CHAPTER 22

2.1K 42 0
                                    

Second semester enrollment day ng university. Kaya maagang gumayak papunta ng school si Sabrina para magpa enroll sa day classes. Kasama nya si Candy. Maagang na comply ni Sabrina ang kelangan sa enrollment nya ng araw na iyon. Si Candy di pa complete lahat ng requirements nito. May kulang pa sa papers nya kaya ito na lamang ang bumalik sa school.
After one week pasukan na nila. Magkaiba sila ng section ni Cindy but still roommate nya pa rin ito.
Nanibago sya sa bagong mga classmates. Kanya kanyang group of friends ang mga ito tapos di pa approachable.
Kinagabihan nasabi nya kay Candy. Ganun din pala sa section na napuntahan nito. Iba daw ang ugali ng day classes. Snob at kanya kanya. Di daw marunong magshare ng ideas di gaya sa night classes. Kung sinong mayroon babahagihan lahat .
Kapag may assignment sya na nasagutan kinukopya ng mga classmates nya or pa photocopy ito.
Kelangan nya lang talaga makapag adjust sa bagong mga classmates. Na syang ginawa nya para pakibagayan ang mga ito.
Di nya na masyadong nakikita si Dylan sa school kasi day class na sya. At ito still sa night classes pa rin nagtuturo. Mayron din nman itong class sa day but sa ibang courses na.
Minsan na rin silang magkatext kasi busy sya sa major subjects nya. Medyo pahirap ng pahirap ang kanyang mga subject kaya pukos muna sya sa lesson.
Nang minsang mapag utusan sya ng P.E teacher nya na kunin iyong maliit na cassette sa P.E office di nya akalain mararatnan doon si Dylan. Kasi napakaaga pa noon.
"Hi! How are you? "Ang sabi nito ng makita syang pumasok sa office.
"A-am fine.... "ang bigla nyang naisagot rito ng mabawi ang pagkagulat.
"It's been a long time since we saw each other. "Nakangiti nitong wika sa kanya.
"Oh yes. "Ang tipid nyang wika rito.
"What you want? "Ang tanong nito ng mahalatang di sya at ease.
"Err..I want to borrow the small cassette sir. Mr Ruiz ask me to take it. "Ang wika nya rito.
"Oh. It's there behind the back of the cabinet. "Tugon nito.
Walang salitang tinungo nya ang sinabi nitong kinaroroonan ng bagay. Di nya alam sinundan sya nito roon.
Nagulat sya ng bigla na lamang sya nitong hawakan sa isang kamay saka hinila sa bandang likuran ng office.
"Wait Dylan saan mo ba ako dadalhin. "Ang sabi nya rito habang hilahila nito.
"Just for a moment sab. "Sabi nito na huminto saka sya hinapit at hinalikan ng mariin sa mga labi. Nagulat man sa halik na iyon ngunit tinugon nya pa rin ng walang pag-alinlangan. Naghinang ang kanilang mga labi ng ilang minuto hanggang makarinig sila ng boses babae sa labas ng office tinatawag ang name ni Dylan.
Agad syang kumuwala sa yakap at halik nito saka nagpatiunang lumakad palabas ngunit maagap syang nahila ni Dylan sa kamay pabalik sa kinatatayuan nito.
"What? "Ang mahina nyang tanong rito.
"Come to my apartment Sab. I miss you. "Ani nito na di napagilang kintalan uli sya ng halik.
"Dylan someone outside and she might saw us!"gigil nyang wika.
"Alright you go first and I'll come out afterwards. "Saad nito na binitiwan sya.
Nagmadali syang kunin iyong kelangan saka lumabas ng office. Nakita nyang nakatayo sa labas iyong babaeng tinutukso kay Dylan noon sa resort.
Tiningnan lang din sya nito. Maya maya lumabas si Dylan at tinanong ito kung anong kelangan.
Di nya na narinig kung anong sinagot ng girl dito kasi malayo na sya.
Medyo nahirapan sya sa situation nila ni Dylan. Kahit gustuhin nyang makasama ito di nya magawa kasi di magtugma ang schedule nila. Hanggang tingin na lamang sa malayo ang magagawa nya kasi baka may makahalata kapag may nakapansin sa mga kaklase nya.
Makalipas ang maraming buwan na hangang text and call na lang ang communication nila ni Dylan. Hanggang isang araw pumunta sya sa apartment nito dahil may kukunin sya doon. Nasabi nya na iyon kay Dylan ng magkausap sila sa phone.
Nang marating ang apartment nito agad syang bumaba ng sasakyan matapos bayaran iyon. Nagmamadali syang makabalik uli sa dorm kasi need nyang matapos ang lahat ng requirements ng major subjects nya. Next week final examination na nila.
Nakita nyang bukas ang gate kaya pumasok sya agad. Bukas din ang apartment nito so walang sabi sabing pumasok sya.
Wala si Dylan sa sala. Wala rin sa kitchen kaya last nyang tinungo ang room nito.
"Sir Dylan? "Ang sabi nya at marahang kinatok ang pinto. Nang walang sumagot kinatok nya uli baka nakatulog lang.
"W-wait Sabrina. "Ang paanas nitong wika.
Nagtaka sya bakit matagal nitong buksan ang door.
"Sir I need the book now. I'm in a hurry to take it. Can you please open the door and give it to me now. You did promise to let me borrow it before. "Ang kalmadong sabi nya kahit naggagalaita sya sa yamot dito. Matagal syang naghintay sa labas saka bumukas ang pinto.
Pumasok sya agad at bigla ring napahinto kasi nakita nyang may babaeng nakaupo sa gitna ng kama nito. Kilala nya dahil ito ang babaeng kaklase nya sa night class noon. Si Janice.
Anung ginagawa nya rito sa bahay ni Dylan? Base on their looks and her observation di lang basta naupo para makipagkwentuhan doon si Janice kundi may nangyari sa kanila ni dylan.
Si Dylan wala pang suot na T-shirt at si Janice mukhang kakaayos lang ng sarili nitong kasuotan.
Kaya pala matagal bago nabuksan ni Dylan ang pintuan kasi busy ito. Ang mga isiping iyon ang naglalaro sa diwa ni Sabrina.
"Here Sab. Just keep it with you. "Ang pormal na wika ni Dylan sa kanya. Di ito makatingin sa kanya ng diretsahan ng tumitig sya sa mukha nito.
"Ok thanks sir. "Ang may diing wika nya saka tumalikod na palabas roon.
Nagmamadali syang makalabas ng bahay nito. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa kaalamang pinagsabay sya at si Janice ng lalaki. Ang tanga tanga nya sa isiping nakaya nya itong pagtiwalaan ng kanyang buong pagkatao.
"I hate you Dylan! Shit! I really hate you!! Go to hell with your new toy! "Ang inis nyang sambit habang naglalakad palabas ng gate.
Pinigilan nyang wag mapaiyak sa sobrang galit nya sa lalaki. Para syang natutunaw na kandila sa natuklasan. But never nyang kokomprontahin si Dylan dahil kahit anong gawin nya never iyong aamin sa kanya.
Maya maya narinig nyang may tumatawag sa pangalan nya. Si Janice pala sumunod sa kanya.
"Sabay na tayo Sabrina. "Sabi nito ng kaswal tila walang nangyaring kababalaghan sa pagitan nito at ni Dylan. Tumayo ito sa tabi nya habang hinihintay nilang dalawa na may dumaan na sasakyan.
"Alam mo ang hirap humanap ng pera ngayon "ang narinig nyang sabi nito.
Napabaling sya rito bigla ng tingin dahil tila may laman ang sinabi nito sa kanya.
"Anung sabi mo, mahirap kitain ang pero ngayon, bakit?"ang tanong nya kahit mayron na syang clue sa sinabi nito. So she only used her body just to earn a sum of money huh. Ang susog ng isipan nya.
Parang gusto nyang sumbatan ito pero kinalma nya ang sarili. Ayaw nyang pababain ang level ng pagkatao nya dahil lang kay Dylan. Never syang makikipagsabunutan dahil lamang sa isang lalaking walang kwenta!
Wala syang kibo habang daan. Now she can't think properly. Her mind is at mess right now. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Di nya matanggap na Dylan cheated on her. And the painful part is she knows who it is.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin