chapter 42 - away ulet :D

1.1K 15 0
  • Dedicated kay Mhae Galvez
                                    

-dedicated to Mhae.. hehe, happy 1st anniversary sa inyo ni danyo.. xD

hahaha..

enjoy..

Chapter 42

=Ella’s POV=

Natapos yung ‘surprise party’ ni Kiel sa akin kani-kanina pa. may konting salo-salong naganap sa loob nung hotel, kasama yung mga staff ng hotel na yun. natuwa nga kami kasi yung ibang pagkain, hindi pinabayad kay Kiel, kundi sila na yung sumagot noon.

Yung isang staff na si Robert, kababayan pala namin yun. kaya pala ang lapit ng loob namin sa kanya. Yung girlfriend naman nyang si Mae, which is yung receptionist,  taga dun din. Parehas silang staff dito sa hotel na ito. Nagcecelebrate din pala sila dito kasi anniversary daw nila ngayon..

Buti pa sila.. :(

Natutuwa daw kasi sila sa aming dalawa. Bihira daw kasi sila makasaksi nung katulad ng nangyari sa amin kanina. Maswerte daw ako, at nakahanap ako ng tulad ni Kiel. Sana nga daw ay magtagal pa kami at humantong na sa kasalan. Sabihin na nga lang daw sa kanila, at sila na daw bahala sa reception..

I’d like to.. pero hindi pwede..

“tabs? Nilalamig ka ba?”

“hmm..medyo, ang lakas kasi ng hangin eh..”

Nasa may tabing dagat kasi kami ngayon ni Kiel. Alas nuebe na ng gabi, pero maliwanag pa naman sa paligid namin, dahil na din sa mga palamuti nila dito, katulad ng mga Christmas lights. Pati na din pala yung mga grupo ng kabataan dito na nagbobonfire.

Gusto nga sana namin ni Kiel mag-bonfire din, kaso lang naisip namin na baka maubos lang ang oras namin sa paghahanap ng kahoy, pati na din sa pagsisindi nito. Alam kasi naming wala na sa 24 oras yung natitirang oras para sa amin, kaya mas minabuti na lang namin na maupo na lang dito sa buhanginan at mag-usap magdamag.

Naramdaman kong inihubad niya ang jacket nya, at isinuot niya ito sa may likod ko..

“isuot mo muna to tabs, para di ka lamigin..”

“thank you.. paano ka?”

“ok lang ako, payakap na lang?”

Tumango na lang ako pagkatapos nyang sabihin iyon. Nagulat pa yata siya sa bigla kong pagsang-ayon sa kanya, pero di din nagtagal at iniyakap nya yung braso nya sa likod ko. Sinandal nya ang pisngi nya sa may gilid ng ulo ko.

“tabs?”

“hmmm?”

“wag na tayo bumalik sa Manila..”

“H-HA?!”

“wag na tayo bumalik dun.. dito na lang tayo..”

“h-hindi pwede, Kiel..”

“sige na.. gusto ko dito.. kasama ka..”

Hindi ako nakakibo pagkatapos nun. Hindi naman pwede iyong idea nya, pero yung kalahati ng puso ko, parang gustong sumang-ayon sa kanya. Gusto ko yung sinabi nyang iyon.. pero alam naming pareho na hindi maaari yun. sa umpisa lang Masaya, pero kapag tumagal na..mas mahirap.

“hindi..Joke lang.. alam ko namang di pwede eh..wag ka ng maging serious jan..tabs”

Tumawa pa sya nun, alam ko namang labas sa ilong..

“tabs, may sasabihin ako sayo..wag kang magsasalita ah.. wag ka munang eepal..”

“oo na! psshh.. hindi na nga ko nagsasalita dito eh..”

“good. I-zip mo muna yung bibig mo..”

Nakuha pa nyang mag-biro.. isa yun sa mga hinangaan ko sa kanya eh. Sa kabila ng mga problemang kinakaharap nya, nagbibiro pa sya.

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon