35

4 0 0
                                    

Chapter 35



I was browsing my calendar when a I saw that I have an event for next month.

I read with my eyes what's written there.

Saturday, June 01

Anniversary!

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa nakita. Next month na pala kami mag-iisang taon. And the fact that we never had a fight since then makes me glad.

Tinapos ko ng maaga lahat ng gagawin ko para pumunta sa isang Mall para bumili ng naisip kong regalo para kay Soleil.

"Can I have a look to that?" tanong ko dito sa babaeng nasa harap ko na nakatingin sakin at nakatingin sakin kahit na may tinuturo ako sakanya.

"Which one, Sir?" tanong niya habang nakangiti at hindi pa rin nilulubay ang tingin sakin kay naasiwa ako at nilipat ang tingin sa tinuturo ko.

Kinuha niya yun at nilapag sa salamin na pumapagitna samin dalawa. Inalis ko yun sa lagayan at tinignang mabuti.

It has a small pendant of Sol and Luna colliding.

Awkward akong tumingin sa babae na nakatingin lang sakin at bahagya siyang nginitian.

"I'll take this." sabi ko sakanya at tumango naman siya at kinuha yung napili ko para ibalot.

* * *

Hininto ko ang kotse ko sa paborito kong kainan para bumili nang kakain ko sa gabing ito dahil tinatamad akong magluto.

Lumabas ako nang kotse ko at magalalakad na sana papasok sa loob ng paborito kong kainan nang may nakita akong hindi inaasahan.

I saw Soleil and Genevieve talking inside the Restaurant. Kita ko sila mula rito dahil sa salamin ang bawat dingding ng kainan.

They were seriously talking kaya napagpasyahan nalang na wag tumuloy dahil malapit sila sa pintuan at maaring mapansin ako ni Genevieve at ayokong makaistorbo sakanila.

Pero nabagabag ako dahil napagtanto kong magkakilala pala sila? Alam kong nagkakilala sila nung dinner pero diba?

Magluluto nalang ako, di na ako tinatamad.

Muli kong tinignan si Soleil na kausap si Genevieve. Sa aking palagay ay nakacontact lense si Soleil dahil ayaw niyang may nakakapansin sa magkaibang kulay ng mata niya.

Pumasok na akong muli sa aking sasakyan para magmaneho pabalik sa condo unit ko.

* * *

"Ano ba to, Leo?" tanong ni Soleil dahil wala siyang makita dahil nilagyan ko ng takip ang kanyang mata gamit ang isang panyo.

"Secret." bulong ko sa kanyang tainga habang ginigiya siya patungong table na nireserve ko para sa dinner namin.

"You know that I don't like secrets." seryoso niyang sabi sabay hinto.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko na siya mapipilit pang maglakad. Tinanggal ko nalang ang nakatakip sa kanyang mata dahil tanaw naman na mula dito ang inayos ko.

She squint trying to adjust the brightness she's seeing. Nang maka-adjust na siya sa liwanag ay nanlaki ang mata niya.

"Happy 1st Anniversary, Soleil." bulong ko sa kanyang tainga.

Humarap siya sakin nang hindi makapaniwala.

"I didn't know." sabi niya na biglang nagpalungkot sakin. Pero nilabanan ko ang sarili para hindi sumimangot.

Ngumiti ako sakanya. "It's fine. I know you won't remember." No, I didn't expect you'll forget it. "Let's go?" sabi ko sabay lahad sa daan patungo sa inayos kong lamesa.

Tumango naman siya at sumabay sakin sa paglalakad patungo sa inayos kong table.

Hinila ko ang upuan para makaupo siya, nginitian niya naman ako bago siya umupo.
Naglakad naman ako sa katapat niyang upuan at umupo doon. Nginitian ko siya bago ulit magsalita.

"Let's eat?" sabi ko at nginitian niya naman ako pero hindi pa din kumakain. Inabot niya ang kamay ko at tsaka nasilayan ang lungkot sa kanyang mukha.

"I'm sorry." she said sincerely.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

"It's fine." sabi ko sakanya kahit na hindi. "Let's eat?" tanong ko ulit. Hindi nawala ang lungkot sa mukha niya at bahagyang ngumiti sakin bago inalis ang kamay niya mula sa kamay ko at tumango.

Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos ay nagkatinginan kami. Kinapa ko ang nasa bulsa ko. Humugot ako nang malalim na hininga bago nagsalita.

"Soleil.." umpisa ko at agad naman siyang naalerto dahil sa sinabi kong yun. "I wanted to give you this because you are my Sun and also my Moon. This is my gift to you for our 1st Anniversary, I hope you keep it and treasure it like how I treasure you." malumanay kong sabi bago nilabas ang kwintas na binili ko.

Nang ipakita ko sakanya yun ay nanlaki ang mata niya at tumingin sakin. Ngumiti siya sakin ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiti niyang yon.

Tumayo ako para lumapit sakanya at isuot ang kwintas na iyon sa kanya.

Habang kinakabit ko iyon ay hinawakan niya ang pendant. Umalis ako mula sa likuran niya at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Thank you." sabi niya sa akin habang nakahawak pa din sa pendant ng kwintas. "I'm so sorry that I didn't remember," sabi niya sakin at sumilay ulit ang lungkot mula sa mga mata niyang magkaiba ang kulay.

Looking at her eyes is like looking at the sun and moon at the same time.

"I have bought a gift for you, but not for this occasion." sabi niya at may kinuha sa kanyang bag.

Binuksan niya yun at nakitang may kwintas rin mula doon. Isang zodiac sign ang pendant.

A Leo.

Leo ang zodiac sign ko at sa tingin ko'y ibibigay niya sa mismong araw ng kaarawan ko.

Atleast she remembered my birthday.

Ngumiti ako sakanya nang tumayo siya at naglakad patungo sa likod ko para isuot yun. Bumalik siya sakanyang kinauupuan matapos ikabit ang kwintas na dapat ay regalo niya sa aking kaarawan.

"I also want you to keep that" sabi niya at ngumiti sakin ngunit bakas pa din ang lungkot sa kanyang magka-ibang kulay na mata. "And I'm sorry." sabi niya sakin.

"Stop saying sorry, I already said it's fine. I know you're preoccupied with the company so I understand." paliwanag ko sakanya.

Ngumiti naman siya sakin pero hindi pa din nawawala ang lungkot sa kanyang mata kaya medyo nababagabag ako. "Thank you." malungkot niyang sambit.

Ngumiti nalang ako.

May narinig kaming tugtog ng isang violin na binayaran kong tumugtog para sa araw na ito.

Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sakanya.

"Can I have this dance?" tanong ko.

Binalewala ko ang lungkot sa kanyang mata nang tanggapin niya ang kanay ko at tumango at nagsimula na kaming sumayaw.

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon