CHAPTER 9

3.3K 61 1
                                    

Dumating ang oras ng last subject ni Sabrina. Nababagot na ang iba sa kanila kasi nman lampas twenty minutes na di pa rin dumarating ang teacher nila sa P.E. Friday at kalimitan sa mga classmates nya ay gigimik pa. Iyon ang freedom night kalimitan sa kanila at puunm-puno ang isang disco establishment na ang pangalan at Barrio Dos.
Di na rin nila kelangang magpalit ng damit kasi naka P.E uniform sila. Pwede ng igimik iyong get up nilang iyon. Wala namang dress code sa disco pub na iyon.
Si Marla di sinunod ang tabas ng uniform nila na pants sa P. E. straight cut ang pinagawa. Ang kay Sabrina di nya rin ginaya ang original na tabas, both leg nman ang napagtripan nya. Di rin nman sila nasisita sa loob ng campus so wla silang problem. Sila lang talagang night classes ang mga pasaway sa loob ng campus.
"Ayy naku! Wala na si sir kaya wala na ring klase .....!"ang biglang sabi ni Marla sabay tili ng malakas. Sila na lang din nman ang naiwang class doon kaya wala silang mabubulahaw na ibang klase.
Biglang napangiti ang mga classmates nya. Kasi nman iyong iba gusto ng makauwi. At ang iba nman ay gigimik kapag di nga sumipot ang kanilang professor mamaya.
"Classmates kung gusto nyo ng umuwi, uwi na tayo? "Ang anunsyo ni Rex sa kanila.
"Oo nga nman, lalamukin na tayo rito sa kakaantay kay sir. "Ang sabi nman ni Jerson.
"Tara videoki na lang tayo dyan sa may labasan guys! "Ang suwestyon ni Marla.
"Iyan ang magandang gawin! "Ang sang- ayon in Mark sabay tawa.
"So, let's go."ang yaya ni Matt sabay tayo at tinungo ang daan palabas.
"Hoy, lola Sabrina!tayo na dyan at kasama ka! "Sabi ni Marla sabay hila ng kamay nya.
"But kasama ako?"ang pakli nya rito.
"Para dalawa tayong girl! "Ang maharot nitong bulong sa kanya saka napatawa ng malandi.
"Ayy! Andyan nman si Jenet at Ann oh.. "ang sabi nya rito. Ayaw nyang sumama sa mga ito di nya trip magliwaliw.
"Ah basta gusto ko kasama ka. Tara kakantahan mo kami. Dali na! "Ang pamimilit nito sa kanya. Di pa ito nakuntento. Hinawakan sya nito sa kamay sabay hila palabas ng room.
Kakaunti na lamang silang naiwan sa labas iyong iba ay nakauwi na.
Nang malapit na sila sa gate nagulat sila ng makasalubong nila si Dylan Suarez na papasok sa main gate.
"Where are you going class? "Ang nakamatang tanong nito sa kanila. Nagtatanong ang mga tanong nitong nakamasid sa kanilang mga mukha. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
"Ah eh dyan sa labasan sir. Umuwi na po kasi iyong iba at kami na lang ang naiwan rito. So, naisipan na rin nming umuwi.. Sino pa po tuturuan nyo eh nalate ka't nabagot iyong klase nyo kaya umalis na. "Ang mahabang litanya nito sa Prof nila. Nakatayo lamang si Sabrina sa tabi ni Marla at nakikinig sa mga litanya nito sa kanilang professor na manghang nakikinig kay Marla. May ngiting sumilay sa mga labi nito pagkatapos itong sabihan ng baklita nyang kaibigan.
"Uuwi na ba talaga kayo? "Ang muli nitong tanong sabay tingin kay Sabrina. Parang di ito naniniwala na diretso silang uuwing dalawa.
"Ayy di pa nman sir. Actually hinintay kami ng iba nming classmates dyan po sa videoki bar sa labasan."ang sabi ni Marla. Binigyan ng prettiest smile nito ang lalaki.
"At magvivideoki kayo kasama si Sabrina? "Ang tanong uli nito sabay titig sa kanyang mga mata. Napapansin nyang di sya nito nilulubaya ng dumating ito at kinausap sila.
Napayuko syang bigla, di nya masalubong ang mga titig nitong nagpapaasiwa sa kanya. Ayaw nyang salubungin ang mga titig nito at baka may mabasa itong emosyon at bigyan nito ng ibang pakahulugan. Para syang nilalamig sa bawat titig nito sa kanya. Nuot hanggang buto. At lalong di sya mapakaling nakatayo sa harap nito kapag di nito inalis ang pagkakatitig sa kanya.
"OK. I'll go with you. Am late because I just came back from my hometown. "Ang paliwanag nito habang nakaagapay sa paglalakad nila. Hinila na kasi sya ng bakla paalis roon. Muntikan na nga syang mapatid ng sariling paa kung di sya mahigpit na hinawakan ng bakla.
Pagpasok nila sa bar. Nagulat ang mga classmates nyang nauna ng dumating roon pagkakita kung sino ang kasunod nilang pumasok sa loob. Biglang nataranta ang mga ito kung di nga lang inunahan ni Marla sa pagsasalita.
"Oh para namn kayong nakakita ng maligno. Si sir lang yan at syempre ang mga beautybabels ng night class!"sabi nito na nagpose pa at kumaway.
Napangiti si Sabrina sa ginawa ni Marla. Nagulat sya ng maramdaman nya ang pag-aalalay ni Dylan sa kanyang siko. Kaya napalingon sya rito.
"Come on. We find a seats. "Sabi nito na iginiya sya papasok at pinaupo sa bakanteng upuan na nahagilap nito.
Naupo rin ito sa kanyang tabi na nagdulot ng agam-agam sa kanya. Paano ba naman,
Kaharap nila ang iba pa nyang mga classmates na abala sa kasusulat ng song numbers. Anu na lamang ang iisipin ng mga ito tungkol sa pag-alalay nito sa kanya? Ani ng isipan nya na bigla nyang pinalis doon. Tahimik na lamang syang nakinig sa mga usapan ng kaklase nya.
"What do you want to drink? "Ang narinig nyang bulong nito sa kanya malapit sa tenga. Maingay ang loob ng bar kaya ibinulong nito ang sinasabi sa kanya na nagdulot ng kakaibang kiliti sa bandang tenga kasi nga humahampas ang mainit nitong hininga malapit sa kanyang batok at nagdudulot iyon ng kiliti. Ticklish pa nman syang tao.
Pinigil na lamang nyang wag humulagpos ang kanyang singhap. Kagat-labi syang sumagot rito.
"Ah kung anu po iyong sa kanila ganun na rin po sa akin. "Kimi nyang sabi rito. Di nya ito nilingon dahil napakalit nito sa kanya. Naabsorb nya na nga ang init ng katawan nito.
"Guys! What do you want to drink? My treat! "Ang nakangiti nitong saad sa kanyang mga kaklase.
"Yey! Yan ang gusto nmin sayo sir eh. "Ang masayang wika ni Jerson.
Umurder sila ng apat na red horse na one liter saka peanut ang ginawa nilang pulutan. Iyong iba bumili ng junk foods sa labasan kasi walang pabili doon. Mabuti na lang at di nman sila sinita ng management.
Sya ang unang binigyan ni Dylan ng glass para salinan.
"San mig light na lamang sa mga girls para kaunti lang ang epekto sa kanila. "Sabi nito na kinambatan ang waiter saka umurder.
Nang dumating ang lights drink for girls pinagbukas sya nito ng isang bote at sinalinan sya sa baso.
First time ni Sabrina sasabak ng inuman. Although tumitikim sya ng alak minsan but iyong may lime lamang.
Kinuha nya ang baso na may alak at dinala sa labi sabay lagok ng kaunti. Halos masamid at mapaubo sya sa pait niyon. Tila pa sya kinilig sa epekto noon sa kanyang lalamunan ganun sya kapag bago at di gusto ng kanyang palate ang lasa.
Agad nmang syang dinaluhan ni Dylan sabay tapik ng kanyang likod at hinimas himas iyon para bumuti ang kanyang pakiramdam. Napahigit nya ang kanyang hininga at nanigas sa kanyang kinauupuan sa epekto ng haplos nito. Lalo pa ng nilapit nito ang mukha sa kanya at niyuko sya.
"Bitter taste right? Put some ice on it. "Ang sabi nito sabay lagay ng ice sa baso nya saka nito sinalinan uli ng alak. Ito na mismo ang gumawa noon para sa kanya.
"Thanks! "Ang tangi nyang nasabi rito saka tipid itong nginitian.
"I'll choose a song for you. "Ang sabi nito pagkadaka saka binuklat ang song book na nasa harapan na pala nito. Nag-kakasayahan na ang kanyang mga kaklase sa pagkanta.
"No! Am not going to sing. "Tutol nyang sabi rito.
Napatingin sya sa mga classmates nya na sanay makipag-inuman. Di na sila napapansin kasi busy sa pagkanta at pagkukwentuhan.
Tanging si Dylan lang ang kausap nya. Feeling nya tuloy magkasintahan silang dalawa at magkasamang nagdate sa bar. Gusto nyang sakalin ang sariling isipan.
"Mind shut up. Kakainis ka! Wag kang mag-isip ng iba pa. Di kami talo, student nya ako at teacher ko sya. Period. Yun lang!"ang sita nya sa isip. Lukot ang kanyang mukha.
Ayaw nyang iintertain ang laman ng utak nya. Baka makagawa sya nga kasalanan. Nagulat pa sya ng biglang magsalita ang kanyang katabi. Mabuti na lang at di sya nito napansing nag-space out sandali.
"Ilang taon ka na Sabrina..? "Ang medyo may kahinaang bulong ni Dylan malapit sa punong tenga nya. Tipsy na ito kaya namumungay ang mga mata ng titigan nya.
"Huh? 18 sir. "Ang pabigla nyang naisagot.
"Hmmm sweet 18 "sabi nito saka sinalinan ng alak ang baso nya.
Maya maya pinasa ng classmate nyang si mark ang mic kay Dylan.
Ito na pala ang aawit. Just once pa ang napili nitong kantahin.
Nang magstart na itong umawit di akalain ni Sabrina na maganda pala talaga ang voice nito. Nabighani syang lalo nito dahil sa kanya ito nakatingin habang umaawit na lalong nagpalundag ng kanyang puso.
Tinitigan sya nito habang kumakanta at sya ay nakatitig din rito. Para bang na bato-balani sya rito habang kumakanta ito na ikinasiya ni Dylan.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Where stories live. Discover now