#15-M

61 4 0
                                    

"Hindi naman po sinasadya yung nangyari.. we're also sorry for what happened. Alam naman namin that mingyu is one of the best players in our batch, and we don't want him getting injured. Sorry po talaga." Seungcheol innocently told our coach.

"It's okay. Just please, mag-ingat naman kayo. Next week na ang championship, at ayokong may isa sa inyong wala sa kondisyon. Sige na, bumalik na kayo sa practice, iwan niyo na si mingyu dito." Sagot naman ng coach

Sinamaan ako ng tingin ni seungcheol bago siya umalis. Nagbilin lang si coach sa nurse sandali tapos umalis narin siya.

Nagkaroon ako ng kaunting pasa sa braso ko pero pumutok yung labi ko dahil sa tama ng bola sa mukha ko kanina.

"Kim Mingyu... pang-ilang beses mo na to sa loob ng isang linggo? Tsk. Mas madalas ka pa nga yata dito kesa sa classroom niyo eh." Sabi ng nurse.

Pang-ilan na nga ba? Nung isang araw sinampal ako.. tapos pinatid ako sa hagdan.. kahapon tinulak ako sa may pool area.. tapos ngayon binato naman ng bola.

"Ano ka ba noona. Dinadalaw lang talaga kita dito." Pagbibiro ko sakanya

"Sus. Ako na ang naaawa sayo eh! Kulang nalang magkabali-bali yang mga buto mo!" Exagg niyang sabi

"Grabe ka naman noona. Tsk. Sige na po.. uwi na ako." Pagpapaalam ko sakanya.

"Okay! Ingat ah, wag nang tatanga-tanga! Nagsasawa na ako sa mukha mo!" Sabi niya.

Tumawa nalang ako at tuluyan nang umalis. Medyo close ko talaga si noona kasi medyo bata pa siya at talagang mabait siya sa lahat ng studyante.

Palabas na ako sa gate ng school nang makasalubong ko si wonwoo.

"W-wonwoo! H-hi!!"

Lol. Di ko alam pero bigla akong kinabahan. Pero di ko maiwasang mapangiti dahil nandito siya sa harap ko ngayon.

Tinignan niya lang ako. Pero nagulat ako nung humakbang siya papalapit sakin.

"Fafa wonuu~ masyado kang malapit.. kinikilig ako." Malandi kong sabi.. di ko talaga alam, basta nagiging ganito lang ako pagdating sakanya.

"Di ka parin ba nadadala? That you still call me in that name?" He said in his low voice

"Hehe ano bang sinasabi mo fafs?"

Tinapik niya ng mahina ang kaliwa kong pisngi.

"Don't you think it's time for you to wake up from your shitty dream? Wala pang studyante ang PEA na hindi sinunod ang mga sinasabi ko.. ikaw lang.. at yung salitang yun ay simpleng 'itigil mo na' lang. Di mo pa magawang sundin. Ano ba talagang gusto mo ha?" Tanong niya

Napatikom ako ng bibig. Ikaw lang naman ang gusto ko eh.

"Nakakahiya ka. Isa kang malaking kahihiyan para sa PEA. Paano kung... kunin ko ang lahat ng sayo?"

Nakatingin lang ako sa mga itim niyang mata. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Hahaha." Tumawa siya ng mahina. Baliw na ba siya? Well, nakakabaliw naman talaga ang kagwapuhan ko eh. (OO MINGYU! ISANG MALAKING OO!!)

"Sige na. Umuwi ka na. Mag-ingat ka. Baka bukas wala na akong mapagtripan. Baka bukas, wala na ang aking dearest admirer." Nginitian niya ako ng maloko at naglakad na palayo.

Kung di ko lang siya mahal baka isipin ko talaga na baliw na siya eh.

Pero okay lang.. nangako ako na ibubuwis ko ang buhay ko para sa taong mahal ko.. at handa akong tanggapin ang anumang mangyayari sakin.

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon