CHAPTER 7

3.3K 67 0
                                    

Last day ng HRM day nila Sabrina. Ang mga hurado ay pawang mga professor sa basic subject ng department nila at ang dean ng campus.
Masaya at nakakaaliw ang mga activities na ginanap. Gumawa sila ng boat na sila mismo ang nagdesign at nagluto ng mga pagkaing di karaniwang nakikita sa hapag kainan. Mahahalintulad sa bazaar ang part ng activity nilang iyon. Foods bazaar for a cause. Ang malilikom na kita roon ay mapupunta sa HRM club project ang kalahati at ang maiiwan para sa homeroom nila.
"Nasaan si Sabrina? "Ang narinig nyang tanong ni Marla sa kasamahan nila. Di sya nito napansin agad sa tabi ng boat kasi medyo maraming students ang nakatambay roon.
Sa bawat paligid ng boat nila nakadisplay ang iba't ibang fruits and vegetables. Ang tema nila ay bahay kubo na napapaligiran ng maraming pananim.
"Andyan lang sya sa tabi tabi. Bakit mo ba sya hinahanap? "Sabi ng classmate nya rito.
"Paano di ko sya hahanapin eh kami na ang sunod na sasayaw dyan oh. Pagkatapos magsalita ng speaker na yan. Intermission na nmin! "Ang lukot na mukhang turan nito. Kaya pala nagpalit na ito ng damit nito. Sya kasi ay nakapagprepare na. Black pants na lamang ang problem nya. Di nya alam kung sino ang pwedeng magpahiram sa kanya ng pants.
Nilapitan nya ang mga ito.
"Andyan ka na pala. But ganyan ang suot mo? Saan ng black slacks mo? "Ang sabi nito na nakataas ang kilay na nakamasid sa kabuuhan nya.
"Eh wala akong mahiraman eh. "Wika nya na nakatulis pa ang nguso.
"Hoy Jake! Hubarin mo ngang slacks mo at pahiram mo muna kay Sab."ang baling nito sa kaklase nilang nakatayo malapit rito.
"Huh? Anu ka, papagpaldahin mo ako?! No way! "Ang nanlalaking mata na sabi nito sa baklang si Marla.
"Hindi ko nman sinabing magpalda ka! Ang sabi ko pahiram muna. May pamalit na pants Ryan sa loob ng pack bag ko di nga lang itim! Ang lukong to! "Ang mataray nitong sabi sa kaklase nila na napahagalpak ng tawa. Pahagis nitong binigay ang pack bag kay jake na maagap nitong nasalo.
Ng mahimasmasan ito pumunta sila sa isang room at doon nag-exchange ng pants.
Tamang tama ang dating nila sa back stage. Tinawag kaagad ang department nila para mag-perform. Night Hrm department lamang ang merong intermission dahil ang day classes ay nagmatigas sumayaw.
Kabadong napaakyat si Sabrina kasunod ng iba nya pang mga kasamahan sa stage.
Ang kanilang suot ay long sleeve white polo na nakatupi until siko, sa left side nila. At black slacks na nakatupi until knee, right side nman then may suot suot na base ball cap na pahirapang hiniram nila sa mga players. Saka sports shoes.
Nalulula sya sa dami ng students na nakamasid sa kanila sa taas. Parang gusto nyang umatras para bumaba at magtago. Nang mapadako ang paningin nya sa mga professor na nakaupo sa judging desk lalo syang nakadama ng kaba at hiya.
Naramdaman nyang namula bigla ang pisngi nya. Naroroon si Mr Suarez at matamang nakatitig sa kanya. Nagtama ang paningin nila.
Ngumiti ito sa kanya na nagpakabog lalo sa kanyang dibdib. Malakas ang tambol nito kaya ng magstart ang music nawindang sya kasi nawala sya sa timing.
Mabuti na lamang nakabawi sya kalaunan. Nanginginig ang kamay nya habang sumasayaw. Di nya nakontrol ng dumating iyong part na eh tuturo nya iyong next na mag pre-freestyle dance na kasama. Nakahinga lang sya ng maluwag ng matapos rin sa wakas ang performance nila. Agad syang nagmamadaling bumaba sa back stage. Dama nya pa ang panginginig ng kanyang katawan.
"Congrats Sabrina! Galing mong sumayaw ah! "Sabi ng friend nyang si Rita.
"Thanks. "Ang medyo napangiwi nyang sabi rito dahil di nya pa na over come iyong stage fright nya habang sumasayaw sa taas ng stage.
"That's my students! "Ang narinig ni Sabrina mula sa kanyang likuran. Nagulat pa sya ng may biglang umakbay na bisig sa balikat nya.
"Thanks guys! You all did great especially you Sabrina "ang medyo mahinang sabi ni Dylan sa kanya na bakas ang kasiyahan sa boses nito. Di nya alam na napakalapit na pala nito sa mukha nya.
Napalinga sya rito at nakasalubong nya ang matiim nitong titig. Pinanindigan sya ng balahibo sa kanyang batok ng maramdaman ang hininga nito sa gilid ng kanyang tenga. Napigil nya bigla ang kanyang paghinga.
"T-thank you sir.. "ang nauutal nyang sabi rito. Halos mapaubo sya ng bigla nyang malunok ang sariling laway. Nagbara iyon sa lalamunan nya.
"Well sir, I think we deserve a treat. Right guys?! "Ang pakwelang sabi ni Marla sa professor nila.
"Hmmm. Sure. Why not. After class tomorrow. I'll treat you all"Ang masigla nitong sabi na ikinasigaw at ikinatuwa ng classmates nila.
Pasimple nyang inihulog ang cap na suot nya para magkaroon sya ng reason na makawala sa pagkaakbay nito. Naaasiwa sya kasi maraming students sa paligid nila. At ayaw nyang makuha nila ang atensyon ng mga iyon.
Nang mahulog nya na balewalang yumuko sya at dinampot iyon sabay tayo muli ngunit medyo malayo na sa kinatatayuan ni Dylan.
Busy ito sa mga ibang students na kumakausap dito kaya di nito napansin ang ginawa nya.
Friendly si Dylan sa mga students ng university nila. Ang dami nitong mga kaibigan saan mang departments ito mapunta. Di sya magtataka kung bakit madaming girls ang nagka-crush rito.
Medyo dumistansya sya ng kaunti sa ibang students at classmates saka pinagmasdan si Dylan sa malayo.
Palangiti ito at masarap kausap. Malambing rin kaya talagang di mo mapipigilang dedmahin ang kagwapohan nito. Bunso run kasi itong Prof nila. Maganda ang boses at magaling sumayaw kaya nga instructor sa Dance P.E. dahil iyon ang major nito.
Sa kakatitig nya rito di nya napansin na nakatitig na rin pala ito sa gawi nya at nagtama ang kanilang mga tingin.
Para syang batang nahuling nagpuslit ng candy sa store kaya bigla syang namula at napayuko. Tamang tama nman na may kumausap sa kanyang kaklase kaya ibinaling nya na lang rito ang kanyang atensyon.
"Hi Sabrina. Halika, punta tayo sa canteen treat ko. " nakangiti nitong sabi sa kanya.
Kahit ayaw nya sanang pagbigyan ito napilitan syang paunlakan iyon para may excuse sya na umalis sa kinatatayuan nya at makalayo sa mga nanunuot na titig ni Dylan. Tila sya malulusaw sa mga titig nito.
Alam nyang may gusto sa kanya ang kaklaseng nag-aya sa kanyang magtungo sila ng cafeteria but di pa handa ang puso nya para rito. Wala syang spark na naramdaman para dito. Tanging kaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay sa kaklase nyang iyon.
May kinagigiliwang tingnan ang mga mata nya at iyon ay ang pagmasdan ang Prof nila sa P.E
Sa bawat araw na magdaan nakokompleto ang kanyang araw kapag nasisilayan nya ito kahit sa malayo lamang.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum