CHAPTER 10

3.3K 63 1
                                    


It's Monday. At meron activities sa school campus nina Sabrina kaya silang walang klase dahil late na natapos iyon.
So, patambay-tambay muna silang mga night classes hangga't pwede na silang makalabas ng gate. Sarado kasi iyon,di nagpapalabas ang guard na bantay roon. Not allowed ang mga students na lumabas unless may valid reason kung bakit kelangan nilang lumabas.
Past eight na at nasa loob pa rin sya ng campus, nakikiumpukan sa ibang school mates nya. Friends ng mga classmates nya mostly ang mga ito. Iba din ang mga courses nila ngunit kilala ng mga kaklase nya. Iyong iba ay dahil sa mga organization na kasapi ng mga kaklase nya kaya nakatambay ang mga ito sa harap ng campus.
Organization sa isang church ang nakaumbukan nya at kasali doon ang kanyang friend. Nakiumpok lamang sya para may kasama sya. Wala syang plano na sumapi kasi ala syang time para doon. Di nya kasi alam kung may sisipot sa mga subject teachers nya sa gabing iyon kaya sya nakaantabay kahit mostly sa kanyang mga kaklase ay nakauwi na.
Maya maya nag-vibrate ang phone nya. Lumang model pa iyon. Pero iyon ang sikat na phone sa school nila. May antenna kasi ito. At ang casing ay pawang mga cartoon character na paborito ni Sabrina.
Agad nyang kinuha sa bulsa ng skirt nya ang cellphone. Baka sister nya ang nagtetext. Pero ng buksan nya iyon unregistered number ang nakita nya.
Dahil curious agad nyang binuksan at binasa ang message nito.
"Hello Sabrina. Where are you now? "Ang sabi ng unknown sender. Napataas ang kanyang kilay matapos basahin ang mensahe ng unknown number sa kanya.
"Who is this please? "Ang replied nya dito na di nag-abalang sagutin ang tanong nito. Bigla syang nakadama ng malakas na tambol sa kanyang dibdib ng muli itong nagtext back sa kanya.
"This is Dylan. Am here outside the campus. I want to talk to you. Can you go out and see me here? I'll wait you in one of the bar here outside. "Ang agad na sagot nito sa text nya.
Napasinghap si Sabrina ng mabasa ang reply ng unknown sender. Lakas ng pintig ng puso nya at nakakabingi ang sobrang lakas ng tambol ng kanyang dibdib.
Saka para syang nag -jell-o na nawalan ng lakas ng mapagtantong si Dylan ang kanyang unknown sender.
Di sya mapakali sa kanyang kinalalagyan at di nya rin malaman kong anu ang gagawin nya. Di pa nya ito narereplayan. Nsgdadalawang isip pa sya sa kanyang maaaring gawin.Napasulyap sya sa may gate saka sinulyapan nya rin ang kaibigang si Candy na nakikipag-usap sa ibang kaibigan nito. Nalilito sya na kinakabahan. Excitement ang umaapaw sa dibdib nya. Iyong feeling na para syang nakuryente at may dumaloy na kuryente sa sistema nya. At nararamdaman nya na may tila parang may lumilipad na paru-paro sa loob ng kanyang tyan. Akala nya sa books lang iyon nangyayari pero tutuo pala talaga iyon dahil na experience nya na.
Nalilito sya,di nya malaman ang kamang desisyon na gagawin. Sabi ng isang bahagi ng isip nya labasin si Dylan. Ngunit iyong isang bahagi nman ng isip nya ay nagsasabinv dapat hindi nya pagbigyan ito. Pero nanaig pa rin ang sigaw ng puso nya. Kaya kahit alam nyang mali ang gagawin. Sinunod nya ang silly mind at heart nya para makipagkita kay Dylan.
Naalala nya na, hiningi pala nito ang kanyang number ng minsang nagkasama sila sa bar. Nawaglit lang iyon sa isip nya.
Nanginginig at kabado syang naglakad patungo sa sinabi nito ng replayan nya dito bago labasin. Palingon-lingon pa sya habang naglalakad.
Para syang magnanakaw na pumuslit. Agaran nyang nakita ito sa labas ng bar na matiyaga syang hinintay.
"I thought you change your mind and won't come here. "Sabi nito ng salubungin sya sa labas ng bar.
Inalalayayan sya nito papasok sa bar saka humanap ng medyo kubling table para sa kanilang dalawa.
"Bakit nakasuot ka ng uniform? "Ang nakakunot noo nitong sabi ng mapansin ang suot nya.
"Huh? Eh kasi nasa school ako diba. Di pa ako nakauwi sa dorm. "Ang nakanguso nyang sabi rito na ikinangiti nito.
"Para ka nmang bata kung makareact dyan. Kasi di magandang tingnan oh na ang kadate ko school girl pa pala. "Ani nito na tinitigan sya ng maigi saka nginitian ng matamis. Napasimangot sya rito saka nagsalita.
"OK. I'll go and change ."sabi nya sabay tayo para aalis na sana ngunit pinigilan sya ni Dylan. Kaya napatingin sya rito.
"Make it fast. "Ang utos nito sabay nguso ng halik sa kanya.
"Be considerate mister! Medyo may kalayuan ang dorm rito. "Ang sabi nya na di napigilang mapapadyak at wag pakunutin ang noo nya.
Dahil doon hinila sya ni Dylan paupong muli sa tabi nito. At tinitigan sya sa mga mata. Di na maipinta ang kanyang mukha dahil sa inis rito. Masyado nman ata itong demanding ngunit di nya iyon isinatinig pa.
"You're cute when you're starting to piss off. "Sabi nito na iniangat pang mukha nya para magtama ang kanilang mga mata.
Napatitig sya sa matiim nitong mga mata. May nabasa syang pagtangi?Kaya ng bigla nitong binaba ang mga labi sa kanyang labi di sya agad nakahuma. Dumampi iyon sa labi nya ng bahagya. Shock syang napatitig rito. Di na ata kumurap ang kanyang eyes lashes sa kaharap na lalaki.
"I'm right. Your lips, tastes sweet. And I like your lips when it attached to mine. Soft and lusty.."Ang mahina nitong bulong sa kanya na nagpapula sa kanyang pisngi. Di nya akalaing mahahalikan sya ni Dylan ng ganoon kabilis. Di man lang sya nakatutol rito. Na off guard sya sa bilis ng naginv kilos ng lalaki.
Dama nya kung ga ano kalambot ang labi ni Dylan. Tila sya na freeze sa kanyang kinauupuan ng maglapat ang kanilang mga labi. Nanigas sya sa tabi nito at di nakapagsalita. Nakamatang nakatitig lamang sa maamong mukha ng lalaki na may magandang ngiti na nakapagkit sa mga labi nito matapos nitong mapakawalan ang labi nya.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ