CHAPTER 23

2.1K 51 0
                                    

Nakarating si Sabrina sa dorm na parang nasa alapaap sya. Di nya lubos maisip na mangyayari ang ganoon sa kanya. Her first love, first kiss, first heartaches. Her first experience in Everything. She gave herself only to him. She's been devoted to him. She never entertain any suitors though they're not married like him. But what happened to her now loving a married man is hard to think. She committed a sin not only to his wife but also to the one who's watching her from above.
Pero pinasinungalingan nya ang kanyang sarili. Pilit nyang isinantabi ang natitirang konsensya ng mga oras na nagdidebate ang kanyang isipan kung susundin nya nga ba ang tama or ipagpapatuloy ang maling pasya nya sa kanyang sarili.
"Baka nagkakamali lang ako ng iniisip kanina sa aking nakita sa apartment nito. Baka wala talaga silang relasyong dalawa. Nagselos lang ako ng makita roon si Janice. Ngunit sa ibang banda bakit naglock ang mga ito sa silid ng lalaki kung wala ang mga ito relasyon?"Ang sabi nya na may pagtataka sa kanyang sarili.
Pilit winaglit ni Sabrina ang isiping iyon. Ayaw nyang magkaroon ng anumang pangit na isipin sa kanyang utak.
"Oh Sabrina, bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa sa paningin ko? "Ang nakangiting wika ni Candy ng makita syang pumasok ng silid nila.
"H-huh? Ah wala pagod lang ako. Sige matutulog muna ako saglit. "Ang nautal nyang wika sabay iwas ng tingin sa kaibigan. Ayaw nyang may mabasa ito na anumang emosyon sa kanyang mukha.
Di sya nakatulog ng gabing iyon. Di nya mawaglit waglit ang nakitang tagpo sa apartment ni Dylan. Kahit kelangan nyang magreview sa exam di nya ginawa. Bothered sya sa nakita di rin nman sya nakatulog. Nakatingin lang sya sa kisame ng room nila. Naglalaro sa kanyang balintataw ang masayang mukha ni Dylan. Bigla syang nakadama ng pangungulila rito. Pero sinaway nyang sarili. Kelangan nyang malaman kong may relasyon nga si Dylan at Janice.
Kinabukasan last day na ng signing of clearance nila. Nasa isang room sila nakalinya kasi nandun ang secretary ng department nila.
Nakita nya si Johnny ang baklitang kaklase nya sa night class dati. Nakangiti nya itong kinausap.
"Hello Johnny, papapirma ka rin ba ng clearance mo? "Ang nakangiti nyang wika rito.
"Nope. Di sa akin itong papipirmahan ko kundi kay Janice. Ayun oh nakaupo malapit sa stage. Ako ang ginawang alila ng gagang iyan!"Tugon nito na nakanguso sa direction ni Janice. May pagkairita sa mukha ng dating kaklase ng tapunan ng tingin si Janice.
Sinundan nya ang inginuso nito. Prenteng Nakaupo nga si Janice doon sa gilid ng stage.
"Bakit ikaw ang nagpapasign wala ba syang kamay para gawin iyon sa sarili nya? "Ang nakakunot noong tanong nya rito.
Di na ito nakasagot kasi kay Janice na pala ang tinitingnan ng secretary if may fines or wala.
"300 pesos ang multa sa di pag-atend ng activities. "Ang pormal na sabi ng secretary kay Johnny.
"Ok. Wait lang ganda at kukuha ako ng pambayad sa may-ari nito. "Sabi nito saka nilinga si Janice at sumigaw.
"Hoy Janice may multa ka rito 300 pesos! Dali akin na ang pambayad at ng matapos na ako rito sa kakapila noh!"ang maktol nitong sabi sa babae.
"Sabihin mo yan kay Dylan. Sya pagbayarin mo! "Ang nayamot nitong sagot din ng dalaga sa lalaki. Napatanga nman sya sa narinig na sagot ng babae rito. Anu raw si Dylan ang papagbayarin nito ng fines na ito ang may gawa? Ang demanding nya huh! Bakit nya ba kukunsumihin ang sariling isip kung papagbayarin nga nito ang lalaki. Wala na silang dalawa kaya wala na rin syang pakialam sa lalaki. Galit na sita ng isang bahagi ng isipan nya.
"Talaga nman oh. Ako pang magsasabi kay sir eh sya nga dapat ang kumausap sa lover nito!. Halika Sab, samahan mo ako hanapin natin si sir Dylan ng prinsesang si Janice na yan at baka biglang magwala ang lokaloka rito. Madamay pa tayo ng wala sa oras!. "Ang yaya nito sa kanya. Hinila sya sa kamay at di hinayaang makapagprotesta pa. Tatanggi pa sana syang sumama rito ngunit kaladkad na sya ng lalaki papunta sa kinaroroonan ni Dylan. Bigla syang nakadama ng matinding kabog ng dibdib. Anu bang nangyayari sa kanya. Dapat nga magalit sya ng pagkalaki laki rito dahil sa pinagpalit sya nito sa ibang babae. Tapos ang traidor nyang puso biglang nakadama ng excitement. Eh kung madukot kaya kita dyan pusa ka! Tumigil tigil ka sa kakakarengkeng mo dyan huh! Galit nyang sikmat sa sariling isip habang daan.
"Ayy ayaw ko nga! "Ang matigas nyang tanggi rito na biglang huminto sa paglakad at hinarap ito.
"Bakit ba si sir papagbayarin nya? "Ang curious nyang tanong. Mataman nya itong tinitigan ng seryoso sa mata.
"Ssshh! Wag kang maingay huh. M-may relasyon kasi silang dalawa ni Janice. Palaging nasa house ni sir si Janice. Nanonood sila ng porn video before magsex! You know.."Ang walang pakundangang sabi nito sa kanya.
Nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa narinig para syang pinalo ng pagkalakas lakas sa ulo na parang mabubuway sya sa pagkakatindig ng mga sandaling iyon. Napakapit sya sa isang puno na malapit lang sa kinatatayuan nya. Habol ang hiningang natutop nya ang dibdib. Wala syang lakas na gumalaw or lumakad man lang.
Di sya makapaniwala sa mga sinabi nito. Ngayon talagang di nya na maloloko pa ang sarili at isiping nagkamali sya ng akala dahil sinampal na mismo ito ng kaibigan ni Janice sa kanya ang katutuhanang iyon.
Nang makabawi ng pagkabigla at ang lakas nya at bumalik, nagpasya syang bumalik uli sa classroom na kinaroroonan ng secretary na pipirma para matapos ng ma-sign-an ang clearance nya. Iyon na lamang ang wala pang sign ang secretary slot sa clearance nya. Iniwanan nya ang nagtatakang kaibigan kung bakit umiba ang pinta ng mukha nya biglang naging seryoso at naging galit.
Tumayo sya sa may bukana ng room. Di sya makapasok sa loob kasi marami pa ring students sa loob na gustong magpapirma.
Inis syang napalingun ng may tumutulak sa kanya papasok sa loob. Ang init na nga gigitgitin pa sya ng nasa likuran nya. Tila gusto nyang tusukin ang mata ng taong gumigitgit sa kanya ng sandaling iyon. Wala sya sa tamang huwisyo para maging mabait. Inis at nayayamot sya ng oras na iyon at ayaw nyang ibunton iyon sa sinumang gagalit sa kanya.
"Sino bang masipag na gumigitgit sa akin-"ang panimulang wika nya na di na natapos pa ang karugtog ng sasabihin dahil si Dylan pala ang gumigitgit sa kanyang likuran.
Halos wala ng pagitan sa kanilang dalawa. Napalapit nito sa kanya halos magkalapt na nga ang katawan nilang dalawa. Nakita nya sa likuran nito si Janice nakatayo. Dalawang students ang pagitan nila. Nakangiti ang lalaki sa kanya ng malingunan nya ngunit patay malisya sya rito.
Sinimangutan nya ito saka inirapan bago ibinalik ang tingin sa unahan nya. Pero talagang ginitgit sya uli ng lalaki gaining her full attention. Para na ngang nakayakap na ito sa likurang bahagi ng katawan nya. At pinangigilan nya iyon sa inis!
"Stop it! Will you"ang gigil nyang wika na tanging silang dalawa lamang ang nakakarinig. Blanko ang kanyang mukha ng tapunan ito ng tingin.
"What? Am not doing anything. "Ang nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya. Pretending nothing's happen between them? God! He's infuriating! Inis nyang sigaw sa isipan.
Inis nyang ibinigay ang clearance sa isang kaklase at inis na inapakan ang sapatos nito ng pasimple lamang. Kunyari di nya iyon sinadyang gawin. Kahit man lang sa paraang iyon makaganti sya ng kaunti manlolokong hudyong unggoy na iyon!.
Nakanguso lang itong hinabol sya ng tingin habang papalayo rito.
Kinagabihan inaya nya si Candy para pumunta sa bar. 6 pm pa lang naandun na silang dalawa. sila ang unang customer ng bar.
"But ang aga natin rito. "Maktol ni Candy sa kanya.
"Para walang makakita. At kapag dumami ng customer tapos na tayong uminom. "Ang sabi nya rito.
"Hmmmp! Sige na nga. But ba tayo umiinom malapit ng exam dapat magreview tayo. "Ang tanong nito na pinakunot pa ang noo.
"Wala lang type ko lang magpakalasing ngayon. "Sabi nya na mabilis sinalinan ng lights ang mga baso nila.
Di nya mapigil ang. sarili Na wag magpakalasing. Sobrang sakit ang kanyang naramdam sa kanyang nalaman ngayong araw.
Di nya iyon matanggap sa sarili. Para syang isang precious glass na biglang inihulog at nagkapira piraso. Di nya alam paano dadamputin ang sarili para maibalik muli. Si Dylan na ang naging mundo nya simula ng inamin nya sa kanyang sarili mahal na mahal nya ito.
Di nya lang akalain na sasaktan sya nito. Alam nyang wala syang karapatang sumbatan or magselos or kahit ang magalit dahil isa lang syang kabit. Pero di nya mapigil ang makadama ng selos kay Janice dahil ito ng bagong apple of the eye ni Dylan.
Iniyakan ni Sabrina si Dylan kinagabihan iniyakan ang sinapit ng love life nya.
"Bakit ikaw pa dylan ang lalaking minahal ko. Marami nman akong suitors bakit sayo pa tumibok at nainlove ng sobra ang puso ko! I hate you Dylan. I hateee youuu! "Ang sabi nya sabay napahagulhol. Di sya natulog sa dorm nila. Umuwi sya sa house ng sister nya para mapag-isa.
Hindi sya nakatulog Iyak lang sya ng iyak. Mugto ang kanyang mga mata. Buti na lang at weekend walang pasok. Walang makakapuna ng mugtong mata nya.
Sumunod na week halos bumagsak sya sa kanyang examination sa math at English subject. Kahit anung pilit nyang magstudy walang pumasok sa kanyang utak. Tanging si Dylan ang laman niyon. Di nya maintindihan ang sarili. Di nya pala kayang eh handle ang kanyang love life. Di sya makakain dahil nawala ang kanyang gana. Di rin sya makatulog dahil nasa isipan nya plagi si Dylan. Nawala ang lahat ng interest nya sa maraming bagay .naging tahimik sya sa school kahit sya ang pinakamadaldal doon. ganon pala ang mararamdaman kapag nainlove ka ng totohanan at sinaktan ng sobra. Guguho ang mundo mo bigla.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora