40

15 0 0
                                    

END



Andito na ko sa Park na sinasabi ni Soleil. Hindi ko alam bakit dito, kung saan paborito naming tambayan.

Anong pag-uusapan namin? Bakit gusto niya nang makipag-usap matapos ang nagdaang mga araw?

Kaninang ala syete pa ko nandito at hindi ko magawang magtext sakanya na nandito na ko ngayong alas nuebe na.

Naghintay pa ko ng ilang minuto pero walang dumadating kaya naman naglaro muna ako sa cellphone ko habang hinihintay siyang dumating.

Wala kong lakas ng loob para itext siya.

* * *

I was in the middle of playing CaféLand when I heard footsteps.

Napaangat ang tingin ko ng huminto yun isang metro ang layo sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero nang makita ko yung mata niya gusto ko siyang aluin. Mukhang ilang araw siyang nagpuyat.

Gusto kong lapitan siya at yakapin at sabihing okay lang lahat ng to. Na wala kaming problema, na hindi namin kailangang mag-usap sa kung ano mang gusto niyang pag-usapan.

"Leo.." umpisa niya at nanatili pa rin ako sa kinauupuan kong duyan.

Inangat ko ang kamay ko para hawakan niya yun at lumapit siya sakin pero umiling siya.

Nakita kong nangilid ang luha sa mata niya.

Baby, why are you crying?

"L-leo.." her voice broke just by saying my name again and the tears roll down through her cheeks.

Tumayo ako at humakbang ng isang beses papunta sakanya pero umiling siya at umatras.

"No.." she said.

"Why?" bakas sa boses ko ang pagkabigo.

"I-I'm sorry.." sambit niya at doon siya humagulgol.

"Wala kang kasalanan, you don't have to say you're sorry." sabi ko habang nakatingin sakanyang nakayuko habang isang metro pa din ang layo sa akin.

"No.." sabi niya sabay takip sa bibig niya dahil hindi niya na mapigilan ang paghikbi.

Inisang hakbang ko ang layo namin at niyakap ko siya. Natigil siya dahil sa biglaang ginawa ko pero nang makarecover sa ginawa ko ay tinulak niya.

"Leo.. No.. Please.." sabi niya sabay pilit pa din ang pag alis sa kamay ko.

"Baby, it's alright. We're okay." sabi ko sabay higpit ng yakap sakanya.

Why am I saying this? To make myself feel better?

Kahit saan mo naman tignan halata mo nang bibitaw na siya e. Iiwan na niya ko.

Halatang ako nalang yung nakahawak.

"Don't make this hard for us, Leo. Please" sabi niya at patuloy pa din sa pag-iyak at pagtulak sakin.

"No," sabi ko sabay hawak sa magkabilang balikat niya at hinarap siya sakin.

Nang magtama ang tingin namin ay tumulo ang luha ko nang makita ang gusto ng mata niya.

Damn.

Even her eyes scream that she don't want this anymore.

Tangina, bakit?

"Saan ako nagkulang?" my voice broke by the last word that came out of my mouth.

Umiling lang siya sakin.

"Leo, walang kulang." sabi niya sabay hawak sa pisnge ko. Hinawakan ko yun at tumingin sakanya.

"Then why?" tanong ko.

Kasi kung walang kulang, bakit? For almost four years. Hindi ito yung gusto kong makita sa mga mata niya.

In three years of courting all I wanted was to see happiness in her eyes whenever she looked at me. Pero bakit ngayon sobrang lungkot yung nakikita ko?

"Leo, you are more than enough." sabi niya habang patuloy pa din sa pag-agos ang luha niya kaya inalis ko ang mga luhang yun pero inalis niya yon at umiling siya.

"Baby, you know that it pains me just by looking you like this right? Stop crying, i love you." sabi ko pero mas lalo siyang umiyak nang marinig ang sinabi ko.

"I'm so sorry," sabi niya sabay hagulgol. "Let's st—" hindi ko siya pinatapos dahil agad ko siyang niyakap.

"No." sambit ko. "Soleil, wag namang ganto." sabi ko sabay bitaw sa yakap.

"Leo, I'm so sorry. Hindi ko na kaya." sabi niya sabay punas sa luha niya pero walang saysay yon dahil patuloy pa din sa pag-agos ang luha niya. "I don't want to hurt you more." sabi niya at umatras.

"You're not hurting me." sabi ko.

Umiling siya at ngumiti. "I knew you would say that." sabi niya at patuloy pa din sa pag-alis sa luha niya.

"But this is our end." sambit niya habang direktang nakatingin sakin.

"No, meron ka lang problema na hindi mo masabi sakin. Baby, I told you I would listen right? I'm all ears." sabi ko at humakbang papunta sakanya pero umatras lang siya.

Bakit ko ba siya pinipilit?

Leo, ayaw niya na. Tangina, makinig ka naman.

"Leo, tama na." sabi niya at malungkot na ngumiti sakin.

"Isang taon.." sabi ko sabay yuko.

"I'm sorry." sanbit niya pero umiling ako.

"You don't have to say you're sorry. Like what you said, don't say sorry when it's not even your fault in the first place. Wala kang kasalanan, Soleil." sabi ko.

Tumingin ako sakanya at umiling lang siya sakin.

"I failed to make you happy." sabi ko at mas lalo siyang umiyak at tinakpan ang bibig niya.

"If I let you go, can I make you happy?" tanong ko habang nakatingin pa din sakanya.

Tumango siya.

Damn, it stings.

Tumango din ako. Naglakad ako palapit sakanya at hindi siya umatras.

Niyakap ko siya, for the last time. Fuck.

This is the last time I'll get to hold her.

Yinakap niya ko pabalik at yun ang naging dahilan kung bakit naiyak ako. Tangina lalaki ako tapos umiiyak ako. Ano na lang sasabihin sakin ni Maximus?

"I love you, my eclipse." sabi ko sabay bitaw sa yakap at naglakad na paalis don at iniwan siyang nakatayo doon.

Tapos na.

From the start I only wished for her happiness and if letting her go will make her happy, kahit na masakit.

For her happiness, I'm willing.

Maybe being with a Sun and a Moon is prohibited. It burns you while giving you its light through darkness.

She's an eclipse that you can only have for not a long time. She's not made to stay. She's beautiful and that's that.

Hanggang dun nalang 'yon.

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon