi. Ang kailangan mo ay maging front para bumenta ang libro mo. The publisher will do their part. Ikaw rin dapat. Do your part.

Epic Book Signing Experience

Para sa akin, nagsimula ang pag-boom ng writing career ko noong 2014 nang maibalik ang Kilig Republic at nakita ko na lang ang sarili kong nag-aaral kung paano maging editor. Hindi ito kasing boom ng journey ng ibang writers pero para sa akin, okay na iyon. Natutunan ko bilang isang published author na walang madudulot na maganda sa isang writer ang tumungin sa journey ng iba nang may kahalong inggit. Gawin mong inspirasyon ang taong sikat, hindi isang taong kaiinggitan mo. May kanya-kanyang journey ang bawat writer. May kanya-kanya ding definition ng success. Kung ano ang journey mo, doon ka mag-focus dahil iyon ang mag-lead sa'yo sa success mo. Kapag lumingon ka sa mga taong nakakaangat sa'yo sa industry at nakaramdam ka ng inggit, mawawala ka sa focus. Mapu-frustrate ka, madidiskaril ang journey mo. May isang journey ka lang. Kaya sa halip na ubusin mo ang oras sa pagtatanong sa hangin kung bakit ginawa mo na ang lahat pero di ka pa rin sumikat, gamitin mo na lang ang oras mo sa pagsusulat at sa pag-develop ng iyong journey.

Kasama sa role mo sa relasyon n'yo ng publisher ang pagpunta sa mga organized events tulad ng book signing. Chance mo na ito para i-promote mo ang libro mo, pati ang writer self mo. More exposure, more chance na makikilala ka ng readers at potential readers mo. Kaya ako, hangga't kaya ng Darna powers ko, palagi akong uma-attend.

At sa bawat signing events, may concerns din namana ng mga authors. Akala n'yo lang wala, pero maraming iniisip ang isang writer kapag sasabak siya sa book signing event:

1. May bumili kaya ng libro ko? Hindi sa gusto mong makipagpataasan ng sales pero ang point, nakakahiya sa katabi mo kapag sila, sige sa pagpirma ng libro tapos ikaw, nananalangin na ng milagro na sana'y may lumapit na para magpapirma sa'yo.

2. Okay ba iyong suot ko? Dapat pag may book signing event, umo-OOTD ang peg. Kakahiya naman sa magpapa-picture sa'yong bonggacious ang outfit tapos ikaw mukhang I woke up like this lang. Ihanda din naman ang sarili kasi maaaring ang simpleng meet na ito para sa writer ay isang once in a lifetime moment para sa reader.

3. Ang chakaness ng pirma ko, beshie! One of the troubles ng writer pag may book signing ay paano pipirma. Problema ko nga ito eh. Pangit talaga handwriting ko. Kasumpa-sumpa. At pangit din pirma ko. Ayan bistado na. Uy 'wag kayong magbago ng isip magpa-sign sa akin ha. It's the thought that counts. Ano daw?

4. Hindi ito ang angulo ko sa picture, bes! Baka ang panget ko sa picture! Minsan talaga ganito eh. Hindi mo anggulo, pero anggulo ng nagpa-picture. Kakahiya naman na si reader pa ang mag-adjust. Manalig ka na lang sa ganda mo, beshie!

It's All Write: A Not So Typical Journey of a Struggling WriterWhere stories live. Discover now