37

3 0 0
                                    

Chapter 37



"Soleil.." tawag ko sakanya ngunit di niya ko nililingon.

"Leave me alone for today, Leo" sabi niya habang hinihilot ang sintido niya.

"What did I do this time?" tanong ko dahil nagiging malamig na naman ulit siya sakin pagtapos naming magkaayos.

"Wala kang ginawa, Leo. Okay?" she said raising her voice a little bit.

"Then why are you acting like I did something?" sabi ko sakanya at napahilot na din sa sarili kong sentido.

"Just leave me alone for today, Leo." sabi niya at tinignan ako sa mata, tinitigan ko siya pabalik. Nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. "Please?" she begged.

"Soleil," sabi ko pero sa pagbanggit ko palang ng pangalan niya at pumikit agad siya. "I told you this before," sabi ko sakanya at tinignan siyang mabuti. "If something is bothering you, don't hesitate to talk about it with me." sabi ko sakanya at hinuhuli ang mga tingin niya ngunit patuloy niyang iniiba 'yon tuwing nagtatagpo ang tingin namin.

"Leo, please" sabi niya at doon ako tinignan. "Just go home, I wanted to rest." sabi niya at iniwan akong nakatayo dun at naglakad na siya papasok sa bahay niya.

Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan siyang nagalalakad papasok sa loob ng bahay niya ng hindi man lang ako nililingon.

* * *

"Tama na yan, pare" sambit ni Maximus sakin sabay kuha sa baso kong may lamang alak.

Akmang kukunin ko ulit yun mula sa kamay niya ng walang sabi sabi nang bigla niyang tinapik yung kamay ko.

"Tama na." seryoso niyang sabi at nilapag kung saan ang baso ko.

"Anyare dyan?" tanong ni Jasper na kakarating lang.

Nakita ko namang nagkibit balikat si Maximus. Kanina ko pa sila di kinakausap ni Jin kahit na anong tanong nilang dalawa sakin.

Inakbayan ako ni Jasper bago magsalita. "Problema?" tanong niya sakin pero gaya ng ginawa ko kila Maximus at Jin ay hindi ko siya sinagot.

"Ano meron?" tanong ni Dave na kararating lang din.

Bakit ba sila anditong apat sa condo unit ko? Hindi naman ako nagtext sa groupchat namin?

Lumapit si Dave sakin at tinapik ang balikat ko.

"Baka stress lang yun." bulong niya sakin.

I scoffed.

"Close pala kayo, sana kami din." sabi ko sakanya at tsaka tumingin sa kawalan.

"Assumption ko lang, hindi kami close." sabi ni Dave sakin sabay tapik ulit sa balikat ko.

"Open lang sila." sabi ni Maximus at tumawa.

"Ilugar mo nga mga joke mong corny." sabi sakanya ni Jasper.

"Ulul." sabi sakanya pabalik ni Maximus.

"Bakit ka nag-iinom?" tanong ni Jasper.

"Di mo pa rin gets? Nagbigay na ng clue si Dave nyan ah." sabi sakanya ni Maximus.

"Huh?" sabi ni Jasper kaya napailing nalang ako at aabutin na sana ang baso na kanina'y hawak ko nang mapansin yun ni Maximus at tinapik ulit ang kamay ko.

Tinignan ko siya ng masama pero tinignan niya lang ulit ako ng masama.

"Speak." sabi niya at mas lalong inilayo sakin ang baso ko.

"Just go home, all of you." sabi ko sakanila at tumayo na para kumuha sana ng panibagong baso nang ibalik nila ko sa kinauupuan ko kanina.

"Speak and we'll leave after we solve your problem." sabi ni Jin.

"My problem isn't some mathematical problem that you can solve, Jin." sabi ko sakanya sabay alis nang mga kamay nila na nasa balikat ko para di ako makatayo pero mas hinigpitan nila ang paghawak sa balikat ko para ibaon ako sa kinauupuan ko.

"Then let that out, hindi yung kinikimkim mo." sabi ni Jin sakin.

"Tangina naman, Jin! Pagod ako, okay?! Hindi ko alam kung bakit umaakto ng ganon si Soleil! You all know I'm fucking new to this! Kaya hayaan niyo muna kong mag-isa, pwede ba yon?!" I burst.

Lumuwag ang hawak nila sa balikat ko at tsaka naramdaman ang mga tapik nila sa balikat ko.

"Wait till she open up to you, bro." sabi sakin ni Dave.

"It's been months, Dave. When the fuck she will open up? Next year?" sabi ko at umiling iling.

"Patience." sambit ni Jin at naglakad patungo sa sala.

"I'm no professional with something like this, but Jin is right, man. Let her open up herself, don't rush things. Just be with her, maybe your presence might wake her up and lead her to opening things to you." sabi ni Maximus at nagkibit balikat bago sumunod kay Jin.

"Give her time." sabi ni Dave sakin at tinapik tapik ang balikat ko at tsaka umalis.

"Uh.." umpisa ni Jasper na sa tingin ko'y nag-iisip kung pano sisimulan yung sasabihin niya.

"You don't have to say anything." sabi ko sakanya at tsaka tumayo para kunin yung basong inilayo ni Maximus sakin.

"Goodluck?" di siguradong sabi ni Jasper sakin bago sumunod sa tatlo na lumabas na ng condo ko.

Give her time huh? Hindi ko alam kung hanggang kailan kasi everytime na nagkakaayos kami ni Soleil bigla nalang siyang manlalamig sa kadahilanang hindi ko alam dahil hindi niya rin naman sinasabi sakin ang dahilan kahit na tanungin ko siya ng paulit ulit.

Maybe family problems? But last time she mentioned her family she told it was fine amd they never had a problem with anything as a family.

Ininom ko ang huling alak na natira sa baso ko at tsaka naglakad patungong sala para kunin ang cellphone kong nakalagay sa ibabaw ng lamesa na andito sa sala.

To: Soleil Luna

i'm sorry in advance if i did anything that upsets you right now. i just wanted to tell you that i love you and i'll always be here ready to listen.

Pagkasend ko nun ay ilang oras at ilang inom ng alak ang ginawa ko bago dumating ang reply niya sakin.

Nilapag ko ang cellphone ko nang makita ang nireply niya sa mensaheng tinype ko para sakanya.

From: Soleil Luna

Thank you. Have a good night.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang kisame ng aking condo unit. Napatulala ako roon ng ilang oras hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko na ang ibig sabihin ay may nagtext sa akin.

Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Soleil Luna

I'm sorry.

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon