chapter 8

1.5K 35 0
                                    

=Ella's POV=

first day of foundation week..tulong tulong ang lahat para matayo yung booth namin.. yung mga boys tulong tulong sa paggawa ng pwesto namin while yung mga girls naman including us, ay nagdedesign sa loob, busy ang lahat at kailangan matapos ito bago mag 12nn..

after 30min..

tapos na ang lahat,. inaantay na lang namin mag 12nn at magbubukas na kami..last inspection muna sila doon sa loob habang ako ay nandito na sa labas at di din nagtagal...

we're open!

halos isang oras pa lang ang nakakalipas, ang dami dami ng nagpapapicture sa amin.. buti nga at madami kami kaya kayang kaya namin to.. yung mga costumer kasi, cute na cute dun sa layout dun sa picture.. at hindi lang yun.. may special treatment lahat ng costumers.. mostly, puro girls.. kaya bentang benta si amelyn ngayon which is the make-up artist..

bentang benta din yung mga costumes na binili namin sa ukay ukay.. may pang-retro, classy, pang-sosyal at ung mga patok na wigs.. patok din sa mga girls ung classmate namin na lalaki which is ung taga edit ng picture.. gwapo kasi ang loko, kaya madaming nagpapapicture sa amin na kasama siya.. kaya naisip namin na kapag may kasamang model, may extra bayad..

sayang din un ha.. benta din un.. xD

"guys..  buti napahinga tayo..kahit konti.. naubos na siguro yung mga pera nila kababalik balik sa atin.. yun at yun din yung costumers natin ee.." reklamo nitong si maine.. sumakit na din siguro yung mata kakapicture.. gusto nya un eh..

"ngayon ka pa nagreklamo eh, bawing bawi nga yung capital natin"

"hindi naman sa ganun.. stress lang.. hehe"

"ou nga eh, hirap din mag make-up!" nagulat kami sa biglang sulpot ni amelyn.. galing siya doon sa may likod.. napagod din siya siguro kaka-make-up..

naupo na lang kami sa loob hanggat naka close pa yung booth namin.. kami na lang tatlo yung natira dun dahil yung iba ay lumabas para kumain.. break time kasi namin eh..

"inaantok ako.." sabi ko

"tara! tulog tayo saglit!"

pare pareho nilang sabi.. antok na antok na din sila tulad ko.. nakakapagod din kasi ung trabaho namin.. halos hindi na kami nauupo kanina dahil padagsa dagsa ung mga students sa booth namin.. papikit na sana ung mata ko nang biglang makarinig kami ng boses galing sa labas..

"PA-PICTURE NGA PO!! PA-PICTURE HO KAMI.. YOOOHHOOO"

anak ng tipaklong.. sino naman yung istorbo sa pahinga namin? hindi ba sila marunong bumasa ng karatula sa labas?? we're close nga eh.. tsk.

"PA-PICTURE HOO!!"

sa inis ko, bumangon ako bigla at nilabas ung mga makukulit na un sa labas.. ihahanda ko na din ung boses ko para talakan ung mga un.. they can't blame me.. break time namin at may signage kami, pero makulit talaga sila at nagpupumilit pa.. makikita nila ang lakas ng boses ko..

"hi girls.."

nagulat ako sa nakita ko.. sina Kiel pala to kasama ung dalawa nyang kaibigan.. napansin ko naman na kumaway ung dalawang kasama ni Kiel sa likod ko kaya napatingin din ako sa likod ko.. nakasunod pala sa akin sila sharmaine at amelyn at nakita ko pa kung paano sila tumalikod at nag ayos ng buhok.. 

 mga lukaret!! >_<

pagkaharap ni sharmaine, agad siyang nagsalita.. "di nyo ba nakita na close pa kami?"

"oo nga.. 5min pa ah... ay! ella.. time na pala.." sabi pa ni Amelyn

 ayos! kung di ko lang alam.. gusto din nila.. oh well.. pagbigyan na.. may libre to pabalik!

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon