CHAPTER 3

4.4K 83 0
                                    

Nakalipas ang isang linggo na di pa rin napapalitan ni Sabrina ang kanyang uniform skirt. Wala syang time para gawin pa iyon at maghintay na naman ng matagal sa tailoring. Kasi nman iyong pagkakatahi ng kanyang damit ay pahirapan pa kung di nya binalik-balikan di pa matatapos ng mananahi.
Di sya nangangamba na di sya papapasukin muli kasi bago na naman ang guard na nakapost doon sa gate. Di na iyong dating guard na masungit na naka-assign dati.
Sa tuwing papasok sya sa entrance gate sinisilip nya muna ang guard kung nasa gate ba nakatayo para masalisihan nya kung sakaling sitahin sya nito.
Pasaway rin nman sya paminsan minsan. Bunso kasi sya at pasaway sa kanilang msgkapatid. At mayroon syang isang kapatid na babae na nagtatrabaho na. Dalawa lang nman silang magkapatid.
Sabrina is a petite kind of girl with a slim body. She has a long semi wavy hair which the color is reddish brown. Natural na kulay na iyon ng buhok nya kasi pinaglihi daw sya ng nanay nya sa buhok ng mais. Mahilig rin syang magbabad outdoor kaya lalo pang mamula mula ito kapag natatamaan ng sikat ng araw.
"Hey Sabrina! "Ang kaway na sabi ng isa sa mga night classes students na kaklase nya na nakaupo at nakikipag-umpukan sa ibang estudyante na malapit sa gate.
"Hello.. "ang kiming bati nya sa mga ito ng huminto sa kinaroroonan ng mga ito.
"Wala pa tayong room na mapagtatambayan kasi di pa tapos iyong mga day classes. "Paliwanag ng isa sa classmates nya na si Robert. Binigyan pa sya nito ng magandang ngiti na tinanguan nya lamang.
"Ah ganun ba. Ang aga nyo sigurong pumasok dito anu? "Ang tanong nya sa mga ito.
"Ito oh si Elmer mas maaga. "Sabi ng katabi nitong si Marlon.
"Oyy may P.E. pala tayo ngayon anu? May assignment ba kayo doon? "Ang tanong ni Jason sa kanila.
Napatingin sya sa mga ito. Napaawang ang kanyang bibig dahil di nya naalalang mayron silang aralin sa P. E. Wala pa nman syang nagawa na assignment kasi nakalimutan nya na ito.
"Meron ba kayong sagot doon? "Ang baling nya sa mga ito.
"Wala nga rin eh kaya nga nagtanong sa inyo baka may mga sagot din kayo. "Sabi ni Marlon.
"So ano pang hinihintay nyo tara na sa computer room sayang lang binabayaran natin doon kapag di natin nagagamit ang two hours sa internet sa araw na ito. "Sabi ni Jason na tumayo na para umalis.
Nagsitayuan na rin ang iba pa nilang mga classmates kaya sumunod na rin sya sa mga ito.
Kinagabihan marami sa mga kaklase nila ang wala pa lang sagot sa assignment na binigay ng Prof. nila kasi nakaligtaang gawin ng mga ito.
"Iyan ang ayaw ko sa inyo class ba. Kapag may assignment na binigay dapat gawin nyo! Be a responsible students! Don't be lazy. How can you pass this subject if you won't cooperate with your teacher?"Ang pormal na sabi ni Mr. Suarez sa kanila.
Nakamata lang si Sabrina sa Prof nila na di nya malaman kong galit talaga or naggagalit galitan lamang.
"Ok take out your notes and show me your assignment!"ang sabi nito na inisa isa silang puntahan para i-check ang kanilang notes para malaman kung sino ang di nakagawa ng araling bigay nito.
Kinabahan si Sabrina kasi iyong sa kanya kulang ang ginawang assignment. "Nakuw! Tiyak masesermunan nya ako nito mamaya kapag sa akin na notes na ang iche-check nito! "Ang kagat labi nyang wika sa sarili.
Nakayuko sya kunwari ay nakatingin sa kanyang notes para di sya agad mabalingan ng guro nilang gumagala.
"Iyong sayo? What's your name? "Ang narinig nyang sabi ng teacher nila. Nasa tabi na pala ng upuan nya ito nakatayo at nakatigil. Napatingala sya rito bigla bago napalunok at nakapagsalita.
"S-sabrina po sir. "Ang sabi nyang bahagyang napautal sabay abot ng notes dito. Di nya matingnan ang mukha nito kasi sure sya na may masisita nga ito sa gawa nya. Naiyuko nya pagkatapos ang kanyang ulo.
"Bakit di complete iyong assignment mo Sabrina? "Ang sabi nito na di inaalis ang tingin sa notes nya. Napaangat sya ng tingin rito.
"Ah eh.. kinulang sa time sir sa pag research sa library. "Ang bigla nyang naisagot.
"Dalawang araw lang miss Sabrina ang P.E natin di mo pa ma-complete complete ang assignment na binigay ko? "Ang nakakunot boo nitong tanong sa kanya. Na this time napatitig na sa kanyang mukha ang lalaki.
"Ah eh sir late na kasi ako nakagawa kasi nawaglit sa isipan ko. "Ang medyo alanganing kumpisal nya rito na binigyan pa ito ng isang tipid na ngiti. Tinitigan sya nito ng mariin saka muling nagsalita.
"Next time class I won't let you sit inside my class if you don't do your assignments. Is that clear? "Ang serious nitong sabi.
"Yes sir! "Ang panabay na sabi ng mga classmates nya.
"Did you hear what I just said Sabrina? "Ang baling nito sa kanya ng di sya sumabay ng sagot sa mga classmates nya.
"Y-yes sir. I heard it all. Loud and clear !"ang sabi nya na napatitig sa mata nito. Naghinang ng isang sandali ang kanilang mga mata bago ito bumalik sa harapan para magstart ng lecture nila.
"Hmmp! Ang suplado ng Prof na ito. Eh sa nakalimutan nga! Pag-initan ba naman ako. Akala mo kung ako lang ang mag-isang di gumawa ng aralin na kompleto eh yung iba nga wala talaga?! Haistt!"Ang murmur nya sa sarili. Kumukulo ang kanyang dugo sa kanilang professor.
'Gwapo sana suplado nman! Duh! 'Aniya nya muli sa isipan na sabay patirik ng mga mata at itinuon ang pansin sa harapan para makinig.
"Next week we'll start our exercise class. So you need to wear your P.E uniform. I won't allow to attend my class those students who doesn't wear a proper uniform! "Ang strict nitong hayag sa kanila.
"Naku! Akala ko mabait itong Prof natin istrikto rin pala. Daig pa ang mga major subjects teacher natin! Hmmp! "Sabi ng kaklase nya na nasa unahan nya nakaupo.
Napasimangot sya sa kanyang kinauupuan at pagkadaka ay napahalukipkip. Di nya talaga magugustuhan ang subject na ito. She swear it silently. Panghuli na nga na subject sa gabi strict pa ang Prof nilang nakatuka doon. Grrr! Baka matuyuan sya dito ng dugo sa tuwing mag-eehersisyo na sila. Really? Exercise in the middle of the night? What a life?!

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Where stories live. Discover now