#37-M

75 5 0
                                    

Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa malamig na sahig..

Idinilat ko ang mga mata ko.. ang mga kumikinang na butuin sa langit ang sumalubong sakin..

Bakit ba kahit gusto ko nang magpakamatay eh ang kinang parin nung mga bituin??

"Mingyu.. mingyu!!" Rinig kong tawag niya sakin..

Lumingon ako sakanya, at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko..

"Bakit mo ko pinigilan..?" Tanong ko sakanya..

Tinakpan ko ang mukha ko at ibinuhos lahat ng takot at lungkot na nararamdaman ko sa pag-iyak..

"Bakit mo ko pinigilan?!"

Ang bilis ng tibok ng puso ko.. I was so scared.. I was that close to dying.. but he saved me.

"Gago ka ba?! Sa tingin mo hahayaan kitang mamatay?" Sabi niya sakin..

Umayos ako ng upo at nagtuloy lang sa pag-iyak.

"Diba ito yung gusto mo? Bakit mo ko piniglan?!"

Natahimik siya sandali sa sinabi ko..

"K-kasi kung mamamatay ka, ako ang sisisihin nila! S-syempre hindi ko hahayaang mangyari yun." Sabi niya

Tama siya.. siya nga ang masisi pag nagpakamatay ako.. ang tanga ko.. di ko naisip yun..

"Sana hindi mo nalang ginawa yun.."

"Pagod na ako wonwoo eh.. ang sakit sakit na.."

"Gusto ko nang matapos ang lahat.. ayoko na.. sana hinayaan mo nalang akong gawin yun!"

"Death, can never be the solution to your problems."

"Ano bang sinasabi mo? Eh yun nga yung gusto mong mangyari sakin diba? Sinabi mo yun! Na gusto mo na kong mamatay."

"Let me tell you something mingyu, you remind me of someone.. someone really special and he died for the same reason why you wanted to die. Pero anong nangyari? Natapos ba yung problema? Hindi, kasi hanggang ngayon I still seek for the justice of his death, I still regret that I haven't been able to be with him during the times that he needed me. I felt so sorry for my self.."

"Mingyu, ayoko nang makakita ng taong nagsuicide.. nakakatakot, nakakaawa.."

"Kaya pwede ba? Tulungan mo naman ang sarili mo.. itigil mo na ang kahibangan mo.. tanggapin mo nang hindi kita mamahalin gaya ng pagmamahal mo sakin."

"Isipin mong ito nalang ang pambawi ko sayo.. sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo.."

"Please, layuan mo na ako.."

Napahikbi ako sa sinabi niya.. parang hindi ko naman kaya yun..

"Straight ka ba talaga?!" Naglakas loob akong tanungin sakanya.

Pag-umoo siya.. huhu.. wala akong choice kundi itigil na nga to..

"I'm not. Bisexual ako. But I'm already inlove with someone, at masaya ako. So please, stop bothering me already and get a life."

Sobrang nalungkot ako sa sinabi niya.. huhu.. brokenhearted na si akes.

"Eh bakit sabi mo ayaw mo sa bakla?!"

"Sinabi ko lang.. but I didn't mean it."

"Eh bakit galit na galit ka sakin?!"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Tss. Umuwi na tayo. Anong oras na oh."

"Teka lang! Five minutes!"

Sa limang minuto na iyon.. parang unti unting nagbago ang buhay ko..

I stared at the stars. Bakit ba hindi sila tumitigil sa pagkinang kahit durog na durog na yung puso ko? Nakakainis naman eh!

But they shine so bright.. kahit madilim ang kalangitan.. the stars make it so beautiful that you would want to stare at it for a lifetime..

Kim Mingyu, the moment you stop staring at the stars would also be the moment that you will forget your feelings for Jeon Wonwoo.

Set yourself free.. para di ka na masaktan.. mukha ka ng gago eh..

Hayaan mong, kasabay ng pag-fade ng kadiliman sa langit ay ang pag-fade rin ng lahat ng sakit at paghihirap na naranasan mo..

Be happy..












That's what jungkook wants..

*******

Mahaba pa to guys hehe get ready for more ahihihi ;)

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon