chapter 12

1.3K 23 3
                                    

=Ella's POV=

hindi ko dapat maramdaman ang ganito.. wala ako dapat ikasama ng loob dahil sa nakita ko.. wala akong dapat ipagbahala sa mga sabi sabi nung mga tao na bagay daw sila ni Kiel at ung muse.. hindi dapat ako ganito.. hindi dapat ganito ang nararamdaman ko.. wala dapat akong ikainis..dahil..

wala akong karapatan!!

kanina ko pa pinamumukha sa sarili ko na wala akong karapatan na maramdaman ang ganito towards him dahil wala naman kaming relasyon.. wala dapat akong pakielaman sa buhay nya kahit pa best friend nya ko.. 

mali.. mali na itong nararamdaman ko.. (_ _)

kinuha ko yung cellphone ko na nasa bedside table.. nakita ko yung wallpaper ko na kung saan, picture namin ni kiel ang nakalagay dun, at yun yung kuha namin sa booth namin.. sabi nya kasi sa akin, gawin daw naming wallpapaer yun sa parehas namin cp.. at.. natuwa naman ako dun..

pero agad akong tumungo sa settings nung phone ko at iniba ko ung wallpaper nun dahil ayoko ng makita pa un.. ayoko ng umasa pa.. kasalanan ko din to.. umasa-asa ako sa bagay na alam ko namang hindi mangyayari.. at eto na nga.. dahil nag-uumpisa na ung kinatatakutan ko..

na baka masaktan ako..

nakita kong may unread message pala ko.. binuksan ko iyun at galing sa kanya yun..

From: Kiel :)

ella! nakauwi ka na ba? hmm.. kaen kna ha.. nga pla, good mood aq now! haha.. gudnyt bestfriend! sweetdreams! :*

matutuwa na sana ako sa text nya eh.. pero may nakalagay pa na good mood siya.. oo, walang masam dun, pero alam ko kung bakit siya good mood.. kanina pa nya un sinasabi sa akin.. at dahil un dun sa diane..

:( 

 -----------

next day... 

rizal day ngayon! i mean.. rizal ang subject namin ngayon.. at kaklase ko ang kiel.. hindi ko alam kung paano ko haharapin un ngayon.. ang weird na ng feeling ko towards him.. katabi ko pa naman siya ngayon..

maaga ako nakapasok.. mangilan ngilan pa lang kami dito, pero 20mins na ang nakalipas at wala pa din siya.. madami na kami dito sa loob, pero wala pa din siya..

sakto pag-angat ng tingin ko, nandun siya sa may pinto at parang hingal na hingal..

"hi ella.. hooo! kala ko mala-late ako." sabi nya sa akin, sabay tabi nya sa akin..

"ano nangyari sa itsura mo? bakit ganyan??

"eh paano kasi, na-late ako ng gising, di mo kasi ako tinext ng maaga eh.."

"ako pa may kasalanan??

sabi ko na lang.. nasanay kasi siya sa akin na ganun, parang ako kasi ung alarm clock nya,.. napansin ko naman un itsura nya.. gulo gulo parang buhay ko..

inilapit ko ung kamay ko sa kwelyo nya.. inayos ko iyon dahil nakapilipit iyon sa may loob.. at habang inaayos nya yung sarili nya.. nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.. inalis ko ang tingin ko sa kanya, at saka pinagpatuloy ung ginawa ko.. naiilang kasi ako.. sinuklay ko ng daliri ko yung buhok nya at saka ako nag-alis ng tingin after..

"thank y-you, ella.."

"w-wala un.."

sabi ko sabay upo ng diretso.. nakakaramdam ako ng awkwardness, pero siya parang wala lang sa kanya..

"kumain ka na ba?" sabi nya..

"oo.. kanina pa.."

naputol yung usapan naming iyon nung dumating na yung prof. namin.. at nagdiscuss na agad.. may sinabi lang siyang mahalagang topic ang then dinis-miss na kami..kaya siya nagmamadali dahil ididismiss na nya daw kami ng maaga dahil my emergency meeting sila..

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon