#66-W

59 4 2
                                    

"Anong problema--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung makatanggap ako ng suntok galing sakanya.

"Anong katarantaduhan tong ginawa mo?!" Sabi niya sakin

"Wala naman akong ginagawa ah?!"

"Eh ano to?!"

Ihinarap niya sakin yung laptop niya at nagplay ang isang video.

Isang cctv footage nung minsang pambubully ko kay mingyu. Ang tagal na neto ah?

"Hindi lang yan!" Pagkasabi niya nun ay ibinato niya sa harap ko ang isang envelope.

Binuksan ko ito at kinuha ang mga papel na nakalagay doon.

Mga records, agreement at kung ano anong documents.

"Arson, false accusations... ano to?!" Gulat kong sabi

Maraming events ang nakalagay sa document, at nangyari yun nung time na binubully ko pa si mingyu..

Nakasaad dito ang mga agreement katulad ng pagtanggal ng preno sa bike, pagsunog ng isang bahay, pagpapasara ng isang cafe, pamemeke ng ilang records... at lahat ng yun ay nakapangalan sakin.

"Sinong nagbigay sayo nito?!"

"Hindi yun ang importante.. anong kagaguhan to wonwoo?! Sinisira mo ang pangalan ng pamilya natin! Ano bang gusto mong palabasin ha? Tangina wonwoo, nakakahiya ka!" Sabi niya sakin

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Oo, alam ko na may galit ako kay mingyu noon, pero hindi ko kayang gawin tong mga to, hindi ako naninira ng buhay ng iba! Hindi ako ang may gawa nito!

"Pa, believe me! Hindi ako ang may gawa nito--"

"Stop saying nonsense! Your ruining our reputation! I don't believe in your words lalo na kung nakasulat na lahat ng diyan ang katotohanan!" Sabi niya sakin

"No.. I didn't do this.."

"Wag kang mag-alala. I already fixed your mess.. but remember this, hinding hindi ka na maa-appoint as SC president next school year. Saamin ka na ulit titira ng mama mo at pag hindi ka nagtino, ililipat kita sa ibang school."

"No pa! Hindi mo pwedeng gawin yun!"

"Ako ang papa mo at ako ang masusunod! Nagtiwala ako na kaya mong gawin ang mga responsibilidad mo sa school na to. Pero ang tanga ko para gawin yun! Hindi ako papayag na manguna ang katarantaduhan mo sa school nato, simula ngayon, tinatanggal ko na lahat ng kapangyarihan mo dito..."

"Please pa, no! Gusto kong maging President next year!"

"Pero ayoko. Hindi ako papayag!"

*********

Exo member talaga si wonwoo eh, may powers siya sabi ni papa jeon.

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon