Prologue

1.1K 62 42
                                    

THIRD PERSON's POV

"Anak, Wonwoo! Maglinis ka naman ng kwarto mo. Pwede nang gawing dumpsite kwarto mo sa sobrang gulo. Daig pa nito nadaanan ng buhawi!" Sigaw ng kanyang ina mula sa taas. Rinig na rinig niya ang malakas na mga yapak ng kanyang mga paa.

Napatigil sa pagbabasa ng libro si Wonwoo sa sermon ng kanyang ina. Napabuntong hininga siya at napapikit ng ilang segundo.

Ang iba siguro ay babangon na sa kanilang pwesto para sundin ang utos ng kanilang ina, pero ibahin mo si Wonwoo. Dahil imbes na tumayo sa kanyang pwesto ay tinuloy niya pa rin ang pagbabasa. Sinuot niya pa ang earphones niya para hindi pa marinig ang bibig ng kanyang ina na daig pa ang armalite sa kakasermon.

🎶 Lagi nalang ganito, isipan ay gulong-gulo

Lagi nalang nabibigo, ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso-

"Bwiset, akala ko ba na-delete ko na 'tong kanta na 'to?!" Iritang inalis ni Wonwoo ang suot na earphones. Nawalan na tuloy siya ng gana magbasa dahil sa narinig na kanta.

Sinarado niya ang librong binabasa niya at bumangon sa sofa na kanyang hinihigaan. Saktong pagkatayo niya ay nahagip ng kanyang paningin ang babaeng kapatid. Nakatayo ito sa tapat ng sarili niyang kwarto habang may suot na nakakalokong ngiti.

"Nginingiti mo diyan?" Mataray na ani nito habang naglalakad papuntang kusina.

Naramdaman niyang sinundan siya ng kanyang kapatid, "Move on na, kuya. Tatlong taon na hindi mo pa din tinatapon lahat ng binigay niya sayo. 'Di ka na babalikan non."

Inirapan niya ang sinabi ng kapatid. Kumuha siya ng baso at nilagyan tubig. Uminom siya rito at nilagay sa lababo ang baso.

"Maglinis ka nalang ng kwarto ko Heejin, kaysa sinasabihan mo ako ng ganyan." Aalis na sana siya ng kusina kaya lang napatigil siya sa binanggit ng kapatid.

"Wow ha, nahiya ako kuya. Yan napala mo kay Mingyu eh. Nasanay ka kasing siya ang naglilinis ng kwarto mo kaya ngayon nasanay kang may naglilinis para sayo."

Huminga siya ng sobrang lalim. Napalunok siya sa narinig na pangalan.

Ito nanaman, bumabalik nanaman lahat ng memoryang tatlong taon na niyang gustong makalimutan. Kahit ilang ulit niyang ibaon, lumilitaw pa rin ito.

Tatlong taon na pero hindi pa rin siya nakaka-move on. Tatlong taon na pero naghihintay pa rin siya.

Imbes na sumagot sa kapatid, tahimik nalang siyang umakyat papunta sa kanyang kwarto para makapaglinis.

Masakit pa rin pala.

Closure lang naman gusto niya kay Mingyu. Closure lang para matahimik na kaluluwa niya.

Love, reconcillation and closure is what he needs for him to comeback.

•••

•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

•••

n o t e

+ very short story, 10-20 chapters.

+ contains the past and present events

+ cliché and drama mode on (♡˙︶˙♡)

+ pure narrative, short chapters

+ enjoy reading (づ ̄ ³ ̄)づ

•••

d e d i c a t i o n

dedicated sa mga hindi pa nakaka-move on at nangangailangan ng closure haha.

and of course sa mga meanie shippers hehez

•••

date started
063017
date revised
070317
date ended
070617

date revised (2ND TIME)
030818

•••

trailer

please turn up your volume so you can hear the heartbeat at the beginning, pati rin sa medyo middle part ^^

Closure • meanieWhere stories live. Discover now