#14-M

78 4 0
                                    

"Oh andyan na yung walking puno ng 10-B!!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga studyante pagpasok na pagkapasok ko palang sa campus.

Nakaramdam naman ako ng mahihinang pagbato sa likod ko.

Kamatis? Itlog?

Nagtuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may humarang sakin na dalawang babae.

"Hoy!" Tawag niya sakin. Iniwasan ko siya ngunit hinablot niya ang manggas ng uniform ko.

"Bastos ka talaga no?! Kinakausap pa kita!"

"Ano bang kailangan mo?" Sagot ko sakanya.

"Diba ikaw yun? Yung baklang may gusto kay Wonwoo oppa?" Tanong niya

Napataas ako ng kilay sakanya

"Eh ano naman?" Sagot ko

"Tss. Akala mo ba papatulan ka ni oppa? Wag mo na ulit siyang lapitan at kulitin! Ayaw niya sa bakla! Ayaw namin sa bakla!" Sabi nung isa pa, mga fangirls ni wonwoo?

"Gagawin ko kung anong gusto ko." Paalis na sana ako kaso..

**PAK!** (ganern ganern)

Naramdaman ko ang hapdi sa kaliwang pisgi ko. Shet! Nasampal ako ng isang babaeng mas mukha pang bakla kesa sakin!

"Sige! Tignan lang natin kung mapanindigan mo yang sinasabi mo." Sabi niya at saka sila umalis

"Mingyu?!" Narinig kong may tumawag sakin.

"Soonyoung hyung."

"Tsk. Anong nangyari?!" Tanong niya.

Napaawang ako nung lalong sumakit yung sampal sakin ni panget.

"Tsk! Tara na nga!"

Inakay ako ni soonyoung hyung papuntang clinic.

Madumi na nga yung uniform ko, namaga pa yung pisngi ko.. tsk.

"Mingyu naman eh! Ang kulit mo talaga kahit kailan!" Sabi ni soonyoung sakin habang dinadampian ng ointment ang pinsngi ko.

"Okay lang naman kasi ako hyung! Sampal lang to! Di mo na kailangang gamutin to." Sagot ko

"Mingyu.. gumising ka nga! Ibubuwis mo ba talaga ang buhay mo para diyan sa wonwoo na yan? Mingyu, malakas ang kapit ni wonwoo, at kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya! At alam kong may mas lalala pa dito. Alam nating lahat yun!" Nagaalala niyang sabi sakin

"Di ko alam kung anong pumasok sa utak mo at nagkagusto ka sa isang bully. Lahat ng studyante rito ay sumusunod sakanya. Dahil anak siya ng may-ari ng Pledis Entertainment Academy. Kaya kung ayaw sayo ni wonwoo, ayaw na din sayo ng buong academy." Dagdag pa niya.

"Kung ito lang ang paraan para maging malapit sa kanya. I will never get tired of getting bullied by everyone.. He is my happiness.. and I am willing to do everything for him." Sabi ko.

Napatahimik kami pareho pagkatapos nun.

"Ewan ko sayo gyu. Ang lakas ng tama mo dun." Buntong-hininga niya.

"Tss. Tara na. Late na tayo."

---

"Oy gago dito naman!"

"Pre i-shoot mo na!"  

"Nice one!"

Nandito ako ngayon sa court, practice namin kasi may laban kami next week. Varsity ako, at dahil sa pagiging varsity ko kaya ako nagkaroon ng scholarship at nakakapasok sa school nato.

"Oh pre! Pasa niyo kay Kim Mingyu!"

"Oo nga!"

"Teka wait--- AHHHH!" Napahiga ako sa sahig dahil tumama yung bola sa mukha ko..

Shit! Ang sakit!

"Oh?! Lampa ka naman pala eh!" Sabi ng isang member ng varsity.

Naramdaman ko namang lumapit yung Captain namin. Lumuhod siya sa tabi ko at iniangat ang ulo ko.

"S-seungcheol hyung.."

"Hindi namin kailangan ng babakla-bakla sa team nato." Mahina niyang sabi sakin.

"Oh puta! Isa pa!" Narinig kong sigaw ng isa pang member.

"HAHAHAHA!" Narinig ko ang pagtatawanan nila habang nararamdaman ko naman ang sunod-sunod na pagtama ng bola sa katawan ko.

"Alam mo naman ang mangyayari pag nagsumbong ka diba? Lahat ng pinaghirapan mo.. mawawala." Mapang-asar na sabi sakin ni seungcheol.

"T-tama na.." mahina kong pagmamakaawa.

Alam ko.. kahit magsumbong ako ay kayang-kaya nilang baligtarin ang kwento.. wala akong laban sakanila.. gagawin nila ang lahat para pagmukhain akong masama.

"Anong nangyayari dito?!" Narinig kong sigaw ng coach namin..

Nanatili akong nakaluhod sa sahig. Hindi ako makagalaw...

Naramdaman kong unti unti silang lumayo saakin na dahilan para makita ng coach ang kalagayan ko.

"Anong ginawa niyo?!" Galit na sigaw ni coach. Tumingin ako sakanya..

At nakita ko si wonwoo sa likod niya.. nakatingin din siya sakin.. at nakangisi..

Alam ko nang hindi maganda ang susunod na mangyayari.

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon