30

3 0 0
                                    

Chapter 30



"Dude, you shouldn't have gone to work." agarang sabi ni Jin nang makapasok siya sa opisina ko at makita ang itsura ko.

"Huh?" patay malisya kong tanong sakanya.
"You look awful." sabi niya at umiling iling pa sa harapan ko. "I bet you stayed up all night overthinking Diego's problem." paghula niya na tama naman.

Itinuon ko nalang ang tingin ko sa laptop ko at tinignan ang mga bondpaper na kailangan ko pang ayusin at ibibigay ko mamaya kay Soliel para aprubahan niya.

"Mawawala din to," sabi ko para hindi niya masyadong isipin ang eye bags ko. "Just go back to your department. I'll see you by lunch with the others." sabi ko nang hindi man lang siya pinapasadahan ng tingin.

Kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit ko pa ring tapusin tong mga papers na nasa harapan ko ngayon.

* * *

"Are you okay?" tanong agad ni Soliel nang makita ang itsura ko bitbit ang mga papers na dala ko para ma-aprubahan niya.

"Yes, Ms. Luna" pormal kong sagot at nagbow para umalis pero itinaas niya ang kamay niya kaya hindi ako tumalikod at inayos lang ang tayo ko dito sa harap niya.

"You're not okay." sabi niya at sinusuri pa din ang itsura ko.

Naasiwa naman ako nang makita siyang sinusuri ang itsura ko. Nakakahiya sa mata niyang heterochromia. Hindi ko din maiwasang pagmasdan ang mukha niya habang sinusuri niya ang mukha ko.

Kumunot ang noo niya dahilan para tumingin ako ng diretso sa mga mata niyang magka-iba ang kulay.

"You can go home early, I'll let Magui do the meeting." she said with her eyes full of concern.

I gave her an reassuring smile. "It's fine. I can do it, Ms. Luna" sabi ko sakanya at muling nagbow sakanya at nginitian siyang muli bago tumalikod.

Nahagip naman ng tingin ko nag-aalala niyang mukha bago magsara ang elevator.

* * *

"Meeting adjourned." I finally said then fixed my things that are place on the top of the glass long table.

"That was a wonderful presentation, Mr. Blanco" pagpuri sakin ng isa sa mga inimbitahan kong pumunta dito ayon sa isinulat ni Soliel.

"Can we expect CEO Luna on the next meeting?" tanong sakin nung isa.

Inilipat ko ang tingin ko sakanya at nginitian siya. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Magui.

"Sad to say, but no." malamig niyang tugon habang nakatingin doon sa nagtanong, narinig yata ang tinanong nung matandang lalaki.

"And why is that?" agarang tanong ng matanda.

"Privacy." maikling sagot niya.

"Now that's unprofessional of her." sabi ng matanda at tumawa ng bahagya. "You don't put your personal issue inside the business, I hope you'll tell her that, Ms. Mendoza" sabi nito habang nakangiti na parang may masamang balak bago naunang umalis.

Nang makaalis ang lahat ay umirap si Magui at lumapit sakin.

"She wanted to talk to you." sabi niya sakin bago naunang lumabas sakin at iniwan ako dito.

Agad naman akong sumunod sa paglabas at nagtungo sa opisina ni Soliel.

"Ms. Mendoza told me you were calling for me." bungad ko nang makatapak ako sa kanyang opisina habang diretso lamang ang lakad at tingin sakanya.

"So Mr. Smith is at it again?" nakangiti niyang tanong na hindi umabot sa kanyang mga mata dahil bakas sa mukha niya ang pagod.

Is she talking about the old man who ask for her presence for the next meeting? If yes, then yes.

"Yes." tanging sagot ko na lamang.

"Him being one of the major stockholder stressed me." sabi niya at napahilot sa sintido niya.

Sobrang bakas sa mukha niya ang pagod at pagkastress.

"Anyways," sabi niya at inalis ang kamay mula sa paghihilot ng kanyang sintido at nilipat ang tingin sakin ng nakangiti.

Real quick?

"Okay ka lang ba? Kasi you look exhausted earlier but you still chose to continue the meeting." nakangiti niyang tanong habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm fine, don't worry about me." sabi ko sakanya.

"But you are my employee, my secretary." nag-aalala niyang sabi.

Wow, employee. That kinda sting.

Lol what? Nevermind.

I gave her a smile. "I'm fine. I'll go now, Ms. Luna" paalam ko kahit di pa naman niya ko pinapaalis.

Mabilisan akong naglakad patungong elevator at muli siyang nginitian mula roon bago magsara ang elevator.

* * *

"Employee ka naman talaga, ano bang gusto mo?" diretsiyahang tanong ni Jane.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko biglang sapakin tong si Jane dahil masyadong foul ang tanong niya.

Hindi siya foul dahil totoo naman. Ano ba tong mga pinag-iisip ko.

"Wala." tipid kong sagot.

"Eh bakit mo kinukwento yung pag-uusap niyo kanina? Wala namang problema dun? She cares because you are her employee" she saod emphasizing the word employee.

"Share ko lang." sabi ko sakanya para matahimik na siya.

"Weh?" tanong niya dahil hindi siya nasatisfy sa sagot ko.

"About Diego," tumingin ako kay Jin para maiba ang topic.

"What about him? He already settled." walang buhay na sabi ni Jin.

Against kasi siya sa desisyon na ginawa ni Diego. Jin wanted Diego to marry Kyla because that is the write thing to do for the sake of the kid but Diego think otherwise. Kahit na ganoon si Diego, he believes that you should marry the person you love and not just because of obligation.

At hindi niya man lang inisip ang mantra niya bago niya buntisin si Kyla.

Fucking poser.

"She can date the girl." komento pa ni Jin na parang di makaget over.

Sabi kasi ni Jin, kung gusto niya matupad yung mantra ni Diego, why not date Kyla. Baka daw mafall siya. But unluckily, Diego is a one big douchebag. His answer was like this.

'You don't force love and destiny'

Says from the fuckboy who is a heartbreak waiting to fucking happen.

"Hey! Hindi naman diyan ang topic natin!" masungit na sabi ni Jane at pinitik pitik ang dalira sa harapan naming dalawa ni Jin.

Wala ulit si Sam dahil sa rasong hindi ko alam at wala kong balak alamin.

"Give it up, Jane." sabi ko sakanya at kumain nalang at kahit na nagtanong siya ay hindi ko sinagog dahil ako mismo, hindi ko alam kung bakit ang big deal sakin ng salitang 'employee'.

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon