#32-W

59 6 0
                                    

"Andyan na ba?" Tanong ni seungcheol

"Teka lang. Palabas palang siya." Sagot ni jun.

Nandito kami sa terrace ng 2nd floor. Hinihintay naming lumabas at dumaan si mingyu.. ilalaglag namin yung paso na kinuha pa namin sa garden sa harap ni mingyu.

"Andyan na siya!" Pabulong na sigaw ni jun

At saktong pagdaan niya ay itinulak na ni seungcheol hyung yung paso.

"MINGYU TABI!!"

Pagkarinig namin nung sigaw na iyo ay narinig din namin ang pagbagsak at pagkabasag ng paso sa sahig.

Nakaiwas si mingyu dahil hinablot siya ni soonyoung palapit sakanya.

Nakita ko sa mukha ni mingyu ang takot.

Tumingin sa direksyon namin ang dalawa at nakita ko ang galit sa mga mata ni soonyoung.

"Tangina niyo! Bumaba kayo diyan! Mga gago!" Sigaw niya samin.

Tumalikod nalang ako at umalis na.. tss. Magbubunganga nanaman yung lalaking walang mata eh.

Pababa na sana ako ng hagdan nung makasalubong ko si soonyoung. Talagang hinabol niya pa ako ha?

"Hoy gago!" Agad na lumapit sakin si soonyoung at sinuntok ako sa mukha

Napa-irap ako sakanya.

"Napaka-gago mo! Tangina mo!" Ilang beses niya pa ako sinuntok bago niya ako kwelyuhan.

"Sumosobra ka na! Hayop ka! Di ka na nagsawa sa mga pinagga-gawa mo sa mga kaibigan ko! Ano bang kasalanan namin sayo?! Ha?! Tigilan mo na kami! Pagod na pagod na kami!"

"Hyung!" Dumating naman yung isang kaibigan nilang mukhang bata pa at hinila siya palayo sakin.

"Pakiusap! Tigilan mo na tong kahayupan mo! Talagang papatay ka para sa katuwaan niyo no?! Mga gago!" Galit na galit si soonyoung.

Napahawak ako sa labi ko nung makaramdam ako ng hapdi doon.. nagdudugo ito.

Sinamaan muna ako ng tingin ni soonyoung bago siya umalis.

Dumating naman si Mingyu nunit nilagpasan lang siya ni soonyoung. Naiwan namang nakatayo sa harapan ko yung chan.

Nakayuko siya, ngunit bigla siyang nagsalita.

"Sinira mo ang buhay ng mga hyung ko." Mahina niyang sabi

"Di ko alam kung bakit galit na galit ka kay Mingyu hyung. Pero ilang buhay na ang sinira mo. Alam naming makapangyarihan ka pero pati ba mga kinabubuhay ng pamilya namin sisirain mo?"

"Masaya ka na ba sa mga ginagawa mo? Masaya kang nasira na ang pagkakaibigan namin? Masaya kang nasira mo ang mga buhay namin? Masaya ka bang nahihirapan kami?"

"Demonyo ka.. hindi.. mas masahol ka pa sa demonyo!" Pagkasabi niya nun ay umalis narin siya.

Tama kayo. Mas masahol pa nga ako sa demonyo.

Masaya akong nakikitang naghihirap kayo.. kulang pa yan sa naranasang sakit ng kapatid ko. Gusto kong makitang unti unting gumuho ang mga mundo niyo..

Nakita ko namang nakatingin lang mula sa malayo si mingyu.

Ngayon ko lang napansin na ang payat niya na.. at ang itim na nung mga ilalim ng mata niya.. nakakaawa siyang tignan.. parang si jungkook..

Tama naman sila.. kay mingyu ako galit.. pero bakit pati mga kaibigan niya dinamay ko? Ganun ba ako kasama? Ganun ba ako kasahol?

Muli akong napatingin kay mingyu.. naaalala ko talaga ang kapatid ko sakanya.. ganyan ko naabutan ang malamig niyang katawan sa ospital.

Nakakaawa.. tama ba na iparanas ko sakanya yung naranasan ni jungkook?

Tama naman diba? Dahil siya ang dahilan kung bakit dinanas iyon ng kapatid ko..

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon