chapter 15

1.1K 25 1
                                    

KIM JEONG HOON as Zyron Ken Ventura 

picture at the right side.. -------------->>>>>

-------

Chapter 15

=ella’s POV=

Andito kami ngayon sa mcdo.. umorder lang naman ako ng chicken w/rice.. large fries and monster float.. oha! Libre nya to lahat.. hehe, sulitin na.. masama tanggihan ang grasya.. xD

Habang kinakain ko yung large fries ko..  tinititigan ko siya.. inaalala ko kasi kung saan ba kami nagkita, taga school naman namin siya dahil parehas kami ng uniform.. pamilyar naman siya sa akin e, di ko lang talaga alam kung saan o kung paano kami nagkita..

 “hmmm, ella..may dumi ba sa mukha ko?”

“HUH?! Ah! Ano.. wala.. iniisip ko kasi kung saan tayo nagkita eh.. magpakilala ka nga ng maayos sa akin!”

 "oh.. that.."

Nakita kong bahagyang tumawa siya at parang inayos yung kwelyo ng uniform nya then sinuklay yung bangs nya gamit yung daliri nya at pati na rin yung patilya nya.. on that simple gesture, napatawa ako.. halatang bmwelo pa eh.. 

“Zyron Ken Ventura.. 4th year, business administration student.. same school as yours, last year’s captain ball ng team buss.ad, ako din yung partner mo nung nagmuse ka..“

"really?”

“ano, tanda mo na?”

inisip ko pa ung intrams nung last year at inaalala ko talaga ung mukha nung ka-partner ko.. and then... "AH!! Ikaw yung bumuhat sa akin nun nung natapilok ako.. yung na sprain yung paa ko!”

“buti naman at naalala mo na..”sabay smile nya..

“naku, sorry..ikaw pala yan..nga pala, hindi din pala ako nakapagpasalamat sayo nun, kinuha na kasi ako nun kaagad ni… ni kiel.. kaya, thank you nun ah..”

sabay smile ko.. fake smile. naalala ko na naman kasi si Kiel..

“ok lang.. naiintindihan ko naman yung boyfriend mo..”

“Hindi ko sya boyfriend..best friend ko lang yun..but anyway.. thanks zyron ken..”

“ang haba naman.. ken na lang..”

“ah, ok.. thanks ken!”

ganun lang kami sa buong pagkain namin.. nagflash back lang kami sa mga nangyari.. tawa lang kami ng tawa doon dahil parehas kami nagsasabihan nung mga karanasan namin nung na sprain ako.. ung pagsisigaw ko nun dahil sa sakit, then ung muntik na daw siyang mabingi dahil dun and such.. hindi ko na sasabihin sa inyo dahil puro kahihiyan..

“ahmm, ella.. can we be friends?”

“Ahh.. huh..?” tanong ko..

“friends! Para komportable ka na sabihin sa akin, ung about sa problema mo..”

"how'd know?"

"ung sa kanina, halos masira na ung mga nilaro mo kanina dahil sa init ng ulo mo.."

"halata?"

"yea.."

and i found myself telling him all the heartaches and experiences na naranasan ko these past days.. feeling ko kasi na kailangan ko ng masasabihan nun, at si Ken un.. matiim na nakikinig lang siya sa akin, at pa-minsan minsan ay natatawa din.. medyo exagge kasi ako mag-kwento.. ganito yata talaga kapag broken hearted.. -_-

“hindi naman mabigat yan eh.. kung malakas ang loob mo, sabihin mo sa kanya.. pero depende pa din sayo yun, kasi alam kong mahirap yun.. lalo na’t babae ka..” 

Tama siya..

“…pero kasi kung di mo naman yun gagawin.. mauunahan ka at ikaw din ang mawawalan.. alam ko naman na malakas ang laban mo doon kasi madami na kayong pinagsamahan..”

Ano ba naman to, bakit parang ag hirap ng advice nya.. pero sa bagay, tama naman siya eh.. ang hirap nga nito..

“oh, Natulala ka na jan?" sabay tawa nya.. "i'm not good at this.. kaya wag mo masyadong seryosohin ung sinabi ko.. babae ka, lalaki ako.. magka-iba pananaw natin jan.. kaya, mamaya mo na pag-isipan yan..dahil gabi na. uwi na tayo..”

“anong oras na ba?”

“7:20pm na po”

“hala!! Gabi na nga… sige, alis na tayo.. baka mawalan ako ng masasakyan!”

“hindi.. hahatid na kita, dala ko yung kotse ko eh..”

 WAW!! Bigtime si koya!! May kut-si! Haha

Di din nagtagal at pumunta na kami sa parking lot..kung nasaan yung kotse nya.. pagkarating namin dun ay pinagbuksan na nya ko ng pinto, doon ako sa may passenger seat pinaupo tapos umikot na sya doon at sumakay na din..

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at siya na naglagay sa akin nung seat belt ko.. nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya, pero ningitian nya lang ako pabalik.. 

Pagkabalik nya sa upuan nya ay nilagay na din nya yung seat belt nya then he stepped on the engine.. nagulat talaga ako sa ginawa nya, at hanggang ngayon ay hindi pa ko nakaka-move on.. tumitingin tingin siya sa akin at ngingiti tapos titingin ulit sya sa daan.. pansin ko lang ngayong araw.. lagi na lang akong nagugulat! Baka ma-heart attack na ko dito ha!

Naalala ko tuloy yung sinabi nya kanina na “I like you” daw, gusto ko naman itanong yun sa kanya, pero nahihiya ako.. baka sabihin naman nya na… ano! Ewan! Bahala na nga…

“ang tahimik mo jan, ella.. malapit na ba tayo sa bahay nyo?”

Nakapasok na pala kami sa subdivision namin ng di ko namamalayan..

“yea.. doon na, pagkatapos ng tatlong kalsada..”

“ok!”

Malapit na namin madaanan yung bahay nila kiel.. pagtingin ko sa bahay nila ay saktong pabukas yung gate nila at ang inilabas noon ay si kiel.. napangiti naman ako nun pero napawi ulit iyon dahil ang kasunod na pala nun ay si…. diane.. Napayuko na lang ako hanggang sa malagpasan na namin sila..

“it's ok, ella.. kaya mo yan.. Ikaw pa.. basta pag-isipan mo yung sinabi ko kanina ah..”

Napanisin nya din pala si kiel at diane.. pati din siguro yung nakabusangot kong mukha..

“ah, yeah! Thanks, ken..”

---

comment?

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon