CHAPTER 12

3.1K 57 0
                                    

Kinaumagahan maaga syang hinatid ni Dylan sa labas ng kanyang dormitory.
" So am going now I don't want someone might see us. " sabi nya na akmang bababa na ng sasakyan nito ngunit maagap sya nitong napigil sa paglabas.
"What? "Ang napabaling nyang sabi rito ng napatitig sa mukha nito.
"Where's my goodbye kiss? "Ang nakanguso nitong hayag sa kanya. Pinatulis pa nito ang mga nguso. Napatawa sya bago nagsalita.
"You can't have it. "Maikli nyang pakli rito saka akmang tatalikuran ito ng pabigla sya nitong sinaklit sa bewang at walang sabi sabing kinuyumos ng makapugtong halik sa mga labi na kaagad nyang tinugon.
Medyo nagtagal ang halikan nilang dalawa bago naalala ni Sabrina kung nasaan sila. Pabigla nyang naitulak si Dylan sa dibdib para makawala sa pagkakahawak nito sa bewang nya.
"Stop it! "Ang naisatinig nya ng akmang kikintalan sya nito muli ng halik.
"Can't get enough of you Sabrina... "ang mahina nitong usal sa kanya. Alam nyang nag-iinit na ang pakiramdam nito. Ngunit di nya ito mapagbibigyan.
"Bye. "Sabi nya na nagmadaling lumabas ng sasakyan at maagap iyong isinara uli. Di sya lumingon rito hanggang sa tuluyang makapasok sya sa gate ng dormitory nila.
Tulog pa ang roommate nya. Kaya malaya syang nakapagmunimuni sa pangyayaring di nya akalaing magagawa nya.
Alam nyang bawal at di talaga dapat pero kapag pala inlove ka sa isang tao. Nawawala ang katinuan mo kapag kasama mo na ang lalaking tinatangi ng puso mo.
Napahugot sya ng malalim na buntong hininga. Para syang nananaginip lamang pero hindi eh. Dahil totoong nasa bisig sya ng lalaking mahal.
Pakiramdam nya isa sya sa mga character sa fairy tail na nabasa nya noon. Or sa mga love story ng pocket book na collection nya.
Napahiga sya sa sariling kama at napatitig sa kisame. Naglalaro sa balintataw nya ang mukha ni Dylan. Ang malambot nitong mga labi. Ang maamo nitong mukha. Ang perpektong hugis ng katawan nito.
"Hayyy nako..... ano bang nangyayari sa akin. Parang kakaibang Sabrina ang nakagawa ng ganoong bagay. Tila sinaniban ng kakaibang ispirito."Ang kausap nya sa kanyang sarili. Kahit sya di rin makapaniwalang magagawa nyang ibigay ang sarili sa taong may pamilya na.
Iyon ang mga bagay na kanyang pinagtatakhan hanggang sa makatulugan nya ito. Hindi sya nakatulog ng maayos kagabi matapos ang unang pagniig nila ni Dylan. Nanibago sya na may katabing matulog. Kahit anong pilit nyang makatulog iyong utak nya ayaw magpahinga.
Si Dylan ang himbing na ng tulog nito habang yakap sya. Samantalang sya dilat na dilat pa rin ang diwa. Sumakit tuloy ang kanyang ulo dahil sa walang pahinga. Hindi lang din isang beses syang inangkin ng lalaki. Dalawang ulit sya nitong inangkin kahit nga nagbleeding sya.
Nagising sya ng may yumugyog sa balikat nya.
"Sab, anung oras ka umuwi? "Ang tanong sa kanya ng kaibigan nya.
"Huh? "Ang pupungas pungas nyang sabi rito.
"Sabi ko anung oras ka pumasok rito. "Ang ulit nitong tanong sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkainis ng tila di rumehistro sa isip nya ang sinabi nito.
"Ah, mag-uumaga na eh "ang pasinungaling nyang saad rito. Di sya tumingin sa mukha nito baka kasi mahalata nitong nagsisinungaling sya. Umiwas syang makasalubong ang mga mata ng kaibigan nya. Matalas pa nman ang pandama nito at ayaw nyang uriratin sya nito kapag nagkataon.
"Oh.... okay. Go ahead. Go back to sleep na..til a ka pagod na pagod eh"Sabi nito na agad syang tinalikuran para pumasok sa banyo.
Napasunod na lamang ang tingin nya rito. Bigla syang nilukuban ng kaba. Alam kaya nito na nagsisinungaling lamang sya rito. May hinala kaya itong lalaki ang kasama nya buong magdamag? Iyong ang mga nagbigay ng gambala sa kanya hanggang sa hilanin uli sya ng antok at tuluyang makatulog ng mahimbing.
Past three in the afternoon na sya nakagising. Bigla syang napabalikwas ng bangon sa higaan ng tingnan ang time table nya.
Four 'o clock ang start ng klase nya kaya nagkukumahol syang inayos ang kanyang sarili saka kinuha ang mga gamit patungo sa school.
Mabilisan syang naglakad. Wala pang four pm narating nya ng classroom nila dahil sa bilis ng kilos at lakad nya patungo as university.
Kunti pa lamang ang mga kaklase nyang naroroon. Naalala nya four thirty pala ang start ng klase nya kasi Friday ngayon nawaglit sa isip nya iyon.
Dahil wala syang makausap sa mga naroong kaklase naisipan nyang lumabas ng silid aralan.
Nang papalapit na sya sa may pintuan ng classroom nila bigla syang napatago sa gilid ng door, kumubli sya sa side wall malapit sa pinto. Nakalapat ang isang palad sa dibdib dahil sa kabang nadarama. Malakas ang tambol ng kanyang dibdib ng masulyapan nya sa labas si Dylan. Nakaupo twenty feet away mula sa pintuan nila kaharap ng classroom. Talagang sinadya nitong doon umupo straight sa pintuan ng classroom. Para in case may lumabas doon kitang kita ninuman. Ang upuan nitk ay nakalagay sa lilim ng mayabong na puno sa harap ng school.
Tutop ang dibdib na napasandal sya sa wall malapit sa pinto. Mabilis ang paghugot nya ng hininga. Dahan dahang sinilip nya ito mula sa pinagkukublihan nya. Nakita nyang hawak na ng lalaki ang phone nito at pasulyap sulyap sa gawi ng pintuan nila. Bigla syang napabalik ng kubli sa wall na pinagkublihan nya.
"Hoy Sabrina! Anung ginagawa mo dyan? "Ang sita sa kanya ni Marla na nagpalundag sa kanya sa pagkagulat sa kaibigan ng madatnan sya nito sa gilid ng pintuan na nakasandal pa rin at tutop ang dibdib.
"Huh?! Ah wala, mainit kasi ang sinag ng araw kaya napasandal ako rito. Nagkukubli kay haring araw. Sakit sa balat eh."ang sabi nyang palusot rito. Napangiwi syang napangiti sa kaibigan. Umiwas ng tingin sa mata nito baka malaman nitong nagsisinungaling lamang sya rito.
Maya maya tumunog narinig nyang ang kanyang phone.
Medyo kabadong hinugot nya iyon sa bulsa ng kanyang uniform at binuksan nya kung sinong nagtext sa kanya. Napaawang ang kanyang labi at nanlaki ang kanyang mata ng mapagtanto kung sino ang nagsent sa kanya ng mensahe.
"I saw you. Why you didn't went out? Don't hide inside sweetheart."Ang mensahing nabasa nya galing kay Dylan.
Namula sya sa mensahi nito para sa kanya. Akala nya di sya nito nakita pero di pala nakalagpas sa matalas nitong mga mata ang akmang paglabas nya sana at sa muling pagpasok ng mabilisan sa loob.
Sinilip nya itong muli ng pagtingin nya sa gawi nito nagkasalubong ang kanilang mga mata at binigyan sya nito pilyong ngiti sa mga labi. Kinawayan pa sya nito na lalong nagpasikdo sa kanyang puso. Mabilis syang nagbaba at nagbawi ng tingin rito.
Napalingon tuloy sya sa kanyang paligid kung merong nakakita sa ginawa nito o nakapansin sa kanilang dalawa.
Di nya na ito nireplayan. Nahiya sya dito at hindi pa sya handang makaharap itong muli. Pero kagabi ang lakas ng loob nya ngayon parang umatras ang kanyang buntot pagkakita muli sa lalaki. Well ngayon lang sya nakadama ng matinding hiya rito dahil sa naangkin na sya nito ng buo.

THE YOUNG MISTRESS(COMPLETED)Where stories live. Discover now