CHAPTER 5

3.8K 62 0
                                    

Lahat silang magkaklase ay pinagpartner partner nito para sa unang exercise na pinagawa nito. Ang final curl-ups exercises ng buong klase sa gabing iyon. Silang dalawa ni Marla ang magka-partner.
Si Marla naman ngayon ang nakahiga at sya ang nakahawak sa tuhod nito para pumigil. Pagkatapos nag-umpisa na itong i-perform ang nasabing ehersisyo. Habang ginagawa iyon ni Marla sya nman na naglumikot ang mga mata sa iba nyang mga kaklase. Pinanood nya ang ibang mga pares sa pagperform. Dahil nawili sya sa kakapanood ng ibang classmates na nag-eehersisyo di nya napansin napaluwag ang pagkapit nya sa tuhod nito kaya bigla itong bumagsak pabalik sa pagkakahiga. Dahil sa wala pwersa na nakapigil sa tuhod nito. Pawis na pawis na pa nman ito sa kakacurl-ups nito kaya nairita ang baklita nyang kaklase.
"Hoy!Sabrina, ituon mo ngang eyes mo sa akin. Sisirain mo pa ata ang beautiness ko sa gabing ito anu?!"ang wika ng mahaderang bakla sa kanya. Pinansilikan pa sya nito ng mga mata nito na ikinatirik ng knyang mata sa ere.

"Ayy! Sorry na girl , nawili ang lola mo sa ibang tanawing nakakabighani"ang napahagikhik nyang saad dito. Nanlaki nman ang mga mata nito ng makuha nito ang ibig nyanh ipahiwatig. May mga maskuladong kaklase sila na medyo bumakat ang hubog ng katawan habang nag-eehersisyo.
Di nya namalayan na papalapit sa kanila ang Prof nila. Dahil nakita pala nito ang nangyari kanina. At patungo sa kanila ang direksyong tinatahak nito. Pareho pa silang napaangat ng tingin rito ng sa mismong tapat nila mismo ito tumayo. Nakahawak ang mga kamay nito sa bewang at may disgustong expression na nakapagkit sa mukhang lalaki.
"This is the proper way to hold your partner when performing the exercise "ang sabi ni Dylan kay Sabrina na kinuha ang mga kamay nya at inilagay uli sa tuhod ni Marla. Bahagya syang pinaluhod malapit sa tuhod ng kaklase saka pinahawakan sa kanya ng mahigpit ang tuhod nito. Napasinghap pa sya ng dumantay ang kamay nito sa kanyang braso. May kong anung init na dumaloy sa kanyang kalamnan sa di maipaliwanag na sitwasyon.
Napatanga si Sabrina sa Prof nila dahil sa walang pasubaling hinawakan nito uli ang mga kamay nya ng alisin nya iyon kay Marla at pinapigil para makapagpatuloy si Marla sa pag-eehersisyo.
Ramdam nya pa rin ang init ng mga palad nito na nakahawak pa rin sa likod ng mga palad nya habang nagcu-curl ups si Marla. Saka lamang iyon binitawan ng makasampung bilang na sya kay Marla.
"Hayyy, ang bango talaga ni sir. At nararamdaman ko ang init ng katawan nya sa kalamigan ng gabi. "Ang kagat labi nyang ani sa isipan habang pigil ng malalim ang kanyang hininga.
"Sabrina? Did you get how to hold him properly?"Ang baling na wika ng guro nila sa kanya na naghatid ng gulat kay Sabrina.
"Huh? Ah y-yes s-sir! "Ang napautal nyang wika rito. Napakurap pa sya bigla sa katabing lalaki.
'Gosh! Kill me now lord. It's so embarrassing! 'Kagat labi nyang sigaw sa isip.
"Pay attention on your partner. Don't let your eyes roam around. Just stay your focus on him, understand?"Ang halos pabulong na sabi nito sa gilid ng tenga nya na ikinatayo ng balahibo nya sa batok. Saka balewalang tumayo at naglakad palayo sa kanila.
Halos pinangapusan nman sya ng hininga sa ginawang iyon ng lalaki. Napakalakas ng epekto nito sa kanya. Bulong pa lang yun how much more kung hawak na sya nito sa kanyang mga bisig. Gosh, thinks she will die in shame after. Ang takbo ng kanyang isipan.
'Para syang temptator brute! Hmmmp! Ang inis nyang sabi sabay higpit ng kapit sa tuhod ni Marla. Nang tiningnan sya nito ng may pang-uusig.
"Anung sabi mo Sabrina? "Ang tanong nitong tinaasan sya ng kilay. Kumibot-kibot kasi ang bibig nya na di nakaligtas rito.
"Wala. Sabi ko damihan mo pa para magkaron ka ng maraming muscles sa tyan!"ang pang -iiba nya ng topic nila.
"Oyy, huh! Anung ibinulong sayo ni sir kanina? "Ang pan-iintriga nito. Nanunudyo pa ang mga tinging ipinupukol nito.
"Wala mga sabi, sabi nya lang hawakan daw kita maigi at baka mapaano ka pa!"ang may diing sabi nya rito. Saka binigyan ito ng pekeng tawa.
"Ayy! Concern si sir sa akin.! "Ang impit nitong tili. Di nya napigil na wag itong hampasin sa tuhod.
"Aray! Anu ba Sabrina? Physical assault na yan huh. Sumbong kita kay papa Dylan."malandi nitong wika.
"Pag-interesan ba nman si sir? "Ang napahalakhak na sabi nya sabay takip ng bunganga ng pagtingin nya sa gawi ng guro eh sa kanya pala nakatingin si Dylan. Parang napaso sya na agad nyang binawi ang mga tingin rito at itunuon na lamang kay Marla.
Naiintriga na sya sa kilos nito. Kapag nakatingin sya rito nahuhuli nyang napapatingin rin ito sa gawi nya.
Bakit kaya? Ang tanong nya sa sarili.
Nagagwapuhan lang nman sya sa face nito. Di kasi nakakasawang pagmasdan kaya di nya mapigilang titigan ito kapag nagle-lecture na ito. Minsan na rin sya nitong nahuling nakatingin rito. Tila gusto nyang matawa sa sarili. Tila nagiging stalker na sya nito.
"So what? Eh, nasa harapan sya natin eh, syempre sa kanya talaga dapat ako tumingin! "Ang pagpapayapa nya sa sarili isipan. Para ata syang baliw nakikipagdiskusyon sa kanyang sarili kung bakit nya napapansin ang Mr Suarez na yun.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon