#18-M

67 4 0
                                    

Kinuha ko na yung bike ko at dumiretso na kela jeonghan hyung.

Medyo malayo kasi kung lalakarin kaya pag pumupunta ako kela jeonghan o kaya sa bahay ng iba kong kaibigan ay nagbi-bike nalang ako.

Exercise din to no! Pang maintain ng abs :)

Dahil nagmamadali ako dahil may project pa akong kailangang tapusin.. dumaan ako sa shortcut. Oo may shortcut.. baku-bako yung daan dun saka taas-baba tapos makitid lang yung daan. Pero mas mabilis naman dito ng 4 minutes kesa sa original route.

Kaso.. bigla akong may nakasalubong na tumatakbong bata.. nag-preno ako.. pero shit! Bakit hindi tumitigil?!

Sinubukan kong i-preno ulit ng ilan pang beses. Pero ayaw talaga.. at saktong pababa yung kalye kaya mas bumilis yung pagbaba ko.. nagpanic ako. Kaunti nalang mababangga ko na yung bata..

Then the next thing I know.. there was a sharp pain in my leg.. the bike was a feet away from me.. nakita ko yung bata na nakatayo sa tabi ko..

Buti nalang ligtas siya..

I tried to get up.. but the pain I felt in my left leg went worse. Hindi ako makatayo..

"Anong nangyari--- Mingyu?!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Seok-- AHHHH!"

Sobrang sakit ng binti ko.. parang pinupunit.. hindi ko maexplain.. masakit!! Sobrang sakit!!

"Shit Mingyu! Yung binti mo!!" Sigaw ni seokmin na halatang nagpapanic na rin.

Narinig ko naman na tumawag na siya ng ambulansya.. at ilang sandali lang ay dumating na iyon..

Buong biyahe papuntang ospital ay wala akong ginawa kundi indahin yung sakit na nararamdaman ko..

Iniisip ko kung paano nangyari to.. bakit walang preno yun bike ko? Bakit ako naaksidente?

Di kaya may kinalaman si wonwoo dito?

---

"Kaya pala! Kanina pa ako naghihintay na dumating tong batang to! Yun pala naaksidente!" Sabi ni jeonghan hyung na kakadating lang.

Nandito na sila.. sinabi ni seok sa gc yung nangyari at agad silang sumugod dito sa ospital.

Naoperahan yung binti ko. Nagkaroon kasi ng fracture eh. Pero si jeonghan hyung yung nagbayad, nag-ambag din naman yung iba pero halos kalahati nung bills ay si hyung ang nagbayad. Di ko naman kasi kayang bayaran yung pagpapaopera sakin.. wala akong pera. Kaya hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kay jeonghan hyung.

"Buti nalang nakita mo agad si gyu, seok." Sabi ni soonyoung hyung.

"Oo nga eh! May bibilin kasi sana ako sa convience store malapit dun sa street. Tapos saktong pagdaan ko kakatapos lang maaksidente ni gyu, nagulat nga ako kasi nagkukumpulan yung mga tao, lalo naman akong nagulat nung makita ko si gyu na nakahandusay sa kalye." Pagkukwento ni seokmin

"Pano yung nagulat?" Tanong ni seungkwan sa kanya.

Para namang uto-uto na umarteng nagulat si seok. Gago talaga.

"Thank you talaga guys.. wag kayong magalala, babawi ako.. babayaran ko lahat ng utang ko sinyo." Sabi ko.

"Di na kailangan gyu. Alam naming lahat ang kalagayan mo. Kaibigan mo kami at natural lang na tulungan ka namin." Sabi ni jeonghan hyung

"Oh hyung. Kumain ka muna. Baka gutom ka na." Sabi ni chan sabay abot sakin nung binalatan niyang mansanas.

"Thanks chan." Sabi ko at kinuha iyon.

Kakagat na sana ako kaso biglang pumasok yung doctor.

"Mr. Kim Mingyu?" Napatingin naman kaming lahat sa doctor at naghihintay na may sabihin siya ulit.

"Maayos na ang lagay mo, in three days makakalabas ka na, but still, nakasimento parin ang binti mo at kailangan mong gumamit ng saklay." Sabi niya

"Doc, gagaling ba to within a week?" Tanong ko

"Impossible yun. Kahit simple fracture lang yan ay aabutin ng tatlong buwan bago ka tuluyang gumaling." Napatahimik ako sa sinabi niya.. paano na yung championship next week?

"Pero kailangan kong maglaro next week para sa basketball championship!" Sabi ko

"Mr. Kim.. hindi ka pwedeng gumawa ng mga physical activities, for five months. Kung maglalaro ka, edi sana nag-ingat ka sa pagbi-bike mo. You can't play any sport during that period of time. "

Parang gumuho yung mundo ko sa mga narinig ko..

Paano na yung scholarship ko? Siguradong babawiin nila yun pag nalaman nilang hindi na ako makakapaglaro..

"Mingyu.." tawag ni soonyoung hyung sakin.

Ngunit nanatili akong nakayuko.. nawalan ako ng lakas para tumingin sakanila..

Mawawala ang scholarship ko.. pero wala naman kaming ipambabayad sa tuition pag nangyari yun. Paano na si mama? Kulang pa nga yung kinikita niya para pambayad sa bahay eh. Tapos nangyari pa tong letseng aksidente na to.

"Gyu.. feeling ko sinadya yung nangyari sayo." Sabi ni soonyoung hyung

"Anong ibig mong sabihin hyung?" Tanong ni chan, na walang kaalam-alam sa nangyayari sakin araw-araw.

"Sinabi ko na kasi sayo eh! Tigilan mo na yang kahibangan mo kay wonwoo." Sabi ni jeonghan

"Walang kinalaman si wonwoo dito. Aksidente nga to diba? Ibig sabihin hindi inaasahan." Sagot ko

"At paano ka nakasisiguro? Araw-araw mong nararanasan yung pambubully niya at ng mga studyante sa school, sa tingin mo maniniwala kaming wala siyang kinalaman?" Sabi naman ni seokmin.

"Wala siyang kinalaman kasi pinili ko naman tong buhay na to! Wala siyang kinalaman kasi hinahayaan ko lang naman na gawin niya sakin to!" Sagot ko

"Eh bakit nga?! Bakit mo ba hinahayaang masaktan ang sarili mo para sa taong kahit kailan ay hindi ka naman papansinin?!" Tanong ni jeonghan hyung

"Kasi nangako ako! kasi nangako ako sakanya.. Nangako ako na isasakripisyo ko rin ang buhay ko para sa taong mahal ko gaya ng ginawa niya. Kung masaya siyang naghihirap ako.. edi sige, hahayaan ko lang siyang panuorin ako habang unti-unting namamatay. Pinanghahawakan ko lang ang mga pangako ko.. kasi gusto kong bumawi sakanya.. sa lahat ng ginawa niya para sakin."

Natahimik kaming lahat matapos nun. Kahit si seungkwan na kanina pa lamon ng lamon sa tabi ko ay natigilan sa pag-nguya.

I won't break my promise.

********

Sorry kung mas madalas yung narration. Haha mas comfortable parin para sakin yung narration but I'm doing epistolaries for variety of works. Kaya sorry kung lame yung message/chat parts. Trying hard lang po talaga ako HAHAHA

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon