06

37 8 9
                                    

06 


Tinignan ko ang oras sa cellphone ko pagtapos kong kumain ng breakfast kasama yung apat. 

07:36 

Binuksan ko yung cellphone ko patapos ay pinindot yung ginawa kong group chat sa mga sumama dito. 

Leo Blanco: Alis tayo ng 8. 

Pagtapos kong ichat yun ay pinatay ko na yung cellphone ko. 

"Aga naman ng 8." reklamo ni Jane na nasa harap namin. 

"Sunod ka nalang, maaga pala e." 

"Tse!" sabi niya sabay irap sakin at subo nung last bite sa dessert na kinuha niya. 

"Anong uunahin natin?" tanong ni Jin. 

"Reverse Bungy." sagot ko at sabay kaming napatingin ng nakakaloko kay Sam na tahimik na kumakain. 

"Wala na yung pusta." sagot niya sabay kain ulit. 

"Hinay sa pagkain, baka masuka mo lahat." pang aasar ko sakanya. 

"Pakyu." sagot niya na kinatawa namin Jin. 

Ganyan na agad siya kakomportable samin ni Jin. Parang nung kakadating lang namin puro siya Sir. 

"Tatlo kayo?" biglang singit ni Jane.

"Ha?" nagtatakang sabi ni Sam. 

"Three person lang kasi yon. I'm asking if tatlo kayo?" pag eexplain ni Jane. 

"Malamang." pambabara ko sakanya.

"Mama mo malamang."

"Mama kita e." 

"Kadiri ha." sabi niya sabay flip ng hair niya.

"Mas nakakadiri ka." 

"Says who?"

"Me." pagkasagot ko nun ay iniripan niya nalang ako dahil wala na siyang masabi. 

"It's already 8." sabay sabay naman kaming napatingin sa mga cellphone namin ng sabihin yun ni Leila. 

"Tara na." sabi ko sabay tayo dala dala yung cellphone ko. 

Sumunod naman silaang apat sakin palabs ng hotel. 

Pagkalabas namin ay inantay pa namin yung iba dahil late yata nagising. May mga pasimpleng nag-inom yata kagabi. 

8:15 kami nakaalis sa hotel at naglakad na papunta dun sa Reverse Bungy. 

"Putangina." dahil tahimik kaming lahat ay narinig namin yung nagmura. Napalingon kaming lahat sakanya habang siya ay nakatingin dun sa nauna samin. "Sir, sure yan?" bigla namang napalingon sakin dahil dun sa tanong niya sakin. 

"Oo, pero kung di mo naman kaya di mo kailangang sumakay." sabi ko sakanya na nagpakalma sakanya ng onti. "Di mo nga lang masusulit punta mo dito." dugtong ko sabay kibit balikat.

"Wag pressure-in, Sir." sabi nung katabi niya sabay tawa. 

"I'm not, I'm just stating the facts." sabi ko ulit sabay tingin dun sa nauna samin. 

Tagal naman nila.

"ORAYT! Sir! Kami una!" sabi nung isa, yung katabi nung nagmura kanina. Hatak hatak niya yung nagmura papunta dun sa Reverse Bungy. 

Napilit naman nila yung nagmura kanina at sasabak na sila. 

"Gago, isipin mo pre biglang kumalas yung seatbelt kasi ang malas mo tas tumalsik ka?" 

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon