chapter 17

1.1K 18 0
                                    

Chapter 17

=Ella’s POV=

It’s Rizal’s day namin ngayon.. I mean, rizal ang subject namin ngayon.. ginawa ko naman yung daily routine ko kapag ngayong araw.. gigisingin si Kiel sa pamamagitan ng mga text’s at calls ko, at kung anu-ano pang pampagising ang dapat gawin para magising siya.. adik yun eh, ako ginawang alarm clock! -__-

sinabi ko na pala kay Kiel ung about sa amin ni diane.. ung mga nagawa namin sa isa't isa.. inamin ko din sa kanya ung mga nagawa ko kay diane, pero mas diniin ko ung mga kasalbahian nung babae na un..

well.. nanaig pa din naman ung friendship namin, at kakausapin na lang daw nya.. -_-

“huy.. ang lalim ng iniisip mo ha, di ko mahukay..”

“tsss.. andyan ka na pala kiel..” sabi ko sabay palumbaba sa armchair ko..

“obvious naman diba.. hehe”

“K.”

“ay.. ang sunget..”

di ko na siya pinansin nun at pinaglaruan ko na lang ung ballpen ko na kanina pa stress dahil iniikot ikot ko sa kamay ko.. naramdaman ko na lang na may sumiko sa tagiliran ko at hinarap ko un..

sino pa ba? edi si Kiel..

"why?"

"wala kang kibo jan? ok ka lang ba?"

"oo.."

"narinig mo ba ung sinabi ko?"

"hindi.."

"uulitin ko pa?"

"it depends.."

nakita ko pa siyang bumusangot sa harapan ko.. pero wala akong pakielam.. naiinis kasi ako, na dapat ay hindi naman.. you can't blame me.. i'm still hurt.. bleeding.. really hard inside my chest.. oo, alam kong O.A ako, pero ganun ang nararamdaman ko ngayon..

at sa twing makakasalubong ko pa yung mga friends ni diane, including her na din.. kulang na lang matunaw nya ko sa sama ng titig nya sa akin.. kulang na lang din ay patidin ako para madapa ako at mapahiya sa lahat.. Ganung ganun yung ugali nya.. hindi ko alam kung saang space siya nanggaling at napakasama ng ugali!

nat-threat ba siya sa akin?? eh obvious na gustong gusto naman siya ni Kiel.. -__-

“ahmm.. parang nagiging concern na siya saken, ella..”

“oh tapos?” I said coldly.. 

“tapos, di na ko masyado nahihirapan sa kanya.. I mean, feel ko na sasagutin na nya ko.. ganun.. ano sa tingin mo dun?”

tinignan ko siya ng walang ka-ekspresyon ekspresyon.. pero deep inside me.. i'm really really hurt.. he started courting diane since nung nag-umpisa ung intrams.. at bad news sa akin un.. 

"that's good.." sabi ko..

biglang sumeryoso ung itsura nya.. tinignan nya ko ng mataman sa mata at napatiim bagang siya.. hindi ko mabasa ung mukha nya, pero bigla akong kinabahan..

“ang weird mo..” sabi nya..

"thank you.." sagot ko..

“mahal mo na ba ko?"

napatigil ako sa ginagawa ko, at bigla ko na lang nabitawan ung ballpen at nahulog ito sa lapag.. nagulat ako sa sinabi nya.. pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ung mukha ko, at bumilis ng bumilis ung tibok ng puso ko.. i swallowed hard at nag-iisip ng isasagot sa kanya.. biglang na-blanko ung isip ko sa mga sinabi nya kaya ito lang ang naisip kong isagot sa kanya.. 

“what are you talking about?”

"i'm talking about you.. your weird attitude.. and.. and.. ella? what happen to you??"

"wala... ano ka ba! ano bang pinagsasasabi mo?" and i faked a smile 

naging tahimik ang paligid namin.. naging awkward ang atmosphere between us.. magiging ayos na sana ung tibok ng puso ko, nang marinig ko ang huli nyang sinabi bago siya tumayo at lumabas ng room..

“ella.. diba, bestfriend mo ko? Sana naman... suportahan mo na lang ako..”

 and there.. my tears fell at wala akong nagawa kundi ang patuluin iyon sa psingi ko..

---------------

leave a comment.. :D

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon