03

40 9 12
                                    

03


"San daw hotel natin?" rinig kong bulungan nung mga empleyado sa likod ng van na to. 

Sa totoo lang, andami kong ginawang reservation para sa outing na to. Sakin kasi pinaayos ni Ms. Luna sakin. Sabi niya pa sakin na sa magandang hotel daw magpareserve para daw sulit sa mga employees. Napakagenerous naman pala. 

Hue Hotels and Resorts

Ito yung napili ko dahil sa mga reviews. May swimming pool, Spa, Gym,  Room Service, Free WiFi at lastly, may Bar. Ganda diba? 3 to 5 minutes daw ang lakad niya papuntang mismong beach. Depende nalang siguro sa lakad ng tao. Kung maarte sila pwede naman silang dun sa swimming pool nalang diba? 

Lahat ng room may flat-screen TVs, bathroom may bidet pa nga daw e. San ka pa? Dito ka na! Joke, di to sponsored. May free slippers yung room tas toiletries tsaka hairdryer. 

Base naman sa mga nakita kong pictures niya, maganda yung interior ng kwarto at maganda din pagkakadesign ng buong place. Big thumbs up sa Architect at Engineer. Puro Deluxe Room pala yung pinili ko para two beds at isang king bed. Kasi karamihan ng nandito couple, wala namang forever. Biro lang. 

"Sir. Leo, anong station po tayo?" tanong sakin nung employee na nasa likod ko. 

"Station 6" seryosong sagot ko.

"Ha?" nagtatakang tanong niya dahil nga tatlong station lang yung Boracay. "Station 6??" ulit niya sa sinabi ko. 

"Oo, yung presinto" sabi ko ulit ng seryoso. 

"Ah.." sabi niya na parang iniisip niya pa yung sinabi ko. "Ah! Hahaha!" fake na tawa niya. "Joke pala" rinig kong bulong niya. 

"Station 2" sagot ko nalang  ulit, mga walang humor. 

"Ampanget mo mag-joke, Kuya" bulong sakin ng katabi ko. Tinignan ko siya, napakunot noo ako dahil kapatid ko pala katabi ko. 

"Ikaw pala katabi ko?" tanong ko sakanya, para mapikon. 

"Kanina pa ko may kinukwento sayo kanina, di mo pala ako naririnig?" masungit na sabi niya. 

"Hindi" sagot ko ulit at hindi na siya pinansin at tinignan nalang ang iPad ko para sa mga kung anong gagawin pagdating dun sa hotel. 

"Argh, you're so annoying!" sabi niya sabay crossed arms. Tanda na nagccross arms pa din sabay pout? Napa-iling nalang ako sa mga kinikilos niya. 

* * *

"Here are the keys, pili nalang kayo kung anong gusto niyo. Lahat yan two beds at isang king bed, pili nalang din kayo kung sino gusto niyong kasama sa room." sabi ko sakanila at isa isa naman silang kumuha ng kanila. 

Bigla namang lumapit sakin si Jin. "Oh ikaw? Englishin ko pa ba para sayo, tol?" biro ko sakanya. Tumawa naman siya at umiling. 

"Pwede bang dalawa si Jane at Leila sa isang room tas tayong dalawa sa katabing room nila?" tanong niya sakin. Bigla kong naisip ang mangyayari kung sakaling magsama yung dalawang yun. 

"Gago wag." agad kong sabi pagtaos kong maisip ang mga pwedeng mangyari. 

"Huh?" nagtatakang sabi niya. Di niya maisip yung naiisip ko dahil fake si Leila pagdating sakanya. 

"Ayaw mo ba ma-solo si Jane?" tanong ko dahil pwede naman silang dalawa. 

"Dude, di papayag si Jane!" sabi niya gadd sakin. Ah, oo. Kahit ganon si Jane super conservative ng pamilya nun. 

"Sige, ikaw kumausap kay Leila kung payag." sabi ko sakanya dahil di naman nakikinig yung kapatid ko sakin, di ko nga alam kung ako ba yung kapatid o si Jin e. "Sabihan mo na din na magbehave, mas nakikinig sayo kesa sakin e." sabi ko sakanya sabay tapik sa braso siya at tsaka siya nilagpasan. 

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon